Kabanata 42

123K 1.1K 46
                                    

Kabanata 42

Together

Pagkagising ko hindi ko alam pero ngumiti ng kusa ang mga labi ko. Tumayo ako, tumungong banyo at proud na tinitigan ang sarili sa salamin. Hinawakan ko ang labi ko. Umabot na hata hanggang tenga ang ngiti ko.

Kami na.

Hindi ko alam pero nung tinitigan ko ang sarili ko ulit salamin ay namumula ang mukha ko. Nagawi kasi ang isipan ko sa isang alaala kahapon. His lips touched mine. Halos mapunit na ang labi ko kakangiti. Halos iyon lamang pangyayari na iyon ang gumawi sa isipan ko. Kung anong ligayang hatid nun sa akin. Funny ba? Una ko kasi lang 'tong naramdaman. This feeling is beyond exquisite. Halos sumigaw na ang utak ko. Halos ang brain cells ko ay nagkakasiyahan. May party pa hata sa loob ng ulo ko?

Ito hata yung tinatawag na happiness. Beyond pa hata sa happiness. Kabaliwan? Ewan.

Kahit mahirap ng ibalik ang labi ko sa normal nitong katayuan. Joke. Panay ngiti ko lang. Inayos ko na ang sarili ko. Tinignan ang sarili kung maganda pa ba? Napatawa naman ako sa naisip ko.

Bumaba na ako.

At ito nga hindi pa rin nawala ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nagwawala na naman ang puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa bandang puso. Pinipilit kong pakalmahin ito. Anong problema? Puso? Maski ako tinatanong ko ang puso ko kung bakit ganito na lamang ang tibok niya kapag nakikita ko siya --- si Gideon.

"Good morning, baby." Halos tibok ng puso ko lamang ang naririnig at ang boses na iyon ni Gideon. Napako na talaga ang tingin ko sa kanya. Bumalik na naman ang ala ala nung kahapon. Ibig sabihin kinikilig na ang atay ko. Atay talaga?

Naglakad na ako palapit sa kanya este sa table. May nakahain ng pagkain. At saka late na kaya bakit pa siya nandito? Napatingin ako sa orasan sa may wall. Ten thirty na. Hala siya, bakit nandito pa siya. Tapos ngayon relax na relax lang siya na umiinom na kape.

Umupo na ako malapit sa kanya. "Bakit nandito ka pa? Ten thirty na kaya." Kinuha ko yung bread tapos nilagyan ng strawberry jam.

Nararamdaman ko naman na nakatingin siya sa akin habang kumakain ng tinapay. "Baby kasi hindi pa kita nakikita."

"Bakit naman?" Napausod naman ako ng upo. Tumaas din bahagya ang isa kong kilay.

Napatingin naman si Gideon sa akin. Nagpipigil na naman siya ng ngiti. Bakit ba sa tuwing may tinatanong ako ganito 'to? "Uhm. Gusto kasi kitang makita bago ako umalis..." Napanganga naman ako. "...I have to go."sabi niya. Pagkatapos ay tumayo na at naglakad na papuntang pinto.

Nakanganga pa rin ako, literal sa sinabi niya. Eh?

Pero natauhan din at hinabol siya bago makalabas.

"Gideon..." Napahawak ako sa braso niya nung naabutan ko siya. Agad naman siyang lumingon at kumurba na naman ang labi niya.

"Yes, baby?"

Nagkakagulo na ang brain cells ko. Bakit ko nga ba siya hinabol? Ano nga ba dahilan? Hindi na naman ako nag-iisip.

Napaharap naman si Gideon. "May problema ba?" Napayuko ng konti ang ulo ni Gideon at tinignan niya ang mukha ko.

"Ano kasi...uh-h ano.." Ano nga ba Alysson?

Napalapit naman ang mukha niya. Ano nga ba at tinawag ko siya. Mag-isip ka Alysson.

Kumukurba na ang labi niya. Ayan na naman tayo.Napataas na rin ang isang kilay niya. "Yes?" Mahinahon niyang sabi. Ano ba Gideon? Huwag ka gaanong magpacute. Kainis ang gwapo mo talaga.

"Ano! Uh..Uuwi ka ba? Mamaya uh.. Oo yun. Yun nga." Napapitik naman ako sa sinabi ko.

"Yes. Bakit?" Ang hirap huminga. Pakiramdam ko ang hirap humugot ng hininga kapag malapit ang mukha niya sa akin. Naalala ko kasi yung kiss.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon