W/N: Update muna bago maging busy.
Yanna's Pov
Nanatili ako sa loob ng gymnasium kahit na mamaya-maya pa naman magsisimula ang unang magpeperform.
Bukod sa hinihintay ko ang mga kaklase ko, hinihintay ko rin ang susuotin ko para mamaya.
Nakalimutan ko kasi sa bahay.
Mabuti nga at pumayag si Ate na ihatid dito, nahihiya rin kasi akong ipahatid yun kay Tita.
Kinuha ko ang phone at dinial ang number ni Ate Thea. Kanina ko pa ibinilin iyon pero hanggang ngayon wala pa rin.
Nakailang ring na pero wala pa ring sumasagot. Taka akong napatingin sa phone ko.
Baka naman nagdadrive kaya hindi masagot.
Itinago ko na lang ang phone ko at pinanood ang mga studyante na nakapalibot kay Ryu.
Kanina ko pa siya gustong malapitan at makausap pero hindi ko magawa iyon, ang dami niya kasing fans na nakapalibot sa kanya.
Busy siya sa kaka-autograph at pakikipag-picture.
Napangiti ako. Ibang klase na talaga 'to, sobrang sikat niya na.
I'm so proud of him, ang layo na ng narating niya.
Tumingin siya sa direksyon ko, ngumiti at kinindatan ako.
Nagtilian at kinilig naman ang mga babaeng nakapalibot sa kanya, akala niya sila ang kinindatan.
" KYAAHHH! ANG POGI! "
" Guys! Kinindatan niya ako!! "
" Anong ikaw?! Ako yung kinindatan niya! "
" Gaga, mga assuming! Ako yun! "
Napailing na lang ako.
Napaangat ako ng tingin nang makita 'kong naglalakad palapit sa akin si Jaden, may hawak siyang paper bag.
" Oh! " Inabot niya yun sa'kin.
Tinanggap ko ito kahit nagtataka. " Ano 'to? "
Umirap siya. " Next time, huwag 'kang burara. Nakakaabala 'ka ng ibang tao. " Naiinis na ani niya at umalis sa harapan 'ko.
Sungit.
Tinignan ko kung ano ang laman ng paper bag. Yung susuotin ko sa Dance Troupe ang laman.
Bakit nasa kanya 'to? Si Ate Thea ang tinawagan ko, ah?
Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil baka inabot lang ni Ate Thea sa kanya.
Teka nga, nasaan na 'ba ang mga kaklase 'ko? Sabi nila, hintayin ko raw sila rito pero hanggang ngayon wala pa sila.
Biglang lumabas ang MC at nagsalita para makuha ang atensyon naming lahat.
" Let's gather na, Student's! Magsisimula na ang Dance Troupe. "
Tumayo ako at bumalik sa pwesto namin kanina. Luminga-linga ako at hinanap ng mga mata 'ko ang mga kaklase ko pero hindi ko sila mahagilap.
Kinuha ko ang phone ko at chinat sila sa gc na ginawa nila.
AriannaJade:
Where r u, ugoks?Hindi pa 'man nakakalimang segundo ay nireplyan na kaagad nila ako.
Marlow:
Miss mo na kaagad kami?Ngumiwi ako.
AriannaJade:
Kahit wg n kyung bmalik.
YOU ARE READING
Ang Nag-iisang Babae sa Section 13
ActionArianna Celestina Jade Garcia. The girl who's not just an ordinary girl. She can fight, she can protect the people around her. One of a kind ika nga. She has a lot of secrets. Mga sikretong nakakubli at walang nakakaalam. Her life was a mess. Palagi...