Part 2

497 18 1
                                    

Liza's POV

Kaya buong araw ay masaya ako. Hindi ko pinapansin si Simon ng makita ako nito at inasar na naman. Palalagpasin ko siya kase may date ulit kami bukas ni Hermes Samuel!

"Ihhh!" impit na tili ko.

Napatutop nalang ako sa bibig ko dahil nasa harap nga pala kami ng mga pagkain. Napangiwi ako ng makita ko ang Mama at Papa ko na kunot nuong nakatingin sa akin. Baka akala ng mga ito kung napapaano na ako.

"Anong problema ng bunso mo?" Tanong ni Papa kay Mama.

My mother just shrugged her shoulder. Ngumiti ako sa Mama at Papa ko ng tingnan nila ako.

My mother is a Retired PNP Deputy Director. Si Papa naman ay Major General ng Airforce. Si Kuya naman ay nasa US at doon nag aaral kasama iyong bestfriend niya na si Lordon. Si Kuya ay nasa marine. Si Lordan naman ay nasa Navy. Gusto kase ni Kuya Blood na sumunod sa mga yapak ni Mama.

"Parents, I'm fine. May date ako Papa bukas kaya masaya ako." masayang anunsyo ko dito.

Nasamid si Papa kaya agad itong dinaluhan ni Mama. Maang na nakatingin lang ako sa kanila. Anong problema kaya nila?

"Elizabeth, paki ulit mo nga iyong sinabi ng bunso natin." narinig ko pang sabi ni Papa kay Mama.

"May date daw." ulit naman ni Mama.

Ngiting ngiti ako sa kanila ng titigan nila ako. Na parang sinisuguro nila kung nagsasabi ba ako ng totoo. Parang shocked na shocked sila sa sinabi ko.

"At sino naman ang kadate mo, Bless Elizabeth?" kunot na iyong noo ngayon ni Papa. Pero matamis pa rin akong ngumiti.

"Si Hermes Samuel Montes po. Iyong anak po ng bestfriend mo, Papa." sabi ko pa at ipinagpatuloy ko iyong pagkain ko.

"Montes? Iyong anak ni PNP Chief Samuel?" maang na tanong ni Mama. Tumango ako.

"Dalaga na ako Papa!" sabi ko pa at humagikgik ako.

Nagtaka ako ng nagkatinginan lang iyong magulang ko at tahimik na ipinagpatuloy iyong pagkain nila. Nagtaka ako kase hindi manlang nag react si Papa. Samantalang galit na galit siya kapag may nababalitaan siya na may nanliligaw sa akin sa school. Pinagbabantaan niya na ipapasalvage niya daw.

Wala manlang silang reaction sa sinabi ko at nagkwentuhan nalang doon sa nawawalang kapatid ni Papa sa Lolo ko.

"Pa, ang chickboy pala ni Lolo." sabi ko at humagikgil pa ako. Pinanlakihan ako ng mga mata ni Mama.

"Liza!" saway ni Mama. I just pouted my lips.

"Kase naman Mama. Edi kaedad ko lang iyong nawawalang kapatid ni Papa." dahilan ko. Napailing nalang si Mama.

Hanggang makatapos kami sa pagkain ay iyon ang usapan nila ni Papa. Iyong kapatid sa Ama ni Papa. Kaedad ko lang daw iyon. Kaya lang hindi nila mahanap hanap. Iyon kase ang huling habilin ni Lolo bago siya mamamatay iyong mahanap iyong anak niya.

Sa pagkakaalam ko pa entertainer daw sa Japan iyong babaeng naanakan ni Lolo. Pero Filipina din. Ewan ko ba. Masyado kaseng lapitin ng mga babae ang mga Fontanilla.

Gwapo kase talaga sila. Tapos iyong mga mata nila color green. Iyong eyes ko nga lang iyong hindi green. Color brown siya. Iyong kay Kuya Blood naman color green parang kay Simon. Nakuha ko kase kay Mama iyong color ng eyes. Mas kumuha kami ng itsura ni Kuya kay Mama. Unlike my cousin Simon, Fontanilla talaga siya walang duda pati pagiging playboy. Pinanindigan niya iyong apelido namin.

"Basta may date ako bukas!" napahagikgik pa ako at mabilis akong nakatulog.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ipinangako ko kay Hermes na dadalan ko ulit siya ng lunch. Nagulat pa nga ako ng makita ko si Mama na nasa kusina at tinulungan ako sa dadalin kong pagkain.

Distance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon