Kabanata 39

127K 1.1K 116
                                    


Kabanata 39

Later

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Grabee!

Hindi talaga ako makatulog.

I fall.


Ngumingiti na lang ako habang nakahiga. Ano kayang ginagawa ni Gideon ngayon? Katabi niya kaya si Diane ngayon? Sana naman hindi. Diba?

E paano ko naman sasabihin na gusto ko na rin siya?

At dahil sa pag-iisip kung paano ko sasabihin ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"BESS MAY NAGHAHANAP SA'YO." Napabalikwas naman ako ng may sumigaw. Napatayo ako sa kama. Wala na pala akong katabi. Anong oras na ba?

TEN THIRTY?

Lalo akong napatayo ng makita ang oras. Seriously? Ten thirty na. Naglakad na ako palabas ng kwarto. Papupungas pungas pa ako.

Kinuskos ko ang mata ko nang may lumapit sa akin. "Aly."

"GIDEON?.." Nanlaki naman ang mata ko. Bakit siya nandito? Ee, bakit pwedeng mamaya na lang kasi bagong gising palang ako. You know my breath? My smell? Kinakapa kapa ko pa ang mukha ko, baka may alam niyo na pero hindi naman ako ganun. Heheh. Yung mata ko rin baka may morning star pa. Huhu. Y? Y THIS IS HAPPENING TO ME? Baka ma turn off siya. Nooooo.

Napatalikod ako. "B-bakit?"

Nakita ko namang nagdaan si bes pero kinindatan lang ako at tumatawa ng mahina. Huhu. Bakit to nangyayari ngayon sa akin?

"Uhm I'm just wanna ask you out? Pwede ba?"  Oo naman. Sure! Pero hindi pa ngayon na bagong gising ako. At hindi kaaya aya ang itsura.

Eto ba yung pagdedate? Eto ba yun. "Wait lang maliligo lang ako." naglakad na ako patungong kwarto. Tapos ay tumungong banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay tumambad sa kama ang mga damit. Nandun din si Nica at inaayos iyon.

"Oh bes ito pala suotin mo. Wapak ka diyan" Binigay naman sa akin ni Nica ang isang short kung short. Tapos isang stripe na hanging blouse. Kaya ko namang dalhin 'yang ganyang damit pero para kasing ang awkward na parang ewan basta.

Sinuot ko na. Hayaan na. Malay mo ako lang ang tignan ni Gideon kapag ganito ang suot ko. I  smiled at that thought.

Tinuyo ko na ng blower ang buhok ko tapos ay pinusod ito. Ayokong mag make up, natural na ang ganda ko. Joke. Pagkatapos mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto.

Pagkalabas ko wala si Gideon. Eh? Hindi na ba kami tuloy? Pero lumabas akong bahay, nagbakasakali akong nasa labas siya.

Pero hindi nga ako nagkamali. Nasa labas lang siya. Bakit ang sexy ng back niya? Hehe. Pero may kausap hata siya sa phone. "Uhm Diane yes?"  Okay Diane. Diane daw. Aray.

Baka nga hindi na tuloy.

"Yes, later.."sabi niya. What is that? "But I'm busy. May tutunguhan kasi ako. I'm sorry. Okay?" bakit siya nagsosorry? What is wrong with you Gidy? Tsarots. Maaring hindi na hata kami tuloy?

Napayuko ako at napapout. Huhu. Bakit ito nangyayari? Lalabas kami diba? Pero parang hindi na.

"Let's go?" Napaangat naman ako ng ulo. Wala na, wala na ako sa ulirat. Eh? Bakit nakashades na siya? Huhu. Pinapahirapan niya akong pahingain. God, can't breathe. Bakit ang gwapo? Bakit?

"Hey." Hinawakan na niya pala ang magkabila kong pisngi. Bakit kasi nawala ako sa ulirat?

"Sorry."

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon