Part 14

29 1 0
                                    

Liza's POV

"Yes! Of course! That's all. May iba pa ba dapat?" Sabi ko pa.

"You're sounds so defensive." Sabi pa ni Hermes at nagkibit pa ito ng mga balikat.

"No! I'm not." Tanggi ko pa.

"Yes you are." Sabi pa nito.

Napaingos tuloy ako. Ganun ba ako kahalata? Kainis talaga. Hindi nalang ako kumibo kase baka mamaya kung ano na naman ang maitanong ko dito. Minsan kase talaga walang preno iyong bibig ko.

Ito rin naman ay hindi na nagsalita lalo na ng dumating iyong mga orders nito. Kapag sinabi kong mga. Sobrang dami. Napangiwi nalang ako kase mukang may fiestahan sa lamesa namin.

"How old are you now, Bless?" Biglang tanong nito kaya napatingin ako dito.

Napangiwi ako ng konti kase inilang kagat niya lang iyong steak na kinakain niya. Agad na pinunasan ko iyong gilid ng labi nito ng may maiwang sauce.

Bigla na naman siyang napatitig sa akin. Umayos ako ng upo at alanganing ngumiti sa kanya.

"Sorry! May sauce ka kase sa gilid ng labi mo." Paliwanag ko.

Pero nakatitig pa rin siya sa akin. Tumikhim ako.

"About your question. I'm already twenty two. Why?" Tanong ko.

Nakatitig pa rin siya sa akin habang ngumunguya. Napasubo din tuloy ako ng pagkain ko ng makita kong sarap na sarap siya sa kinakain.

Napakagana talaga nitong kumain. Pero hindi naman siya tumataba. Fit na fit nga iyong pangangatawanan nito.

"Wala bang nababanggit sayo si Tito Zack?" Tanong bigla ni Hermes. Napaangat iyong tingin ko at napakunot iyong noo ko.

"About what?" Tanong ko rin sa kanya.

"You don't really have an idea?" Tanong pa rin niya.

Para bang may kailangan akong malaman na napaka importanteng bagay sa paraan ng pagtatanong niya.

"About what nga? Naguguluhan ako sa tanong mo. May kailangan ba akong malaman?" Tanong ko din sa kanya. Biglang kumunot iyong noo nito.

"I guess they still didn't mention it to you." Sabi pa nito.

Napaingos ako. Mukang siya lang naman iyong nakakaintindi sa sinasabi niya.

"May kailangan bang sabihin sa akin si Papa?" Tanong ko pa. He smirked.

"Nah. Just nevermind. Baka isusurprise ka nila." Nakangising sabi pa nito.

Inirapan ko lang siya. Tapos tahimik na naman siya kase may sarili na naman silang mundo ng mga pagkain niya.

"May party mamaya sa bahay. Gusto mong sumama?" Tanong ko dito para maiba iyong usapan kase hindi ko naman maintindihan iyong gusto niyang sabihin.

"I know that. Sinabi sa akin nila Papa. I really need to be there. You will know later." Makahulugang sabi na naman nito. Inismiran ko na siya kaya napatingin siya sa akin.

"You will know later." I mimicked. He just grinned.

"Bakit pa mysterious effect ka ngayon? Anong problema mo?" Sabi ko pa sa kanya.

He just shrugged his shoulder. Humalukipkip ako at pinanlakihan siya ng mga mata. Umayos naman siya ng upo at tuluyan na akong hinarap. Seryosong seryoso na naman siya.

"I don't have the right to explain everything to you. It's up to Tita Zack. Dapat noon palang sinabi na nila sa iyo ang lahat. So you don't looked confused. Just like  today." Sabi nito. Napailing iling pa siya.

Distance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon