Liza's POV
"It's not your fault, Hermes. Alam ko na kung ikaw ang nasa kalagayan ko. Gagawin mo din iyon sa akin. Don't blame your self. And don't be too harsh on your self. Wala kang kasalanan. Ginawa ko iyon kase kaibigan kita. Mahalaga ka sa akin kagaya ng ginawa ko kay Gabriel. Alam nyong mahalaga kayong lahat sa akin." Sabi ni Simon dito.
"Pero wala ka sana ngayon dito kung hindi dahil sa akin." Seryosong sabi ni Hermes.
Ngumiti si Simon. Ganun din sila Mattheo tapos pabirong niyakap nilang tatlo si Hermes kaya napabitiw ako sa pagkakahawak sa kamay nito.
Pinagmasdan ko lang silang magkakaibigan kase ang saya saya nila. Lalo na si Hermes kase wala na iyong lungkot sa mga mata nito. Masaya na ulit siya.
Basta masaya si Hermes masaya na rin ako.
________
Few years later
Sinamahan ko si Mama na magpagupit sa salon ni Tita Mikhaela. Iyong Nanay ni Mikhael. Wala kase akong magawa. Kakagraduate ko lang nuong isang linggo. Hindi ko alam kung ano talaga ang gusto ko.
Gusto ko lang naman makita at makausap si Hermes. It's been how many years? Hindi ko pa siya nakikita simula ng lumabas siya sa PMA. Kahit sila Simon hindi pa nakikita si Hermes. Nadistino yata agad ito sa Mindanao.
I sighed. Tapos nilaro laro ko iyong kwintas na suot ko. Hanggang ngayon hindi pa ito binabalikan ni Hermes. Sabi niya babalikan niya ito sa akin dahil importante ito sa kanya.
Wedding ring pa yata ito ng Lolo at Lola niya kase may mga initial na nakasulat sa loob ng mga sing sing. Siguro busy lang talaga siya.
Gusto ko pa naman siyang ipagluto kase mas masarap at mas magaling na akong magluto ngayon.
"Liza, anak. Wala ka bang balak mag pa salon? Or magpagupit? Or anything?" Tanong sa akin ni Mama. Ngumiti lang ako dito at umiling.
"I'm good Ma. I will just wait for you. Don't worry about me." Sabi ko pa dito.
Nag open nalang ako ng social media account ko. Kakascroll ko ay nahagip ng mga mata ko iyong post ni Simon. Tapos naka mention pa iyong name ko. Agad na tiningnan ko iyong mabuti.
Napatayo akong bigla. Tapos nanlaki iyong mga mata ko. Agad na lumapit ako kay Mama.
"Ma! Ma! Nandito na si Hermes?! Bakit ngayon ko lang nalaman?! Shocks!" Tanong ko kay Mama. Medyo nagulat pa nga ito sa boses ko.
Iyong picture kase ni Simon ay kasama nila si Hermes. Nakasakay silang lima sa kanya kanya nilang kabayo. Kuha pa iyon sa Hacienda Margarita. Nakalagay pa ay 20hours ago. Ibig sabahin kahapon pa iyon kuha.
Tapos ngayon ko lang nakita kase ngayon lang ako sinapag mag bukas ng social media account ko? Pang asar talaga si Simon. Alam naman niyang matagal ko ng hinihintay na bumalik si Hermes. Hindi manlang ako nito nagawang tawagan. Epal talaga!
"Liza, can you lower down your voice. Nawawala na naman iyong poise mo dahil kay Hermes." Sabi pa ni Mama. Hindi ko ito pinansin.
"Pero Ma, nandito na nga po ba talaga si Hermes? Baka naman po niloloko lang ako ni Simon?" Tanong ko pa kay Mama.
Napahigpit iyong hawak ko sa cellphone ko kase ang dami nilang kuhang magkakaibigan. Napapadyak pa ako.
"Liza, noong isang araw lang umuwi si Hermes. Naka bakasyon siya. Saka kailan ba nagbiro sayo si Simon? Kapag sinabi ng bata na iyon totoo." Sagot naman ni Mama.
Napasimangot ako. Napapailing nalang si Mama. Iyong nag gugupit naman dito ay nakangiti lang sa amin ni Mama.
Dali dali akong nag dial ng number ni Simon. Ilang ring lang ay sumagot na ito. Mukang talagang hinihintay niya iyong tawag ko. I almost rolled my eyes when he speak on the other line.

BINABASA MO ANG
Distance
Fiction généraleEmperor Series: 5 Hermes Samuel Montes Date Started: April 28, 2020 Date Finish: