Liza's POV
Nilapitan ko si Hermes. Nandito kami sa labas ng kwarto ni Simon kasama sila Mama. Pinalabas kase muna kaming lahat ni Tito Andrew. Tapos sabi ni Tita Corset nakatulog daw ulit si Simon.
Hindi namin alam kung ilang oras na kaming nakaupo dito habang hinihintay ulit na magising ang pinsan ko. Pero sabi naman ni Tito Andrew ayos na daw ito.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Hermes ng makalapit ako.
Inabot ko sa kanya iyong paper bag na dala dala ko kanina pa. Buti hindi nasira iyong mga cupcakes na naroon ng kaninang mabitiwan ko. Napapailing na tinanggap niya iyon.
Pasimple ko itong pinagmasdan. Halatang nabawasan ito ng timbang. Tapos ang lalim ng mga mata niya. Sigurado ako na iniisip niya na kasalanan niya talaga lahat. Pero ngayon alam kong masaya na ito kase nagising na iyong kaibigan niya.
"Parang nangayayat ka yata? Hindi ba masarap magluto iyong cook sa bahay nyo?" Tanong ko pa.
Napamaang ako ng bahagya itong natawa. Napatingin tuloy sa amin sila Mattheo na kanina lang ay wala pa ring imik.
"Wow! Hermes, is that really you? Tumatawa ka rin pala?" Mapang asar na sabi dito ni Gabriel.
Napaingos ako. Halatang halata na babaero iyong anak ni Tito Alfonso. Ngising ngisi palang nito.
"Bakit? Anong masama kung natawa si Hermes. Masama ba yon?" Pag susungit ko kay Gabriel pero ngumisi lang ito sa akin at nakipag high five pa kay Mikhael.
"Ngayon lang kase ulit tumawa iyang si Hermes kaya nagulat lang kami ng slight lang naman." Paliwanag pa ni Mattheo. Napabuntong hininga tuloy ako.
"Uy, Liza. Masyado mo naman yatang pinagpupursige iyong panliligaw mo. Siguro pagkain na naman iyong laman ng paper bag na iyan." Sabi pa ni Mikhael.
Napapalatak nalang ako ng makita kong may hawak pang maliit na cactus si Mikhael na nakalagay sa maliit na paso. Akala ko pag luluto lang ang hilig nito pero mukang plantito din yata ito.
"Don't mind them, Bless. Ganyan lang talaga sila." Sabi pa sa akin ni Hermes.
"Thanks." Sabi pa nito sabay taas noong paper bag.
"Huwag mo silang bibigyan. Lalo na si Gabriel. Mukang madaming pinaiiyak iyan na mga kabaro ko. Para lang sayo iyang mga cookies. Tapos madami akong nilutong pagkain. Kumain ka ng kumain kase mukang pumayat ka." Bulong ko pa kay Hermes.
Tapos itinuro ko iyong mga pagkain na nasa tabi ko. Tiningnan naman niya ako. Mukang takang taka ito kase sobrang dami ko talagang nailuto. Medyo napangiwi ako sa reaksyon nito.
"Bakit?" Tanong naman nito.
"Baka kase ito nalang iyong huling beses na ipag babake at ipagluluto kita." Malungkot kong sabi.
Lalong napakunot iyong noo nito sa sinabi ko. Seryosong seryoso siya habang nakatingin sa akin.
"Bakit? Aalis ka ba?" Tanong ulit nito. I sighed
"Narinig ko kase kay Papa na kapag graduate mo itetrain ka na agad ni Tito Samuel para makapasok ka sa PMA. Tapos kapag nakapasok ka naman doon taon iyong bibilangin bago ka namin ulit makita." Paliwanag ko pa.
"Ohh. That thing. Akala ko susunod ka sa US kasama ng Kuya mo." Sabi pa nito. Parang baliwala lang sa kanya.
Napaingos ako. Sabagay sino ba naman ako sa kanya. Buti nga kinakausap niya pa ako ngayon. Dati hindi naman niya ako kilala. Ngayon lang niya ako napansin kase lagi ko siyang binubusog.
Masaya na ako na nakakalapit at nakakausap ko ng ganito si Hermes. Kahit pa sabihin na mas interesado siya sa pagkain na ibinibigay ko kasya sa akin. Ang mahalaga kilala na niya ako tapos parang friends na rin kami.

BINABASA MO ANG
Distance
General FictionEmperor Series: 5 Hermes Samuel Montes Date Started: April 28, 2020 Date Finish: