Part 10

25 2 0
                                    

Liza's POV

"Pumayag na ang Papa mo. Pero hintayin daw muna natin siya. Siya iyong sasama sa atin. Ayaw ka niyang palabasin pero sabi ko nagpupumilit ka." Sabi pa ni Mama.

"Pero Ma ngayon nalang kase ulit ako dadalaw kay Simon. Pero Ma kamusta na po ba siya?" Biglang tanong ko.

Napabuntong hininga na naman si Mama at tinulungan ako sa ginagawa ko.

"Sabi ng mga doctor mabuti na daw ang lagay ng pinsan mo pero hindi talaga nila masabi kung kailan ito magigising. Hindi nawawalan ng pag asa iyong Lola Margs at Tita Corset mo. Pero sabi din ng mga doctor. Lalo na iyong Papa ni Mattheo. Kung hindi magigising ang pinsan mo sa loob ng tatlong buwan. Wala na talagang pag asa." Malungkot na paliwanag sa akin ni Mama.

Ako din ay nalungkot sa sinabi ni Mama. Paano pa kaya kung nalaman ito ni Hermes. Noon palang sinisisi na niya iyong sarili niya paano pa ngayon kung malalaman niya iyong mga sinabi sa akin ngayon ni Mama? I sighed

"Pero po Ma, hindi ba magigising pa si Simon?" Sabi ko pa kay Mama.

"Sana anak. Kase naaawa na ako sa Tita Corset at Tito ST mo. Lalo na sa Lola Margs. Mahal na mahal niya pa naman si Simon. Sabi pa ng Lola Margs mo sa akin wala na daw siyang kaasaran sa hacienda. Pagkatapos sabihin sa akin ng Lola Margs iyon. Umiyak na ito ng umiyak. Alam ko na malungkot na malungkot ang Lola Margs nyo. Alam mo naman na kung gaano nito kamahal si Simon. Lahat gagawin niya para sa apo niya." Napapabuntong hininga na sabi pa ni Mama.

"Sana po Ma magising na si Simon. Pero alam ko po Ma magigising na siya. Malulungkot kase iyon kapag walang binubully na pinsan. Lagi pa naman siyang bored sa buhay. Wala kaya siyang ibang pinagkaka libangan? Madami naman siyang girlfriends Mama." Sabi ko pa kay Mama. Bahagya itong natawa.

"Ikaw talaga Liza. Mahal ka lang ng pinsan mo kaya ganun. Ikaw lang kase ang pinsan niyang babae. Saka sabik sa kapatid iyon kaya lagi ka lang niyang binibiro. Sabi nga niya sa akin noong maliliit pa kayo kung pwede ka daw ba niyang hingin kase wala siyang kapatid. Lagi ka pa nga niyang binibilan ng mga barbie noong maliliit kayo. Laging nandito iyong bata na iyon noon." Sabi pa sa akin ni Mama.

Napaingos ako. Ginawa niya pa akong laruan. Pero kung naging kapatid ko si Simon sigurado na palagi ko itong hihigh blood. Hindi ko pa kase ito nakitang nawala sa composure niya. Lagi lang siyang kalmante na parang bored sa buhay.

Pero mas gugustuhin ko na iyong lagi akong inaasar ni Simon kasya naman maraming nalulungkot at hindi pa ito nagigising.

"Ma, ready na po ako saka iyong mga dadalahin kong pagkain." Sabi ko pa kay Mama.

Bahagya pang napangiwi si Mama ng mapansin nito kung gaano kadami iyong dadalahin naming pagkain.

"Anak, baka naman kapag inuwi ni Hermes sa bahay nila iyang mga niluto mo maoffend ang Tita Hannah mo. Baka akala niya hindi masarap ang mga pagkain sa bahay nila." Sabi pa ni Mama. Napabungisngis ako.

"Ma, baka nga po hindi masarap magluto iyong cook sa bahay nila Tita Hannah. Kase po laging gutom si Hermes." Natatawang sabi ko pa kay Mama. Napapalatak nalang ito.

"Liza, hindi ba at sinabi kong konting pakipot naman anak. Huwag kang masyadong nagpapakita ng mutibo na gusto mo si Hermes. Ang babae mong tao." Saway pa sa akin ni Mama. Napaingos na naman ako.

"Bakit po Ma ikaw? Sabi ni Papa lagi mo din siyang dinadalahan ng pagkain noon. Kaya nga daw po napasagot mo siya." Napahagikgik na naman ako ng makita kong nanlalaki iyong mga mata ni Mama sa sinabi ko.

"Sinabi iyon ng Papa mo?" Paninigurado pa nito. Nakangising sunod sunod akong tumango.

Napatawa na ako ng tuluyan ng marinig kong bumulong si Mama na lagot daw sa kanya si Papa mamaya.

Distance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon