Kabanata 2
Sundo
"Aly ito na pala 'yung notes mo, salamat a!" Biglang sumulpot sa harapan ko si Nick. Napaatras ako sa ginawa niyang biglaang paglapit sa akin. Kasalukuyan kasi akong nasa cafeteria noong dumating siya.
"Welcome!" Tinuon ko muli ang pansin sa sinusulat ko. Pero nakikita ko sa gilid ng mata ko na nandito pa rin si Nick sa harapan ko. Tinignan ko siya at nakatitig pa rin siya sa akin.
Napakunot ako ng kilay. "Wala" Sagot niya at ngumiti. "Salamat ulit, Aly." He waves his hand on me and start walking to the North direction. Pinuntahan na niya ang mga pinsan niya roon. Nick is one of my friends here in the university. Malaki ang tiwala ko sa kanya kasi para bang forever classmate ko siya hanggang sa magtapos kami ng kolehiyo. Isang taon na lang naman magtatapos na kami. Ang bilis talaga ng panahon. Maraming nagbabago. Maraming dumadating na bagong tao sa atin. Katulad na lamang noong nangyari kahapon.
Hindi ko man lang naisip at hindi ko pa rin manguya sa isipan ko na nangyayari pala iyon. Marami akong tanong pero ni isang sagot wala akong natanggap dahil nawala ako sa sarili ko kahapon. Para bang nasa ulap ang utak mo ng mga oras na iyon. Lumilipad ang isipan mo at miski ang sarili mo hindi mo matagpuan kung nasaan ka talaga. I never imagined this to happen...never in my life.
Napapikit ako kasi naalala ko na naman ito. Umiling ako at nag-umpisang maglakad sa susunod na klase ko. Hindi. Hindi ito makakagulo sa akin. Saglit lang iyon, at matatapos din. Wala lang 'yun!
Natapos ang klase ko na nakatuon lamang ako sa lesson. Iniwas ko ang pag-iisip ko sa nangyari kahapon. Niligpit ko na ang mga gamit ko at nilagay ito sa aking bag. Maraming tatapusin ngayon malapit na magtapos ang semester. Maraming mga requirements ang kailangang ipasa at kailangan na ring maghanda para sa mga exams. Busy na rin ako sa paghahanap ng OJT pero may nirecommend na ang university tungkol dito. Sa susunod na pasukan kasi ay fourth year na ako kaya't masyadong magiging busy. Kumuha ako ng kursong Bachelor of Science in Business Administration sa isang kilalang unibersidad dito sa Pilipinas.
Lumabas na ako ng room at nasa alapaap na naman ang isipan ko. Nawala ako sa pag-iisip ng mayroon akong narinig na pamilyar ang boses. "Bes ko!" sigaw niya sa akin habang tumatakbo sa lugar na kung nasaan ako.
"Nica!"
"Para namang hindi tayo nagkita kahapon aa!" Hinigpitan ko pa lalo ang yakap niya sa akin.
"Namimiss ko lang ang babaeng mala-dyosa ang mukha next to me." Natawa naman ako sa sinabi niya. Napaka-bubbly talagang tao 'tong si Nica. Na-meet ko siya sa subject na College Algebra. Hindi kami parehas ng kurso. Ang kinuha niyang kurso ay Engineering at isa siyang iskolar dito sa unibersidad. Nang dahil sa iskolar na iyon kaya siya nakapag-aral dito. Binibigyan ko siya ng tulong pero ayaw niya. Lagi niyang sinasabi na kakayanin ito ng iskolar. At eto nga, nang dahil sa matalino siya nama-maintain niya ang grade na dapat sa scholarship niya. I'm so proud of her. Proud bestfriend here!
"Oo na. Bakit nga pala napasigaw ang bestfriend ko?" tanong ko sa kanya at kinalas ang yakap sa akin.
Naglakad na kami palabas ng building. "Thank you bes naka-uno lang naman ako dahil sa'yo." Parang kumislap iyong mata niya noong sinabi niya iyon sa akin. Adik kasi sa uno ang taong ito! Halimaw sa grades. "Nang dahil ang galing mong mag-proofread ayun. Jackpot! Uno lang naman ako!" Itinaas pa niya ang kamay niya at pumalakpak sa mukha ko.
"Naku wala 'yun ikaw kaya gumawa ng content 'nun."
"Basta kahit na! Salamat Bes." Nagulat naman ako ng bigla niya akong halikan sa pisngi. Si Nica talaga!
Nagkuwentuhan lang kami habang naglalakad. Nagrereminisce ng mga pangyayari noon at tumatawa kapag naalala ang mga pangyayaring dati. Napahinto kami ng tawa ng biglang may humintong limo sa harapan namin.
"Seriously? Limousine bes? Bakit hindi pa 'yung Jaguar niyo?" tanong niya at ngangang nganga pa rin sa nakikita. Napapailing na lang ako.
Bumaba ang bintana ng kotseng at nagpakita ang driver nito. "Pinapasundo na po kayo." sabi ng driver. Hindi ko naman kilala sa mukha ang driver kaya kinabahan ako.
Napakunot ako ng noo. "Pero kuya hindi ko po kayo kilala. Hindi naman po ako sinabihan ni mommy na may bagong driver?"
"Oo nga kuya baka masamang tao kayo. At bumibihag ng magagandang babae katulad namin. " sagot naman ni Nica.
Nakita ko namang nagpipigil ng ngiti ang driver. "Hindi po. Pinapasundo na po kay—" napahinto si kuyang driver dahil may kumalabit sa kanya. Biglang bumababa ang isang bintana ng kotse. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Napanganga na naman ako at higit sa lahat pakiramdam ko nagagaya na ako kay Nica sa pagkawala sa realidad.
"Aly." aniya at napakurba ang labi niya dahil nagpipigil ngumiti. Dumoble pa ang kabog ng dibdib ko. Bakit nandito si Gideon este si Mr. Jimenez. "Tara na. Sinusundo na kita."
Seu'
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)
RomanceAlysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong ito umiikot ang mundo niya kaya maayos at naging kontento na siya sa kanyang buhay. Pero lahat ay nab...