Kabanata 35

123K 1.2K 66
                                    

Kabanata 35

Coz I love you, baby

Isang linggo ang nakalipas ay wala. I mean hindi ako pinapansin, kinakausap o kaya inaaproach ni Gideon. Hindi ko alam kung anong problema.

Pero nag-aalala naman ako. Nag-aalala ako kung may nasabi ba ako para maging ganun siya. Wala naman kasi akong matandaan. Sumakit nga lang ang ulo ko nung uminom ako. Ang alam ko lang o yung natatandaan ko lang ay nung naghalikan si Gideon at Diane. Yung lang ang sakit na naidulot nun.

Selos?

Aray.

Pero bakit? Bakit gaanon na lamang ako makapagreact. Wala naman dapat pero may nararamdaman akong sakit. Pakiramdam ko nga parang nagiging makasarili ako kasi parang sinasabi ng isip ko na dapat ako lang o dapat ang buong atensyon ni Gideon ay nasa akin lang. Pero hindi naman iyon tama kasi hindi naman ako lang ang tao sa buhay niya. Iyong akala mong kilala mo na siya pero hindi naman. May Diane siya, at karelasyon niya hata yun. Siguro naiisip din ni Gideon na kapag nabayaran na namin yung utang ay magiging okay na. Iyong maayos na ang lahat.

Pero parang ayokong mangyari iyon.

Pero bakit? Bakit ayaw kong mahiwalay sa kanya?

Naguguluhan na rin ako sa sarili ko. Bakit ganito na lamang ako makapagreact? Umiiling iling na lang ako. Relax Aly. Relax.

Isang buwan na lamang ay pasukan na. Pero parang hindi ko pa nasusulit iyon. Eh? At ngayon linggo ay wala akong gaanong magawa kasi naiisip ko siya.

Miss ko na siya.

Walang pang-aasar. Walang pagnguso. Walang sirang pusong sobrang bilis sa pagtibok. Wala. Kasi hindi niya ako pinapansin.

Hindi nga siya rito umuuwi. Hindi nga siya rito natutulog. At hindi ko alam kung bakit.

Ginawa ko na hata ang lahat pero hindi naman doon nafo-focus ang atensyon ko. Laging nagagawi ang isipan ko sa kanya.

Pati isip ko may sira na.

Wala talaga. Sira na ako at malapit ng mabaliw kakaisip kung ano ang ginawa ko para maging ganun siya. Ganun pala ang nangyayari kapag nalasing ka ng sobra. Minsan hindi mo na maalala yung nangyari. Hindi mo matandaan kung ano ang sinasabi nun noong mga panahong iyon.

Mayamaya lang ay may narinig akong engine ng kotse. Nagmamadali naman akong tumayo sa pagkakaupo ko. Binuksan ko bahagya ang pintuan. Si..Gideon..umuwi.. na?

Nagmamadali naman akong tumungong sofa at kinuha ang magazine sa side table. Narinig ko naman ang yabag niya na papasok.

 Narinig ko rin si Manang na patungo kay Gideon at nakita ng gilid na mata ko na kinuha nito ang hawak ni Gideon. Pero kahit anong focus ko sa magazine ay napapagawi pa rin ang paningin ko sa kanya.

Pero parang wala lang ako kasi hindi niya ako pinansin. Hindi binagsakan ng tingin at dirediretso lang umakyat at pumasok sa kwarto niya.

Nakakasimangot naman. Ano ba kasing ginawa ko?

Pumunta naman sa akin si manang Maria. "Aly may problema ba?"

"Hindi ko nga po alam."

"Kausapin mo kaya anak para magkaintindihan kayo."

Ngumiti na lang ako kay Manang at nagdiretso paakyat. Kakausapin ko na siya para hindi na ako mabaliw kakaisip kung anong problema.

Pero limang minuto na ang nakakalipas ay nag-iisip pa rin ako kung...

Kakatok ba?

O hindi?

Kakatok

Hindi

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon