Kabanata 9

141K 1.2K 47
                                    

Kabanata 9

Behind it

 Lumipas ang dalawang araw ay natapos na rin ang mga exams, ang poproblemahin ko na lamang ang defense namin. Naging abala rin si Gideon ngayong mga araw dahil sa trabaho niya. Minsan nga hindi na kami nagkakasabay kumain dahil minsa'y late na siyang umuwi tapos minsan maaga rin akong gumigising. Hindi rin kami nagsasabay sa pagpasok. Di bali dalawang araw kaming hindi alam ang nangyayari sa isa't isa. Aba! Aly curious ka naman masyado! Napailing ako sa na isip.

Sabado ngayon at ngayong araw kami aalis ni Nick para manood ng race. Napakasaya ko dahil makakanood na rin ako nito. Nag-ayos na ako at nagsuot ng isang maong short at kulay gray na long sleeves. Nagsuot din ako ng isang gray ng sapatos. Magpapaalam din ako kay Gideon pagkatapos kong mag-ayos.

Pagkababa ko naabutan ko na lang si Manang Maria na hinuhugasan ang ilang plato. Tila naramdaman niya ang presensya ko kaya humarap siya sa akin. "Aly anak kumain ka na. Oo nga pala umalis na si Sir Gideon" aniya. Kakarating lang ni Manang Maria sa bahay na ito. Siya ang mag-aakikaso sa amin ni Gideon.

"Ah ganon po ba. Sige po." sabi ko at saka umupo.  Kumain na ako ng agahan. Wala akong pasok ngayong sabado. Stress reliever din ito. Matutupad na din ang pangarap kong makapanood ng race at makakita ng iba't ibang brand ng sports cars. 

Pagkakain ko niligpit ko na ito. Nagpaalam na rin ako kay Manang na baka gabihin ako dahil may tutunguhan ako. Sinabihan ko si Nick na sa may crossing na lang kami magkita at hindi na ako nagpasundo pa. Ayokong may makaalam ng sitwasyon ko ngayon.

Pagkarating ko roon ay nandun na rin si Nick. Nakasandal siya sa kotse niya with his hands in his pocket. "Hi." I said.

Napangiti siya agad ng makita ako. "Hey tara na." aya niya na inalok ang kamay sa akin. Kinuha ko naman ito. Napanganga naman ako ng makita ko ang kabuuan ng kotse niya. Hindi ko napansin na bumukas bahagya ang aking bibig.

"You really owned this Volvo SC90? Nick. Just wow!"

"Yea...regalo ni Mommy." natatawa niyang sabi habang pinaglalaruan ang susi ng kotseng iyon. Marami na palang tao sa Pilipinas ang nagkakaroon ng mamahaling kotse. Bakit kasi hindi ako pinayagan nila Mommy magkaroon ng kotse?

Sumakay na ako kotse. Pinaandar naman agad niya iyon. Hindi naman kami naging awkward sa isa't isa dahil nagkukuwentuhan din naman kami minsan. Pinag-usapan namin ang ilang bagay na kinahihiligan niya at kinahihiligan ko rin. Natuwa kami masyado noong nagkaparehas kami ng hilig sa mga kotse. Marami siya kinuwento tungkol don. I'm really fond of cars.

"We're here" aniya at pinagbuksan ako ng pinto. Yes, isang street racing lamang ito. Hindi naman ito illegal dahil maraming kompanya ang nagkaisa tungkol dito at isa sa mga kumpanya nag-organisa nito ay ang Autohub Company.  Ang Autohub Company ang nangungunang automotive dealer sa Pilipinas. Marami silang partnership sa iba't ibang kompanya ng kotse sa labas at sa loob ng bansa. Ang alam ko may dealership and affiliates sila sa mga kompanya ng kotse na katulad na BMW, Ford, Cadillac, Honda, Jaguar, Toyota at marami pang iba. At ngayon nga nag-organisa sila ng isang Tounge racing isang uri ng street racing. Naeexcite na ako sa mangyayari ngayon.

Pagkarating namin sa event area, agad na binigay ni Nick iyong tickets para makapasok kami. Kahit street racing lang 'to kailangan organisado. "Excited?" ani ni Nick. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Kinuha naman niya ang kamay ko at hinawakan ito habang papasok kami. Napakabait talaga ni Nick. Hinayaan ko na lang na hawakan niya ang kamay ko. Marami na ring tao rito. Kahit isang club game lang ito, alam ko namang seseryosohin nila ang race.

Kaunti minuto na lamang ay mag-uumpisa na ito. May upuan naman nakahain sa bawat manonood nito. Mayroon ding malaking screen para mapanood mo iyon karera kapag nasa malayo na ang mga kotse. Ang ganda ng pwestong nakita namin kasi makikita namin kung sino ang mananalo sa race.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon