Liza's POV
"Quiet." Bulong pa nito. Umiiyak na tumango ako. Niyakap lang ako nito at inalo.
"Emperor!" Gabriel hissed.
"Oh, its okay. I know Papa will do everything. Don't worry." Sabi pa nito kay Gabriel at tinapik pa sa balikat tapos hinarap niya iyong mga lalakeng armado.
"Don't!" Pigil ni Mattheo at Mikhael ng akmang magsasalita si Gabriel.
"Asul daw ang mga mata ng anak nung Alfonso. Bakit berde iyang sayo!" Sita dito nung isang kidnaper sa amin. Lalong nanlaki iyong mga mata ko.
"Kunin nalang natin silang anim. Mukang mayayaman naman silang lahat. Siguradong magbibigay ng milyones iyang mga magulang niyan." Sulsol naman nung isa.
"Hindi! Kunin nyo na iyang may berdeng mata. Siya nga daw si Gabriel! Bilis!" Utos nung pinakaleader sa kanila.
"You don't have to point those guns on them. Sasama ako basta huwag nyo lang silang sasaktan. At wala na kayong isasamang iba." Sabi ng pinsan ko at sumakay sa sasakyan ng mga ito.
Humaharurot na umalis iyong tatlong itim na SUV. Pigil pigil ko iyong iyak ko ng mawala sa paningin namin iyong sasakyan. Napahigpit din iyong yakap ko kay Hermes.
"Damn it! Bakit nyo ako pinigilan?! Hindi dapat si Emperor yun!" Gabriel hissed.
"Gabriel, calm down!" Sabi dito ni Mikhael.
Si Mattheo ay may tinawagan sa cellphone nito. Pero wala doon iyong atensyon ko. Takot na takot talaga ako ngayon.
"Si S-Simon!" Umiiyak na sabi ko.
Hindi ko alam kung saan ako mas natakot. Doon sa ba putok ng mga baril o sa kaalamang nakidnap ang pinsan ko at nagpanggap ito na isa sa mga kaibigan niya.
Kahit naman bully iyon. Ayoko naman may masamang mangyari dito dahil magkadugo pa rin kami.
"It's okay, Bless. I'm just here. No one will harm you. Mahahanap namin si Emperor. Kayang kaya niya iyong sarili niya. Huwag kang mag alala." Pag aalo nito sa akin.
Iyak pa rin ako ng iyak habang nakayakap dito. Hindi pa ako aalis sa pagkakayakap dito kung hindi pa dumating ang mga magulang namin.
Agad akong yumakap kay Mama ng makita ko ito. Kasunod nito si Papa na nakauniform pa. Kitang kita kung paanong hinimatay si Tita Corset ng malaman nito na ang pinsan ko ang nakidnap sa halip na si Gabriel.
Pagkatapos ng nangyari sa school ay dito lahat sila sa bahay namin dumiretcho. Nadatnan na namin dito iyong Papa ni Hermes. Si Tito Samuel. Tapos maraming mga tauhan nila ang nakapalibot sa buong bahay namin. Lalo na sa labas ng subdivision namin. Ilan doon ay alam kong mga tauhan ni Papa.
Si Tita Corset ay walang tigil sa pag iyak. Si Lola Margs ay prente lang na nakaupo. Parang hindi naman siya nag aalala sa apo niya. Sabi pa nito ay kayang kaya daw ng Thirdy niya iyong mga kidnapper. Wala daw mahina sa mga Fontanilla at lalong walang duwag. Tiwalang tiwala talaga siya sa nag iisa niyang apo.
Ako din ay malungkot dahil sa nangyari. Sila Hermes ay nakaupo lang sa isang sulok. Silang magkakaibigan. Si Gabriel nakita ko pa kanina na umiiyak sa Mama niya.
I sighed. Akala ko maganda iyong araw na ito kase nakasama ko si Hermes tapos dapat ihahatid niya pa ako dito sa bahay. Pero nagkagulo nga.
Hanggang ngayon hindi pa tumatawag iyong mga kidnappers kay Tito Alfonso. Dito daw tatawag iyong mga iyon dahil akala nga nila si Gabriel si Simon.
Agad kong sinundan si Hermes ng lumabas ito ng bahay. Nakita ko siya doon sa front porch. Narinig ko pa nga itong nagmumura. Iyong mga mata niya halatang halata iyong galit.

BINABASA MO ANG
Distance
General FictionEmperor Series: 5 Hermes Samuel Montes Date Started: April 28, 2020 Date Finish: