Kabanata 53
Again
Napapasimangot na ako. Aalis naman kasi siya. Nakaupo lang ako at hindi ko naiintindihan ang pinapanood sa telebisyon. Aalis na naman siya. Ilang araw? baka nga linggo pa yan or worse buwan pa.
Pero hindi ko naman siya masisisi kasi nagtatrabaho siya.
Ilang beses na akong nagbubuntong hininga para makapag-isip. Pero wala e. Nawawala ako. Kasi naman! Sumama kaya ako? pero kasi nag-aaral ako tapos yung thesis 2. Kung sinuswerte ka nga naman.
Swerte naman talaga ako kasi may Gideon ako. Lumandi na naman ka na naman Aly.
Pero kasi aalis na naman siya. Mag-isa na naman ako. Hindi ko na talaga makurba ang labi ko sa isang ngiti. Kasi naman!
Nung may narinig naman akong yabag pababa ay napaayos ako ng upo. Nag focus ako ng tingin sa telebisyon. Oh my God. Papalapit na siya sa akin. Umayos ka Aly. I sit up straight and I focus my eyes on the television. Naamoy ko siya kasi naman ang bango bango niya.
"I'll go." Narinig ko namang nagsalita siya. Syempre umaarte akong okay lang. Pero sa totoo lang gusto ko siyang pigilan pero sa tingin ko hindi naman dapat siya uuwi nung birthday ko. Sa tingin ko nga nauwi lang siya dahil don. At ang totoo ay abalang abala siya sa UK. Nakakahiya talaga kay Gideon.
Lumapit naman si Gideon sa akin. Tumayo sa harap ko. Yumuko siya at tinitigan ako. Napatingin na ako. May something sa mata niya.
"Bye." I said. I bit my lower lip.
Huminga siya ng malalim. "Can I have a hug from you?" Napasimangot na naman ako. Kasi naman Gideon e. Inispread pa niya ang arms niya.
Tumayo na ako. Binigyan ko na siya ng yakap.
"Pasensya na. Alam ko namang nagmadali ka lang umuwi dahil sa akin. Sorry." Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Ilang araw ko na naman siyang hindi mayayakap. "Sorry talaga Gideon."
"You don't need to worry about it baby." Kahit na Gideon. Siguro nakakapagpahinga ka pa. Pero kasi ako na lang lagi.
Kumalas na ng yakap si Gideon. Hindi na kasi ako sasamang airport. Mabuti na rin iyon. Sabi nga ni Gideon saglit na lang daw ang aayusin nila. Sa London na lang hata yung aakikasuhin nila. Kasama again si Diane. Si manager naman hindi pero si Andy kasama sa London.
"Goodbye." Sabi ni Gideon. Lumunok ulit ako. Huwag kang umiyak Aly.
Pagkatapos ay lumakad na siya palabas. Umupo na akong sofa. Naiiyak na naman ako. Lalo pa't may problema. Hindi ko masabi kay Gideon yung tungkol sa kasal. Nawawalan ako ng lakas ng loob.
Hindi ko kaya.
Hindi ko kayang mawala siya.
Natatakot ako sa resulta kung sasabihin ko sa kanya iyon.
Nakakabaliw namang mag-isip. Ih ih.
Napalaki naman ang mata ko ng maisip ko si Gideon. Hindi ko man lang siya nahatid kahit hanggang pinto. Napatayo na ako at nag-umpisa ng lumakad hanggang sa maging patakbo na ito.. Hindi ko na nga sinuot ang tsinelas ko. Tumakbo na ako palabas ng bahay. Kakainis hindi man lang ako naka...nevermind. Ih ih. Kainis.
Tumakbo pa ako ng mabilis. Bukas naman yung gate kaya hindi ito nakaabala. Medyo napapaso na ang paa ko ang init ng semento. Pero hindi ko na ininda iyon. Napapatingin naman ako sa paligid. Wala pa namang tao sa village. Tumingin agad ako sa kaliwa pagkalabas ko ng bahay.
Nung nakalabas ako pakiramdam ko ay tumigil ang paghinga ko. Napalunok ako. Tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan ang luha ko.
Nandyan pa siya Aly.
Hindi pa siya pumapasok sa kotse. Para bang hinihintay niya ako sa paglabas dahil nakasandal siya sa kotse. Nang naramdaman niya ako ay napatingin siya. Oh syet bakit nakashades.
Tumayo naman siya ng straight. Kumurba ang labi niya. Hindi na ako nagsayang ng oras tumakbo na ako palapit sa kanya. Para namang binuhat niya ako nang makarating ako sa kanya. He softly whimpers, and with that, I sealed my lips on his, removing away all the bad thoughts I have now. Nakita ko ang pagpikit ng mata niya. I close my eyes too. I pushed my fingers into his hair to hold him and kissed him in the same movement.
His arms tightened possessively around me. I feel his lips moving against mine. As the kiss became deeper, his tongue sliding along mine, stroking. I don't know how long the kiss but it's stealing every worry I have.
"God, I'll miss you again." He said after the kiss. Nararamdaman kong binubuhat pa rin ako ni Gideon. Pero binaba niya naman ako.
My arms wraps around him.
He cups my face. "Please baby, don't bother yourself with the issue throwing on you. Please." Nakikiusap ang mata niya. Nakikita ko ang sinseridad doon.
"Yes. I will. " Napatango pa ako at napapikit ng maramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.
"Promise?" Hinalikan niya ang tangos ng ilong ko. Napapikit ulit ako. At napangiti bago sumagot.
"Promise." I said. And he kisses my lips once again.
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)
RomanceAlysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong ito umiikot ang mundo niya kaya maayos at naging kontento na siya sa kanyang buhay. Pero lahat ay nab...