Part 17

33 1 0
                                    

Liza's POV

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong ni Mama. Napatingin ako kay Mama.

"Para po saan?" Balik tanong ko.

"Na baka may mangyari sa kanyang masama habang nasa misyon niya si Hermes. You know. Military stuff. Gun. Enemy. So on. Like that anak?" Alanganin pang tanong ni Mama.

Napangiwi ako kase alam ko iyong gustong ipaliwanag ni Mama pero hindi niya lang ako madiretcha sa gusto niyang sabihin sa akin.

"Ibig nyo po bang sabihin iyong ma deads agad si Hermes habang nasa misyon niya siya? Iyong mabyuda ako agad?" Tanong ko pa.

Nanlaki iyong mga mata ni Mama kaya napatawa ako.

"Yeah? Something like that, anak. Handa ka ba? Alam kong gustong gusto mo si Hermes kaya wala kang pag dadalawang isip na pumayag sa kasal na ito. Pero alam mo din sana kung anong trabaho mayroon ang mapapangasawa mo. Kailangan lagi kang handa sa pwedeng mangyari." Dagdag pa ni Mama. I sighed.

"Believe me or not, Ma. Nag dalawang isip din po ako kung itutuloy ko itong naging kasunduan ni Lolo at ng Lolo ni Hermes. You know that I believe in love. Katulad po ninyo ni Papa. At ayoko pong pilitin si Hermes sa bagay na ayaw niyang gawin. Pero po Ma nagkausap naman po kaming dalawa bago kami nagkasundo na ituloy itong kasal." Paliwanag ko.

"Nasabi namin sa isa't isa ang gusto naming sabihin. At nagkaintindihan naman po kami sa mga gusto namin. Tinanong ko rin naman po siya kung napipilitan lang siya na ituloy ito dahil nga po sa pangako pero siya na po ang nagsabi na walang magiging problema." Dagdag ko pa.

Hinawakan ko iyong mga kamay ni Mama.

"I know po Ma na your worried about me getting hurt. Pero di ba po doon tayo matututo? Doon tayo lalakas? I know that there is a big chance that Hermes will hurt me bigtime. Pero Ma, ready po ako sa bagay na iyon. But right now. All I want is to think the present. I don't want to over the future." Dagdag ko pa.

"Ayoko po Ma na mapuno ako ng mga what ifs sa isip ko. At alam nyo naman po na may kasunduan na kung hindi mag wowork ang relationship namin ni Hermes. We will separate ways." I sighed again.

Parang sumikip iyong dibdib ko sa huling sinabi ko. Ayokong mangyari ang bagay na iyon. Alam ko sobra akong masaksaktan kung nagkataon.

"We are just here for you, Liza. Kahit anong mangyari at maging desisyon mo. Nandito lang kami ng Papa mo." Sabi sa akin ni Mama. I just smiled at her.

"Liza, it's time." Sabay pa kaming napalingon ni Mama ng magsalita si Papa.

Kasunod nito si Kuya Blood na seryosong seryoso. Alam kong tutol na tutol siya sa pagpapakasal ko pero wala siyang magawa dahil sa pangako ng Lolo namin. My brother is a good man and a very handsome man. Pero minsan nagiging gago rin. Lalo na pagdating sa babae. I smirked.

"Liza, there still time to think. Are you really sure about this wedding thing with that man? Wala pa rin akong tiwala sa kaibigan ni Simon. Napakatahimik. Alam kong nasa loob ang kulo niya." Sabi sa akin ni Kuya.

Napangiwi ako ng bahagya. Iyong english niya kase adopt na adopt niya iyong American accent. Pati sa pagtatagalog niya nadadala na niya iyong accent. Muka na nga siyang americanong hilaw.

"Bloody Fire, huwag mong guluhin ang isip ng kapatid mo. Matagal ng nakaplano ang lahat. Isipin mo nalang ang Lolo mo. Kahit ayaw natin, wala tayong magagawa dahil ang mga Fontanilla-"

"Ay hindi sumisira sa pangako." Sabay pa naming sabi ni Kuya.

My mother smirked. Napahagikgik ako kase masama na iyong tingin sa amin ni Papa.

Distance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon