Liza's POV
Naglalakad lakad kaming dalawa sa mall. Dito kami nakarating dalawa kase mamaya pa daw matatapos sila Mama.
Pasulyap sulyap ako kay Hermes kase wala manlang itong kibo. Katulad pa rin siya ng dati. Bilang ang mga salitang lumalabas sa bibig.
"Hermes, bakit hindi mo ako pinuntahan?" Iyon ang lumabas sa bibig ko.
Siguro iyon ang tanong na gustong gusto kong itanong dito. Napahinto ito kaya huminto din ako. Humarap siya sa akin. Hindi namin alintana iyong mga tao sa paligid namin.
"Oh, let me clarify my question. May balak ka bang puntahan ako? O baka nakalimutan mo na ako?" Seryosong tanong ko dito. Titig na titig lang siya sa akin.
"I'm just busy with my life, Bless. I don't have a time for a little bit of chit chat. Kahit sila Simon madalang kong makausap lalo na ng madistino ako sa Mindanao. And I never forget you. That thing on your neck is the proof." Sagot niya sa akin sabay turo sa kwintas na ibinigay niya sa akin.
"Akala ko kase nakalimutan mo na akon. Ilang araw ka na kaseng nandito pero hindi mo manlang ako pinuntahan. Kung hindi pa nagkataon na pumunta ng salon si Mama at Tita Hannah hindi pa tayo magkikita." Nakaingos na sabi ko dito.
"Oh, that thing? It's not a coincident, Bless. Narinig ko ang Mama mo at ang Mama ko na magkausap. They plan this. Hindi naman na ako tumutol kay Mama balak naman kase talaga kitang puntahan." Paliwanag nito. He even smirked. Tapos naglakad na siya.
Nanlaki iyong mga mata ko sa sinabi nito. Tapos dali dali akong sumunod sa kanya para siguraduhin iyong mga narinig ko.
"Talaga nga ba? Your planning to visit me?" Excited na tanong ko pa ulit. Tumango siya.
"Uhuh." Sabi lang nito.
"Dapat tinawagan mo nalang ako o kaya pinasabi mo kay Tita Hannah. Sana naipagluto kita ngayon. Mas masarap at mas magaling na akong magluto lalo na iyong mag bake." Pagmamalaki ko sa kanya.
Bahagya itong napangiwi kaya napakunot iyong noo ko.
"Ahm, about that things. It's okay. Medyo matagal pa naman iyong bakasyon ko ngayon kaya sigurado na maipagluluto mo ako. Araw araw gusto mo?" Tanong pa nito ng hindi ako tinitingnan
Nanlaki iyong mga mata ko. Tapos tinitigan ko siya pero hindi naman niya ako sinulyapan manlang. Basta seryoso lang siya.
"Okay lang sa akin kahit araw araw. Pero Hermes, I have a question. Curious na ako noon pa." sabay kalabit ko pa sa kanya.
Napasulyap na naman ako sa kanya kase nakapila siya sa bilihan ng ice cream. Nakakita na naman pala ng pagkain kaya pala parang may sarili na naman siyang mundo.
"What is it?" Tanong naman nito.
"Hindi ba masarap magluto iyong cook sa bahay nyo?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"What?" Bigla siyang napatingin sa akin. Kunot na kunot iyong noo niya.
Para bang isang krimen iyong tanong ko sa kanya. Matagal ko na kase talagang gustong itanong sa kanya ang bagay na iyon. Nakakalimutan ko lang kase tuwang tuwa ako kapag kinakain niya iyong mga niluto ko.
"Sabi ko hindi ba masarap magluto iyong cook sa inyo?" Ulit ko.
Napatanga ako dito ng bigla nalang siyang tumawa. Kahit iyong mga nakapila ay napatingin sa gawi namin. Titig na titig ako sa kanya kase parang hindi siya totoo.
Si Hermes tumatawa? Ano kaya ang nangyari dito sa nakalipas na mga taon?
"Sorry." Sabi pa nito.
Agad naman ulit siyang sumeryoso pero kitang kita ko sa mga mata niya na nagpipigil lang siya ng tawa.

BINABASA MO ANG
Distance
Ficción GeneralEmperor Series: 5 Hermes Samuel Montes Date Started: April 28, 2020 Date Finish: