Part 7

649 36 7
                                    

Liza's POV

"Hermes, ikaw na ang bahala sa dalaga namin ha? Pag papasensyahan mo na minsan si Liza. Medyo isip bata pa. Na baby kase yan ng Papa niya. Huwag mo nalang minsan papansinin ang kapraningan ng anak ko. Pero masarap magluto iyan kaya hindi kami mapapahiya ng Tito Zack mo." Bilin pa ni Mama. Napaingos ako.

"Saka nasabi na din naman namin kay Lola Margs na kasama nyo si Liza. Kapag may nangyaring masama sa dalaga namin. Alam mo na." Bilin pa dito ni Mama.

"Don't worry Tita. I will take care of her." Sabi ni Hermes at sinulyapan pa ako.

Napangiti na naman ako. Napapalatak nalang si Mama habang hinahatid kami sa sasakyan. Tapos binulungan pa ako nito.

"Liza, medyo konting pakipot naman anak ha? Crush palang naman anak. Hindi naman namin sinabi na mag Boyfriend kana ha? Okay lang muna iyong ligaw ligaw pero hindi naman ibig sabihin ay ikaw iyong manliligaw. Halatang halata ka masyado. Hindi naman ako ganyan dati sa Papa mo." Napapangiwi pang sabi sa akin ni Mama. Nagtataka ko lang siyang tiningnan.

"Bakit ako ang manliligaw Mama?" Mahinang tanong ko dito.

"Parang ikaw iyong nanliligaw anak sa dami ng dala mong pagkain. Alam ko iyang binabalak mo. Nagawa ko na din iyan sa Papa mo." Sabi pa sa akin ni Mama. Napaingos ako.

"Hindi naman po Ma." Dahilan ko nalang. Napailing nalang ito.

Iyong pinsan ko ay bumaba sa sasakyan at binati lang si Mama. Napangisi ako ng makita kong may pasa ito sa muka. Tapos may benda iyong ulo niya. Mukang napasabak talaga ito sa laban kahapon. Pero muka naman siyang okay lang. May mapang asar pa rin siyang ngisi.

"Simon kamusta ka? Ikaw lang iyong kilala ko na nag dala ng mga kidnappers niya sa presinto." Tumatawang sabi dito ni Mama ng mag bless sa kanya ng pinsan ko.

"Its favor to them, Tita. Buti nga at hindi ko sila tinaniman ng mga bala sa ulo. Mabait pa din naman po ako dahil wala silang sinaktan ni isa sa mga kaibigan ko." Nakangising sabi pa nito kay Mama.

"Ikaw talagang bata ka. Hinay hinay ka lang. Maawa ka sa Mama mo." Napailing nalang si Mama at sumenyan na umalis na kami.

"Simon, kayo na ang bahala sa pinsan mo ha? Ikaw na ang magpapasensya sa kakulitan niyan. Alam mo naman si Liza." Bilin pa ni Mama kay Simon.

"Don't worry Tita. She is my favorite cousin. So no worries." Sabi pa nito. I rolled my eyes.

Umayos lang ako ng tingnan ako ni Mama. Ngumiti lang ako dito.

"Liza iyong mga bilin ko sayo. The proper manner of a lady ha? Konting pakipot naman anak." Bilin pa ni Mama.

"Yes Ma." Sagot ko nalang.

"Enjoy your day Anak." Sabi pa nito.

Pinagbuksan ako ni Hermes ng pintuan ng sasakyan kaya agad akong pumasok. Isinara nito iyong pintuan kaya hindi ko na narinig kung ano pa iyong pinag uusapan nila ni Mama bago siya sumunod. Iyong si Simon ay doon sa front seat naupo katabi ng driver. Itinaas pa nito iyong dalawang binti na akala mo hari.

"Wow ha? Parang walang nangyari kahapon. Samantalang kaming lahat ay halos mamatay na sa pag aalala sayo. Tapos ikaw parang wala lang? Iba ka din talaga." Sabi ko dito. Tiningnan niya lang ako sa rearview mirror.

"It's just a piece of cake. Dapat nga sa morge ko na silang lahat ihahatid kaya lang medyo naawa pa ako. Isa lang iyong nabalian ko ng buto. Matigas kase masyado ang ulo. Lumalaban." Mayabang na sabi nito. Napaingos ako.

"Napaisip din ako na baka may malaking grupo na may hawak sa kanila kaya dinala ko sa presinto. Pero kung hindi, baka lahat sila pinaglalamayan na ngayon ng mga pamilya nila. Mabait pa ako Liza dahil ganun lang ang sinapit nila. Ayokong may masasakatan o masaktan sa pamilya ko. Lalo na sa mga kaibigan ko." Nakangising sabi pa nito. Nag high five pa sila ni Hermes.

Distance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon