Part 4

481 28 2
                                    

Liza's POV

Napalunok pa ako ng itinuro ako ni Simon. Pinanlakihan ko ito ng mga mata pero wala yata siyang paki alam. Inilabas niya pa iyong mga pagkain na nasa paper bag. Paki alamero talaga. Mapanadya pa.

"Oh, Hermes. Kumain kana. Alam kong gutom ka na naman. Ginawa talaga iyan ni Liza para sayo. Kaya lang hindi ka niya nakita maghapon. Alam daw niya kase na palagi kang gutom. Napasweet at napakabait ng paborito kong pinsan." Nakangising sabi pa nito.

Dahan dahan akong humarap dito. Alanganin pa akong ngumiti dito. Pero titig na titig lang siya sa akin. Wala manlang siyang kareareaksyon.

Tumabingi tuloy iyong ngiti ko. Kahit kailan poker face. Napakamahal siguro ng ngiti nito. Kahit kailan kase hindi ko pa siya nakitang ngumiti.

"Ikaw ang nagbake?" Tanong nito.

Sunod sunod akong tumango. Dahan dahan pa itong lumapit sa amin. Tapos bahagya akong napasinghap ng tumabi pa ito sa akin. Tapos tinitigan na naman niya ako. Napakagat labi lang ako at nagyuko ng ulo.

Ang bilis bilis kase ng tibok ng puso ko. Lalo na at katabi ko ito. Napasinghap pa akong magtama iyong mga braso namin. Napatingin tuloy ulit ako dito. Nakatitig pa rin pala siya sa akin.

"Mas maganda ka talaga sa malapitan." Sabi nito bigla.

Bigla akong nasamid ng laway ko. Alam kong pulang pula iyong muka ko. Lalo na ng bahagyang tumawa si Simon. Pasimple ko siyang pinandilatan ng mga mata. Napailing nalang ito. Kahit kailan epal siya.

"Hermes, kumain ka nalang muna. Mamaya kana manligaw. Hindi sanay si Liza ng ganyan. Binibining marikit yan." Saway dito ni Simon.

"I preferred to call her Bless." Sabi pa nito.

Lalong namula iyong muka ko. Tapos hindi ako makapag salita. Si Simon naman ay pigil na pigil iyong tawa. Pero hindi naman siya kumikibo. Feeling niya nanunuod siya ng isang maganda teleserye.

"So nagkakilala na pala kayo?" Makahulugang tanong pa nito.

"Yeah. Akin talaga to?" Tanong pa nito at itinuro iyong mga pagkain na nasa harapan niya. Sunod sunod akong tumango.

"Oo. Niluto ko talaga para sayo. Blueberry cheesecake yan. Tapos cookies. May brownies din saka revel bomb. Hindi ko kase alam kung anong gusto mo. Kaya hayan iyong nabake ko. May lemon juice din iyang kasama." Sabi ko sa kanya.

Tinitigan na naman niya ako. Ngumiti lang ako dito. Ito naman ay ikiniling lang iyong ulo niya. Akala ko kakainin niya na iyon pero ibinalik niya lang lahat sa paper bag.

"A-ayaw mo ba?" Alanganin kong tanong dito.

Bigla akong nalungkot. Mukang nakahalata ito. Umiling ito at inginuso iyong mga paparating.

"Nah. Sigurado na sasaluhan nila ako. Sa bahay ko nalang ito kakain kase gawa mo ito. Siguradong masarap. Ayoko pa naman ng may kahati kapag dating sayo." Sabi nito sa akin ng hindi ako tinitingnan.

"Uy! Nandito lang pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap." Sabi ni Matt.

Kasama nito si Mikhael at Gabriel. Inakbayan pa nila si Hermes. Si Matt naman ay tumabi kay Simon.

"Uy, si Bless Elizabeth. Di ba ikaw iyong anak ng bestfriend ni Tito Samuel? Iyong kapatid ni Bloody Fire?" Usisa ni Mikhael.

"Yes?" Alanganin kong sagot. Tumango tango pa sila.

"Mikhael." May kakaiba sa boses ni Hermes.

Nang tingnan ko siya ay seryosong seryoso siyang nakatingin sa kaibigan.

Distance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon