Part 1

3.9K 185 57
                                    

Years before the present time.

"Liza, sino na naman ba ang sinisilip mo dyan sa senior high building?" Kalabit sa akin ng kaibigan ko na si Samantha.

"Wala!" Sabi ko dito.

Pero nagkandahaba na ang leeg ko kakasilip hindi ko pa din nakikita ang gusto kong tingnan.

"Wala daw! Hayan o mahaba na ang leeg mo!" Nakangising sinundot sundot pa ni Maura ang tagrilan ko. Napasinghap ako.

"Wala nga! Ay, Samantha si Mattheo oh?" Sabay turo ko sa likod nito.

Namutla ang kaibigan ko at nagtatakbo palayo sa kinaroroonan ko. Napangisi nalang ako. Kahit kailan talaga si Samantha.

"Hayan na ang Big Five!" Sabi naman ni Maura.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mga kumpol ng mga estudyanteng babae at nagtitilian.

Dali dali kong dinampot ang lunch box na nasa bag ko at nagtatakbo ako palapit sa mga ito. Iniwan ko na nga si Maura na tawa ng tawa. Hindi ko ito pinansin ng pahabol na tuksuhin pa ako nito.

"Ihhhh!!! Ang gwapo ni Emperor! Nakakapanghina! Lalo na iyong berde niyang mga mata!" Tili noong isa.

"Mikhael! Mikhael, I love you!"

"Gabriel, can you be my boyfriend!"

"Mattheo! Tingnan mo naman ako, please!"

"Hermes my loves! Anakan mo na ako!"

Tiningnan ko ng masama ang nagsalita na anakan siya ni Hermes. Kulang nalang ay hinalahin ko ang buhok nito at pagsasampalin ng magising siya sa kahibangan niya.

Anakan siya? Hindi niya ba naiisip. Ang bata bata pa namin para anakan siya! Where is her breeding? My God! Baka naiprito na!

Breading iyon Liza! Napasimangot ako sa kontrabida kong isip.

Lalong nagkagulo ng magsalita si Gabriel.

"Love you all girls!"

Nagkatulakan na. Syempre hindi ako papatalo. Hawak ko ng mabuti ang lunch box na parang dito nakadepende ang buhay at kaluluwa ko. Nakipag gitgitan ako papuntang unahan. Iniirapan ko lang iyong mga nasasagi ko at natatapakan ko.

Pero bago pa ako makarating ay nakalayo na ang grupo nito.

"Ay, wala na sila!" Sabi nong isang babae at nagkanya kanya na itong alis na akala mong walang nangyari.

Bagsak ang mga balikat na tinitigan ko nalang iyong lunch box na dala ko. Ako pa naman ang nagluto nito. At talagang sinuguro ko na masarap at hindi ako mapapahiya sa lasa.

Bwusit naman kaseng mga babae ito hindi tuloy ako nakalapit.

Bagsak ang mga balikat ko na lamakad palayo. Asar na asar ako. Sira na iyong araw ko. Hindi ko naman pwedeng lapitan iyong pinsan ko at sigurado ibubully lang ako nito. Si Simon pa ba naman? Palibhasa wala siyang kapatid kaya napakabully ng pinsan ko na iyon.

Sa totoo lang siya iyong leader ng Big Five. Akala siguro nila sila iyong F4 tapos siya si Dao Min Si. Gustong gusto niya pa na tinatawag siyang Emperor. Ewan ko ba. May sayad yata sa utak iyong pinsan ko na iyon. Naturingan pa namang Fontanilla. Mabuti pa si Hermes Samuel ko simple lang at tatahitahimik lang. Pero hindi ko manlang siya nasilayan.

"Kainis!"

Wala tuloy akong gana hanggang sa matapos ang morning class namin. Tinatamad na umakyat nalang ako sa rooftop ng school building kase hindi ko na naman mahagilap si Samantha. Napakaligalig ng pagkatao nito. Natataranta siya kapag nagkikita niya si Mattheo. Siguro crush niya yon.

Distance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon