Liza's POV
Napasimangot ako kase nakita ko na naman si Chan Mi iyong jowa jowaan ni Hermes. Nagdaan kase siya sa hallway kung saan iyong room ko. Asar na asar ako dito kase hindi lang siya maarte kung hindi napaka arte.
Hindi naman siya kagandahan. Lamang na lamang nga ako sa kanya pagdating sa kagandahan. Legs na legs ko lang siya. Siya lang iyong leader ng cheering squad. Iyon lang ang lamang niya sa akin. Ako kase pagdating sa sayaw sayaw kaliwa ang paa ko. Pagluluto lang talaga ang talent ko.
Sana nga break na talaga sila para may pag asa na talaga ako kay Hermes. Napanguso ako at ipinagpatuloy ko iyong ginagawa kong kalokohan. Nilagyan ko ng guhit iyong magkamukang letra sa pangalan namin saka ko tinotal. Napahagikgik ako sa kinalabasan.
"Hayan! Lovers! Kami talaga ang pinagtagpo para sa isa't isa." Hinalikhalikan ko pa iyong papel na hawak ko.
Nakita kong nakatitig iyong ilan sa mga classmate ko. Pinanlakihan ko lang sila ng mga mata at ipinagpatuloy iyong pangangarap ko ng dilat.
"Huy! Liza! Para ka kamong baliw dyan. Ano ba iyang ginagawa mo?" Sabay agaw ni Samantha sa papel na hawak ko. Sabay pa nilang tiningnan iyon ni Maura.
"Flames." Basa ni Maura sa nakasulat.
"Kaya naman pala para ka na namang baliw dyan. Pati ba naman iyan pinapatulan mo?" Nakangiwing sabi pa nito.
Inirapan ko silang dalawa sabay agaw doon sa papel. Humagikgik na naman ako.
"Kita mo Lover kami." Pagmamalaki ko pa.
"Anong lover? F iyong lumabas. It means friend lang kayo. Ambisyosa ito." Sabi pa sa akin ni Samantha. Sumimangot tuloy ako.
"Alam mo Samantha, tumahimik ka nalang. Sinisira mo iyong magandang pangarap ko." Pagsusungit ko dito sabay agaw ko ulit dito ng papel. Tinawanan lang nila ako.
"Hayaan mo nalang si Liza. Malaki na yan." Sabi naman ni Maura.
Nag high five kaming dalawa at sabay na napahagikgik.
"Sinasabi ko lang iyong totoo. Nangangarap ka na naman kase. Alam mo namang may girlfriend yun. Isa ka pa, Maura! Pumupunta ka pa doon sa kabilang school para makita iyong Cupid!" Sabi pa nito sa amin. Sabay kaming napasimangot ni Maura.
"FYI, wala na siyang girlfriend. Break na kaya sila ni Chan Mi." Mayabang na sabi ko pa dito.
"Ihh." Sabi pa nito na parang hindi na niniwala sa sinabi ko.
"Oo nga. Kase ako na ang magiging girlfriend niya. Tapos future wife pa." sabi ko dito. She just rolled her eyes. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Teka nga. Paano mo naman nalaman na break na silang dalawa?" Usisa naman nito. Lumapit pa si Samantha ng husto sa akin.
"Ay, oo nga! Paano mo nalaman?" Tanong din ni Maura
"Narinig ko silang nag uusap sa rooftop ng Senior High building. Nag away sila kase ayaw payagan ni girl na pumasok sa PMA si Boy." Bulong ko dito. Nanlaki iyong mga mata nilang dalawa. Mas lalong lumapit sila sa akin.
"True ba? Hindi ba at given naman na papasok si Hermes sa PMA dahil sa Papa nito. Pero nakakagulat pa din." Sabi ni Maura. Tumango tango ako.
"Oo nga. Siya lang naman kase iyong nag isang anak ni Tito Samuel. O talagang baka gusto lang talaga niya na maging katulad ng Papa niya." Paliwanag ko pa. Inismiran ako ni Samantha.
"Nagpaliwanag ka talaga? Bakit ikaw hindi ka sumunod sa mga yapak ng mga magulang mo?" Tanong nito. I just shrugged my shoulder.
"Hinayaan ko na ang bagay na iyon kay Kuya Blood. Mas gusto kong busugin si Papa Hermes ko. Muka kaseng patay gutom." Sabi ko at saka ako humagikgik. Pinanlakihan ako nito ng mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/86155237-288-k114428.jpg)
BINABASA MO ANG
Distance
General FictionEmperor Series: 5 Hermes Samuel Montes Date Started: April 28, 2020 Date Finish: