Part 23

90 3 1
                                        

Liza's POV

Napabuntong hininga ako kase mukang may sariling mundo na naman sila ng mga pagkain kong niluto. Napaismid ako ng maalala ko iyong si Chan Mi. Sigurado na pupuntahan na naman ito ng magaling kong asawa ngayong balik na siya dito.

Pero sisiguraduhin ko na hinding hindi na magkikita ang dalawa. Lalo na ngayon. May maidadahilan ako para hindi ito makalabas ng bahay at makalayo.

Kung kailangang itali ko siya sa loob ng bahay gagawin ko talaga para hindi ito makalabas at mapuntahan ang jowa jowaan niyang luka luka. Sinasabi ko talaga! Kakalbuhin ko silang pareho.

"Juice!" Sabi ko pa dito.

Tiningnan niya lang ako. Iyong tingin na para bang pinag aaralan niya iyong mga susunod kong kilos.

Gusto ko pang mapangiwi kase walang habas na isinulpak niya sa bibig iyong isang pirasong cookies. Patay gutom talaga. Busog pa daw siya niyan.

"Hindi ka pa gutom ng lagay na iyan? Para na nga kayong may sariling mundo ng mga binake ko." Di makapaniwalang sabi ko kay Hermes ng bigyan ko ito ng isang pitser na juice.

Hindi ko siya binigyan ng baso. Bahala siyang uminom dyan sa pitser.

Nanlalaki iyong mga mata ko ng makita ko na halos maubos na nitong lahat. Tapos sasabihin niya sa akin na busog pa siya? Samantalang mukang kukulangin pa dito iyong mga dala dala ko.

"Sabi mo nga masamang pinaghihintay ang grasya." Poker face na naman na sabi nito.

Napapailing na binalikan ko iyong niluluto ko. Buti nalang may nakita akong rice. Mukang kakaluto lang kaya pinaki alaman ko na iyong buong kusina ni Lola Margs.

Nagsandok lang ako ng kanin sa plato na para kay Hermes. At ng maluto na iyong kare kare ay inihain ko na iyon dito.

"Kainin mo iyan! Huwag na huwag kang magtitira kahit na isang butil ng bigas!" Sabi ko dito sabay panlalaki ng mga mata.

Napapailing nalang na sumunod ito. Pero binawi ko lang ulit iyon dito. Nagtataka niya lang akong tiningnan. Hiniwa hiwa ko muna kase iyong mga gulay at karne bago ko ulit iyon ibigay dito para hindi siya mahirapang kumain.

Hindi naman ito magpapasubo sa akin dahil gusto niya lang ako. Hindi niya ako mahal. Pwe! Ang bitter bitter ko naman.

Napainom ako bigla ng juice kase bakit kahit patay gutom sa pagkain ang asawa ko? Ang sexy pa rin nitong pagmasdan. Iyong pagsubo nito ng pagkain ay napaka sexy. Mahihiling ko nalang talaga na sana ako nalang iyong kainin este maging pagkain ni Hermes.

Parang nanuyo iyong lalamunan ko ng mapatingin ako sa mga labi nito. Naalala ko iyong halik nito. Napailing nalang ako kase ang halay halay ng nasa isip ko gayung tirik na tirik iyong araw sa labas.

Pinagmasdan ko si Hermes na walang kamalay malay sa kung anong iniisip ko dito.

Halatang sarap na sarap na naman siya sa kinakain niya. Mukang pwede nga siyang sa commercial ng mga pagkain kase siguradong maraming bibili at tingin mo palang dito nakakagutom na.

Kung magiging endorser ng pagkain si Hermes. Sigurado na mag iincrease ang sales ng product na iyon.

Ngayon palang kaseng nakikita ko itong kumain parang gusto ko na din kalimutan ang keto diet ko. Napakagana kase nitong kumain. Komportableng komportable siya na hindi ko siya lalasunin.

Napapabuntong hininga na tumabi ako dito. Nangalumbaba pa ako habang pinagmamasdan itong kumain. Napakagana talaga niya kapag dating sa pagkain.

Napanguso ako kase mukang kaya lang siya pumayag na magpakasal sa akin kase alam niyang hindi siya magugutom. Iyong alam niyang may mag hahanda para sa kanya ng masasarap na pagkain.

Distance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon