Liza's POV
"Hermes, I'm so sorry! Hindi ko naman gusto na magpakita pa sayo. But I want you to know the truth. Hindi kita niloko. At kahit kailan hinding hindi ko magagawa sa iyo yun dahil mahal na mahal kita. You know that." Umiiyak na sabi ni Chan Mi.
"Stop crying. Hindi makakabuti sayo ang pag iyak." Sabi naman dito ni Hermes. May halong lambing pa iyong boses nito.
"No. I want you to know the truth. Kahit gustuhin kong sundan ka hindi ko magawa. Pilit akong ipinakasal ng Papa kay Jeongyu. Ipinangbayad utang ako ng Papa, Hermes. Hinding hindi ko gugustuhin na iwan ka pero wala akong laban kay Papa." Dagdag pa nito.
"I'm just here, Chan Mi." Sabi pa ni Hermes.
"But you already married. And I'm also married." Sagot nito kay Hermes.
"Come with me. Itatakas kita." Dagdag pa ni Hermes. Nanlaki iyong mga mata ko sa sinabi nito.
"No! You don't understand, Hermes. Hindi basta basta si Jeongyu! Kinatatakutan siya sa Korea. Hindi mo alam kung anong kaya niyang gawin. I'm just here to let you know that no matter what happened I will always love you." Sabi pa ni Chan Mi kay Hermes.
Iyong iyak ko nauwi sa hagulgol kaya lalo kong tinakpan iyong bibig ko lalo na ng yakapin ito ni Hermes.
Dahan dahan akong umalis sa lugar na iyon. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may natapakan akong tuyong sanga. Iyon ay gumawa ng ingay kaya napahinto ako.
"Bless!" Narinig kong tawag ni Hermes.
Unti unti akong lumingon sa mga ito. Hilam na hilam iyong mga mata ko ng luha. Kitang kita ko iyong pagkalito sa mga mata ni Hermes. Nilapitan ako nito pero sinalubong ko lang siya ng isang sampal.
Napasulyap ako kay Chan Mi na nakangisi sa akin. Aba't mukang may sasabitan ng best actress sa katauhan niya. Galit na hinarap ko si Hermes.
"Ngayon pa mismo, Hermes? Hindi ba makakapaghintay ang babae mo ng kinabukasan?! Konting respeto naman sana!" Galit na sabi ko sa kanya. Hindi ito nakaimik. Nakatingin lang siya sa akin.
"Kung uumpisahan mo ng mambabae! Siguraduhin mo na hindi kita mahuhuli. Dahil oras na mangyari ulit ang bagay na ito. God knows baka kung anong magawa ko sa babaeng pinakamamahal mo. Tandaan mo Hermes ang sinabi ko sayo! Huwag na huwag kita ulit na mahuhuli! Mark my word! I'm still a Fontanilla." Dagdag ko pa at iniwan ko sila doon ng walang imik.
Hinding hindi ko bibitawan si Hermes lalo na kung sa babaeng yun lang siya mapupunta. Never!
___________
Ilang linggo na buhat ng makasal kami ni Hermes. Kinabukasan matapos ang kasal namin ay umalis agad ito. Nag iwan lang siya ng sukat sa akin na babalik na siya agad sa trabaho. Hindi ako naniniwala sa bagay na iyon dahil malinaw na malinaw sa isip ko iyong mga narinig ko ng gabing iyon ng nag uusap sila ni Chan Mi.
Itinanong ko nga kay Tito Samuel kung totoong bumalik sa trabaho si Hermes. Oo naman iyong sagot ni Tito na Papa ko na kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
Ang katulong ko lang ang naglipat ng mga gamit ko sa bahay namin daw ni Hermes. Kasama ko pa si Mama at Kuya.
"You know what Liza? Dapat talaga hindi ka nagpakasal kay Hermes. Tingnan mo nga kakakasal nyo lang pero sumabak na agad sa gyera matapos ang kasal nyo. Sinasabi ko talaga sa iyo, nasa loob ang kulo niya. Oras na malaman kong may babae yang lalakeng yan! Ipapakaladkad ko yan sa kabayo ni Simon!" Napapalatak na sabi sa akin ni Kuya.
Inismiran ko siya. Kung alam lang ni Kuya ang sinasabing kulo ni Hermes baka mag away pa ang dalawa. Pero syempre hinding hindi ko sasabihin ang bagay na iyon. Itatago ko hangga't kaya ko.

BINABASA MO ANG
Distance
General FictionEmperor Series: 5 Hermes Samuel Montes Date Started: April 28, 2020 Date Finish: