Part 18

38 0 0
                                    

Liza's POV

Nandoon siya sa parte ng hardin na hindi masyadong kita. Sinulyapan ko si Hermes. Nakatingin pa rin ito doon. Napalunok ako kase biglang sumakit iyong puso ko. May takot din akong naramdaman. Hindi ko alam kung para saan iyong takot at pangambang iyon dahil lang sa nakita ko si Chan Mi.

Nakalimutan ko nga pala na baka may babaeng mahal si Hermes. Are they still together bago nangyari itong kasal namin? Pero ang huling balita ko sa babae ay kasal na ito sa isang mayamang negosyante. Ayon iyon kay Samantha at Maura.

Tapos tinanong ko naman noon si Hermes sabi niya wala siyang girlfriend. But how come na nandito si Chan Mi? At si Hermes. Halatang halata na nababahala ito na makita iyong dati niyang nobya. Halatang halatang apektado siya sa pagkakita sa babae. Sa mga kilos palang nito ay ibang iba na.

Tinitigan ko si Hermes. Ibang iba iyong tingin niya kay Chan Mi. Punong puno iyon ng pagmamahal. Alam ko kase ganyan tumingin si Mama at Papa sa isat isa.

Hindi ko alam pero bigla ko nalang hinawakan iyong kamay ni Hermes sabay iling. Tiningnan naman niya ako sabay buntong hininga. Umiwas din siya ng tingin sa akin. I sighed. Mukang unang araw palang namin mag asawa magkakaroon na agad ako ng sakit sa puso.

_____________

Our wedding went well. Wala naman naging problema. Maliban nalang doon sa insidenteng nakita ni Hermes si Chan Mi. Pero pagkatapos noon hindi ko na nakita kahit anino nito.

Konti lang ang bisitang inimbitahan ng mga pamilya namin. I just looked at Hermes side. He's so quiet. May kakaiba sa katahimikan niya. Parang may malalim siyang iniisip.

Hindi niya kase pansin na kanina ko pa siya tinititigan. Dati rati naman basta nakatitig ako sa kanya alam na alam niya kaya lilingon agad siya sa akin. Pero ngayon may iba. He looked so bothered.

Siguro dahil sa nakita niya kanina. Nagdadalawang isip na kaya siya kung bakit siya nagpakasal ngayon sa akin? Napailing ako.

"Is there something wrong, Hermes?" Hindi ko na natiis itanong sa kanya.

Takang taka siyang lumingon sa akin ng kalabitin ko siya. Mukang hindi niya pa ako pansin kung hindi ko pa siya kinalabit.

"Why?" Tanong nito.

"Sabi ko may problema ka ba? Kanina ka pa tahimik. Baka akala ng mga bisita pinilit kita sa kasal na to." Nakairap na sabi ko sa kanya.

Umayos naman siya ng upo. Napainom pa nga siya sa wine na nasa harapan niya habang nagpapalinga linga. I know there is something wrong with him.

"Ano ba talagang problema, Hermes? Kanina ka pa na parang hindi mapanganak dyan. Parang bothered na bothered ka." Sabi ko dito.

Tinitigan niya ako tapos napabuntong hininga siya sabay iling ng sunod sunod. Kahit ako ay napabuntong hininga. Hindi na ako nagtanong kase mukang wala naman akong mapapala sa kanya. Hindi naman siya magsasabi ng totoo.

Tahimik na naman siya hanggang sa matapos iyong party. Nasa isa sa mga kwarto kami sa mansion dito sa hacienda Margarita. Kakaligo ko lang.

Si Hermes ay nakaupo pa rin sa kama. Mukang kay lalim ng iniisip niya. Iniwan ko siya na ganun kanina. Ganyan pa rin siya hanggang ngayon.

"Hermes, I saw her." Basag ko sa katahimikan. Napalingon siya sa akin.

"Is she the reason why you looked so bothered? Kanina ka pa kase wala sa sarili. Nakita ko siya kanina na tinitingnan mo. Huwag ka ng magkaila. Kitang kita ng dalawang mata ko." Seryosong sabi ko sa kanya.

He just smirked. Para bang asar siya sa sinabi ko. Ngayon ko lang nakita iyong ganyang reaskyon sa kanya. Lagi kase siyang poker face. Pero buong araw iba't ibang reaksyon ang nakuha ko sa kanya at dahil lang iyon sa isang babae. At hindi ako iyon. I sighed.

Distance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon