Liza's POV
"Emperor!" Sigaw ng mga kaibigan nito sa likod ko.
Agad namang nabaril ng isa sa mga kasama naming bodyguard iyong bumaril kay Simon. Tapos pinagdapaan nila si Hermes ng may magpaputok na naman ng baril.
Lalapitan pa sana ni Hermes si Simon pero sapilitan itong isinakay sa sinasakyan namin. Nagpupumiglas pa ito pero pinigilan ito nila Mattheo. Hindi ako makahuma sa bilis ng pang yayari.
Iyong isa sa mga bodyguards nila ay may kung sinong tinatawagan. Tapos iyong isa ay agad na binuhat iyong duguang katawan ni Simon at isinakay sa kotche.
Magsisibaba sana kami dahil nag pumiglas makalabas ng sasakyan si Hermes, pero pinigilan kami. Pilit din isinakay ulit kasama namin si Hermes at pinaharurot iyong sinasakyan namin papalayo doon sa lugar.
Ang bilis ng mga pangyayari. Nanginginig iyong buong katawan ko lalo na ng makita ko iyong duguang damit ni Hermes. Tapos nakatingin pa ito sa mga kamay niya na may dugo din. Kagaya ko ay gimbal na gimbal iyong itsura nito. Nanginginig pa iyong mga kamay niyang may dugo. Lalong parang hindi ako makahinga. Para akong sinasakal. Habol habol ko na iyong hininga ko dahil sa nakikita ko.
"Liza! Liza! Liza!"
Hindi ko pansin kung sino iyong tumatawag sa akin basta nakatingin lang ako doon sa kamay ni Hermes na may bahid ng dugo. Hindi ako makahinga.
"Liza! Calm down!" Sabi ng kung sino.
Pero hindi ko alam kung paanong kakalma lalo na at titig na titig ako sa mga kamay ni Hermes na may bahod ng dugo. Dugo iyon ni Simon na hindi namin alam kung buhay pa. O kung ano na ang nangyari dito.
"M-may d-dugo! D-dugo n-ni S-Simon! D-Dugo iyan!" Frantic na sigaw ko. Napasabunot pa ako sa buhok ko.
Napahagulgol na rin ako. Napanganga ako kase hindi na talaga ako makahinga. Para akong sinasakal. Napahawak ako ng mahigpit sa dib dib ko. Kinakapos talaga ko ng hininga dahil sa nakikita ko.
"Hermes! Si Liza!" Patuloy sila sa pagtawag sa pangalan ko pero hindi ako makakilos.
Nakita ko pang tiningnan ako ni Hermes. And then everything went blank.
_____________
I smell alcohol. Kahit hindi ko idilat ang mga mata ko. Alam kong nasa ospital ako. Amoy na amoy palang. Ayokong ayoko pa naman sa lugar na ito. Para akong naso suffocate.
Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Nakita ko si Mama na may kausap. Inalala ko iyong nangyari kung bakit ako nandito. Tumulo nalang kusa iyong mga luha ko. Iyong tahimik kong pag iyak nauwi sa hagulgol kaya agad akong nilapitan ni Mama at inalo.
"Ma si Simon po! Kitang kita ng dalawang mata ko iyong nangyari! Nabaril siya! Hindi lang isang beses kung hindi lima! Ma limang putok ng baril iyong tumama sa katawan ng pinsan ko!"Umiiyak na sabi ko dito.
"Ma maraming dugo! M-maraming maraming dugo! Iyong katawan ni Hermes may dugo. Iyong mga kamay niya Ma! Kitang kita ko iyong dugo!" Dagdag ko pa.
"Shhh.. Everything is going to be okay, Liza. Tahan na anak. Nandito na si Mama. Huwag ka ng matakot. Proprotektaha ka namin ng Papa mo." Pag aalo nito sa akin. Pero iyak pa rin ako ng iyak.
Parang hanggang ngayon naririnig ko pa iyong palitan ng mga putok ng baril. Malinaw pa rin sa isip ko iyong nangyari. Lalo na sa pinsan ko. Sa mismong harapan ko iyon nangyari kaya malinaw na malinaw sa isip ko.
"Ma, how's Simon? Hindi pa naman siya patay, di ba po?" Tanong ko kay Mama.
Napabuntong hininga ito kaya lalong napalakas iyong iyak ko.

BINABASA MO ANG
Distance
General FictionEmperor Series: 5 Hermes Samuel Montes Date Started: April 28, 2020 Date Finish: