Kabanata 38
I fall
Napatingin na lang ako kanya sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako pero biglang may nagsalita. Kumapit siya sa braso ni Gideon.
"Gidy naman hindi ka nagpaalam sa akin na aalis ka pala. Eh di sana sinamahan kita diba? Ikaw talaga." Eh?
Napatingin naman ako kay Gidy este kay Gideon pala. Er? Nakatingin lang siya sa akin na parang may sinasabi pero hindi ko naman maintindihan parang kasi nagsasalita ang mga mata niya pero hindi ko naman maintindihan.
"Oh Aly nandito ka pala?" Oo naman nandito ako.
"Hi Ms. Diane sige mauna na ako.." Ngumiti na lang ako tapos nagumpisa ng maglakad sa bahay nila Nica.
Hay!
Nung makarating ako sa bahay nila bes ay laking gulat ko na may yantok itong hawak at pasugod. Hinarang ko nga ang sarili ko.
"Kinakabog ka niyang babaeng 'yan bess.. Nandun na kayo sa moment ee. Ayun na ee, umepal lang.." Ready na ang bes ko na yantukin kung sino man ang sinasabi niya. Hinarang ko na ang sarili ko at dumating din si nay Percy.
Buti na lang talaga napigil tong babae na ito. Jusko, iba talaga mag-isip tong bestfriend ko minsan.
Kung ano ano ano na lang ginawa naming ni bes. Nakakain na rin kami ng hapunan. At sa hindi malamang rason ay nakikipagtext siya at hindi ko alam kung tungkol saan inyo.
Nakataas pa nga ang paa niya sa maliit na lamesa nila sa may sala. Wow, relax na relax. At sa hindi ring malamang rason ay inutusan ako ng babaeng ito.
"Bes kuha mo nga ako ng bato sa labas. Pleaseeeee." Hala, nabaliw na kasi binabat niya ang eyelashes niya tapos nagpapacute. Hala siya.
At dahil mahal ko ang bestfriend ko ay kukuha ako ng bato sa labas kahit hindi ko alam ang rason ng pag-utos niya sa akin.
Lumabas na ako ng bahay. Gabi na kaya at napagpasyahan pa ni bes na magpakuha ng bato. Hay.
Dun ako kukuha ng bato malapit sa dagat. Parang ang saya kasing basain ang paa. Hehe. Iilan lang talaga ang bahay dito. Nabibilang nga sa kamay kumpara dun sa bayan na pinuntahan namin kanina.
Napapikit pa ako. Ang sarap damhin ang hangin. Nagpaikot ikot pa ako. Nalilipad lipad nga ang dress ko dahil para akong timang dahil umiikot ikot ako.
Kahit nahilo ako sa pag-ikot ay yumuko na ako at kumuha ng bato. Habang nakayuko ay may nakita naman akong tao na nakatalikod.
Lumapit ako at tinignan kung sino iyon. Nung papalapit ako sa taong iyon ay narinig ko naman ang isang bahay na malapit sa dagat na nagpatugtog ng isang kanta. Lumapit pa ako. Kakalabitin ko na sana pero bigla itong humarap sa akin.
Nakangiti siyang humarap sa akin.
Gideon.
I can't sleep tonight, wide awake and so confused
Eveything is in line, but I am bruised
I need a voice to echo, I need a light to take me home
Nag-umpisa na rin ang kanta na pinatutog.
Nagwala na rin ang puso ko sa pagtibok. Kinakabahan na rin ako sa pagtitig niya sa akin. Bakit kaya lagi na lang ako ganito kapag papalapit siya sa akin?
Umupo si Gideon sa buhangin. Siguro ito na rin ang chance para makausap ko na siya. Kailangan ako ang mag-umpisa.
"Uhmm si Ms. Diane? Bakit hindi mo hata siya kasama." Umupo na rin ako sa buhangin. Binulsa ko na ang batong hawak ko.
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)
RomansAlysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong ito umiikot ang mundo niya kaya maayos at naging kontento na siya sa kanyang buhay. Pero lahat ay nab...