Kabanata 41

121K 1.2K 72
                                    


Kabanata 41

You and I

"Bes. Naku talaga masasabunutan na kita kanina pa ako salita ng salita rito. Nakatulala ka lang. Jusme."

Huh? May sinasabi ba si Nica? Hindi ko kasi maintindihan ee. Nasa kotse kami at pabalik na ng Maynila. Wala rin namang mangyayari kapag mamalagi pa kami sa bayan ni bes. Wala rin naman.

Nakakainis. Bakit kasi hindi siya maniwala? Sinabi ko namang mahal ko siya. Nakakainis. Nakakainis.

Alam na naman ni bes kung anong nangyari. Kinuwento ko na sa kanya. Payo nga siya ng payo hindi ko naman matanggap kasi nagwawala pa rin ang isipan ko. Nagtatanong ang puso ko kung bakit hindi siya naniniwala. Pinilit pa rin kasi ni Gideon na paniwalaan kung ano ang nakita niya. Akala ko ba maghihintay siya. Pero bakit hindi naman? Huhu. Sakit talaga sa puso nito. First time ko tong maramdaman.

"Bahala ka na ngang mag-emote diyan" sabi ni Bes. Napatingin naman ako sa kanya. Pinanlakihan niya lang ako ng mata tapos pumikit at isinandal ang ulo. Matutulog hata.

Hinayaan ko na. Hindi kasi ako nakikinig sa kanya. Sinasabi na nga ni bes na magiging okay na ang lahat pero ako? emote ng emote. Kasi naman! Nakakaiyak yung rejection ee.

Hinatid ko muna si bes sa apartment niya. Pinaalalahanan niya naman ako about sa enrollment. Isang linggo na lang kasi pasukan na. Pagkatapos nun ay umuwi na akong bahay.

Paano ko naman haharapin si Gideon?

Pumasok na akong bahay. Sumalubong si manang Maria sa akin at kinuha ang bag na hawak ko.

"Nagkita kayo?" tanong ni manang. Alam niya kasing tinunguhan ko si Gideon.

Tumango tango naman ako. "Opo. Nandyan po ba siya?"

"Ay anak, sabi niya may gagawin daw siya sa opisina. Hindi hata makakauwi."

"Ahh. Sige po."

Nagdiretso na akong kwarto. Iniiwasan niya ako. Nakakainis. Humiga na lang akong kama. Niyakap ko naman yung unan. Maniniwala lang hindi pa niya maniwala.

Nakakainis ka Gideon. Kung hindi ka lang gwapo sinapak na kita sa mukha maniwala ka lang sa akin.

Hinigpitan ko ang yakap sa unan at sinapak sapak ko. Bwiset. Maniniwala lang naman ee. Simple lang naman yun aa.

"Mahal nga kasi kita. ARGHHH." Binugbog ko na ang unan na hawak ko. Inimagine kong si Gideon.  Joke.

Pero biglang nagring ang phone ko.

Mom calling...

"Hello dear, how are you?" pambungad ni mom.

"I'm fine mom. Bakit po pala kayo napatawag?" Para kasing importante.

"Uhmm dear, Si kumadre nga pala ang nagsabi sa akin nito. Mom ni Gideon, last day na ng work mo tomorrow. Yun lang naman Aly."

"Ahh ganun po ba?"  Waa. Nalungkot naman ako bigla. Malapit na kasing magpasukan. Nakakalungkot kasi hindi ko na makakasama sila Manager Karl, Belle, Mark, Terrence, Renz at ang pinakamamimiss ko si Julio este si Jasmine. Huhu.

"Yes, dear. Nasa bank account mo pala yung sweldo mo."

"Yup. Mom. Itransfer ko na lang po."

"Thank you dear, malapit na natin mabayaran. Malapit ka na naming makuha. Sige na baby, Good night. I love you."

"I love you too. Mom."

And the line went dead.

Napabuntong hininga ako. Siguro nga kaya sinabi na rin ni Gideon yun kasi mababayaran na namin. Baka nga ayaw naman niya sa akin.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon