Part 21

38 2 0
                                    

Liza's POV

Ganun daw kase talaga kapag nasa misyon tapos bawal iyong may cellphone kase baka makasira sa misyon. Pero sigurado daw na next month ay uuwi na ito dahil binilinan nito si Hermes. Napabuntong hininga na naman ako sa naisip ko.

Akala ko kung makakasal ako dito makakausap at makikita ko siya lagi. Makakasama ko siya lagi pero hindi naman pala.

Mas una nga pala dito iyong pangarap niya na maging katulad ng Papa niya. Napaka loyal sa sinumpaang tungkulin. Wala namang problema sa akin iyon noon pa man pangarap na talaga nitong maging kagaya ni Papa Samuel. Idulong idulo nito ang Ama.

Pero mas pabor na ito sa akin na nasa malayo siya at alam ko kung anong ginagawa. Kaysa naman nandito nga siya kasama ko pero iba naman ang pinag kakaabalahan.

Ibang misyon iyong gagawin ni Hermes dito kung nandito lang siya. Siguradong sigurado ako.

Unang gabi nga naming mag asawa iniwan niya ako para lang makita ang ex jowa niya. Samantalang sabi niya wala kaming itatago sa iba para walang misunderstanding. Pwe!

Napapasimangot ako kapag na iisip ang bagay na iyon. Baka makapatay ako ng isang Hermes Samuel Montes na patay gutom kapag nahuli ko na naman itong may ginagawang kalokohan.

Napapalatak ako. Kung gutumin ko kaya ito kapag umuwi siya para makaganti manlang ako sa kalokohan nito?

Ang sabi pa naman niya sa akin dati na, kapag ang pagkain kong iniluto ang kinakain niya nabubusog siya kase masarap. Kapag hindi ko luto hindi niya malasahan ang pagkain kung masarap o hindi.

Napailing nalang ako kase sumagi na naman sa isip ko iyong babae niya. Tapos sumingit na naman sa eksena si Chan Mi. Parang sirang plaka iyon na nag rereply sa utak ko.

Napasimangot na naman ako ng maalala ko iyong nangyaring eksena sa aming dalawa. Ipinaban ko nga siya sa village namin. Kabilin bilinan ko iyong sa guard.

Ginamit ko pa nga si Simon para siguradong walang tanggi. Ayaw pa nga ni Simon pero wala itong nagawa ng sinabi kong isusumbong ko siya kay Lola Margs dahil kinukunsinti niya ang kaibigan niyang hambog.

Nagwala nga daw si Chan Mi doon sa guard house ng hindi siya papasukin. Gusto kong mapapalakpak isipin ko palang na nawalan ito ng poise. Tapos parang luka luka siya doon dahil galit na galit.

Kawawa naman ang napangasawa nito dahil hindi alam kung anong pinag gagagawa ng asawa niyang luka luka.

Gustong gusto ko talaga siyang bwusitin dahil sa ginawa niya sa akin. Ang kapal ng muka talaga nito na pumunta dito sa village namin. Bagay lang sa kanya ang hindi makapasok dito

Ako pa ba naman? Inumpisahan niya iyong laban kaya hinding hindi ako aatras. Hindi siya pwedeng manalo. Hindi siya pwedeng mag wagi sa kahit na anong binabalak niya.

Wala sa pamilya namin ang duwag. Lahat kami ay matatapang. At walang sumusuko sa amin hangga't hindi namin nakukuha ang gusto namin.

"Liza! Liza!"

Napalingon ako ng tawagin ako ng Kuya Blood ko. Mukang madaling madali siya. Naka riding uniform pa ito at ayos na ayos. Mukang mapapasabak na naman sa laro ang Kuya. Sigurado may pustahan na naman doon sa Hacienda sa pangunguna ng pinsan kong pakialamero.

Pinag masdan ko si Kuya Blood. Akala mong napakabait niyang lalake. Iyong akala mo magiging guardian angel mo pero hindi. Napataas tuloy iyong kilay ko.

"Why? Is there something wrong?" Tanong ko dito ng makalapit siya sa akin.

"I need your help." Seryosong sabi nito.

Distance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon