Kabanata 27

127K 1K 44
                                    

Kabanata 27

May kahalikan siya.


Napagpasyahan kong umuwing mag-isa sa bahay. Sumakay na lang akong taxi. Naguguluhan ako. Hindi ko alam. Wala akong alam sa nangyayari. Bakit ganito? Oo, kinukuha niya siguro ang loob ko. Inaalam niya lahat ng gusto ko para makuha nga ang loob ko. Ganoon ba iyon? Ha, Gideon? I smirked at the thought.

ARGH!

Pagkarating ko sa bahay umupo agad ako sa sofa. Mga 10:00 na pala. Ayoko na naguguluhan na ako. Wala akong makuhang sagot sa lahat ng tanong ko. Ayoko na.

"ALY!" Napatayo ako ng makita ko si Gideon sa pinto. Hingal na hingal at pawis na pawis. Nung nakita ko siya, parang may namuong galit sa akin. Niyukom ko ang kamay ko. Don't come near me, bastard!

"Bakit ka umalis? Nag-aalala ako sa'yo—"

"I'm tired." sabi ko at naglakad na.

Hinila naman niya ang braso ko at napaharap sa kanya. "Why are you crying? " He tucked his forefinger on my chin. Yes! I'm damn crying. Dammit!

Iniwas ko ang tingin ko. I jerked his hand on my chin. Tumalikod na ako. I don't know what to do. Naglakad na ako papuntang kwarto. Argh! So mean. At ngayon naman nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin? Sino ba ang paniniwalaan ko?

Baka panaginip lang to. Baka pagkagising ko na sa amin na ako at nasa kwarto. Baka pagkagising ko ginigising na ako ni mommy. Baka!

And this is not a dream. Minulat ko ang mata ko at nandito pa rin ako. Maybe tomorrow I wake up tapos nasa bahay na ako. ARGH! NO! Don't fucking think that way Aly. Ayoko na. Naguguluhan na ako.

Pero..

Kung kausapin ko kaya siya? Kung kunin ko kaya ang loob niya katulad ng ginagawa niya sa akin? ARGH! Bad naman 'yun.

Bahala na. Siguro ngayon ang dapat gawin ko na lang ay sumunod sa agos.

Naligo na ako at nagbihis. Papasok akong trabaho ngayon. Pero bakit kinakabahan ako?

Bumaba na ako at nakita ko si Manang na naghuhugas ng pinggan.

"Manang si..." Hindi ko man lang mabanggit ang pangalan niya.

"Si ser ay ma'am hindi nga po siya dito natulog.." ANO?

"Ah.ganun po ba?" Yah! Aly umarte kang parang walang nangyari.

"Sige kumain ka na."


Pagkakain ko nagpaalam na ako kay manang at pumasok ng trabaho. Pagkapasok ko ng building palabas naman si Gideon at kasama ang mga limang bodyguard niya. Bago ako yumuko ay nakita kong abala siya sa phone call.

Huminto ako panandali para mag-good morning. At hindi ko tinignan ang mukha niya. Naramdaman ko naman tinignan niya ako tapos lumakad din. Nakokonsensya talaga. God! Ang sama ko.

Pagkarating ko sa floor namin. Hindi naman gaanong abala ang mga kasama ko. Naghuhuntahan pa nga sila Mark, Terrence, Renz, Belle, Manager Karl, at ang superstar ng huntahan si Jasmine na nagkukuwento with demo. Nakita ko rin si Ms. Charlotte na bagot na bagot sa cubicle niya.

"Good Morning" nakangiti kong sabi. Natuon naman ang pansin nila sa akin.

"Maganda ka pa sa umaga Aly" sabay sabay sabi ng boys. Ang cute naman nila.

Pumunta na akong cubicle at inayos ang gamit ko roon. Pumunta naman si Manager Karl sa tabi ko. "Ba't nawala ka kahapon?.. nag-aalala masyado si Gideon sa'yo." Bulong ni Karl.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon