Kabanata 36

121K 1K 40
                                    

Kabanata 36

Consult and Think

Anong ibig sabihin na papakawalan niya ako? Naguguluhan ako sinabi niya. At lalo akong nabaliw nung sinabi niyang mahal ako.

Mahal ako ni Gideon.

Ano bang dapat ireact?

Ano dapat gawin?

Bakit ako nasaktan ng ganito nung sinabi niya iyon na papakawalan niya ako? Siguro kailangan ko na talagang magpaconsult sa taong alam kung anong masasabi sa nangyayari sa akin ngayon. Kailangan ko siyang lapitan.

Bes ko kailangan kita.

Agad agad akong tumayo at nagbihis. Nagmaong short na lang ako at simple t-shirt tapos nag flats. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko.

Lumabas na akong kwarto pero nung malapit na ako sa kwarto ni Gideon. Nalungkot agad ako. Hindi siya umuuwi, dalawang araw na ang nakakalipas pagkatapos niyang sabihin na he'll let me go.

Pero hindi. Hindi ko muna iisipin iyon . Kailangan malaman ko kung anong mayroon sa akin. Kung may masama ba akong nagawa para lang gawin iyon ni Gideon sa akin.

Pumara na ako ng taxi at pumunta sa apartment ni Nica.

Pagkarating ko roon ay kumatok na ako sa pinto. "Nica, bes."

Narinig ko naman ang yabag niya. "Bes anong ginagawa mo rito. Jusko, ala sais lang ng umaga." Papungas pungas pa si Nica ng kanyang mata nung binuksan niya ang pintuan.

"Eh kasi bes.." Hinila na ako ni bes sa loob.

Nakapameywang pa siya sa akin. "Spill it."

Bakit parang ang taray ng bes ko ngayon? Hehe. "Uhmm kasi..ano..uhm"

"'Yan ba ang dahilan kung bakit nambulabog ka sa akin ng ganitong oras? Yung maayos bes dalii..ano bang sasabihin mo?" Patay na naiinis na. Ang hirap naman kasing ipaliwanag.

Napalunok naman ako sa titig ng bes ko. Nakakatakot naman kasi.

"ANO?!."

Lunok.

"Uhmm kasi.." Bakit kasi hindi ko masabi?

"Ano?!" Bakit feeling ko nanlilisik na ang mata ni bes? Sabi ko na nga ba masama talaga ang mood ng bagong gising rather yung ginising mo? Nawawala sa mood. Patay!

"Ano kasi—"

"Bes ano nga?! Ayt!"

"Ano kasi..hindi ko na lam nangyayari sa akin.." at dahil doon nakwento ko na kay bes ang nangyari. Nakukurot pa nga ako sa tagiliran.

Sinasabi niya na NAPAKAMANHID ko raw. Hindi ko man lang daw na naramdaman iyon. Eh? Hindi ko naman kasi alam iyon at saka walang akong experience.

Nabatukan pa nga ako ng isang beses.

"Alam mo bes, obsess na obsess nga hata sa'yo si papa Gideon. At saka pansin na pansin ko 'yun. The way he looks at you, wala na may gusto talaga sa'yo. Ikaw lang nga hindi nakakapansin"

Napanganga naman ako sa sinabi ni Nica. Bakit alam niya iyon? Tapos ako hindi ko naman alam yun. Siguro nga manhid ako sa ganoong bagay. Hindi talaga ako magaling mag-isip kapag ganito. "Tapos nasaan si lover boy?"

"Lover boy?"

"Yung asawa mo?"

"Eh? Ewan ko—aray!" nabatukan na naman ako ni bes. Kawawa talaga ako.

"Ewan ko sa'yo bes. Tara't tunguhan natin sa office." at hinila na ako ni bes palabas ng apartment. Seriously? Ganito lang suot namin? Short tapos simple shirt. Hala siya, papasukin kaya kami.

At habang on the way kami ni Nica ay sermon siya ng sermon sa akin. Bakit daw ganun ako kamanhid at hindi ko iyon naramdaman? Bakit hindi ko nalaman na may gusto siya sa akin o sabihin na nating mahal niya ako.

Pero seriously? Ang CEO ng main ng Autohub Company ay mahal ako. Oh common parang nasa gag show lang. Pero hindi ee, totoo lahat mahal talaga ako ni Gideon. At hindi ko alam kung anong dapat maramdaman?

"Pero bes diba sinabi mo sa akin na parang tinutusok yung chest mo tapos parang masakit. Bes selos tawag diyan. S-E-L-O-S. SELOS" At nakurot naman ako sa tagiliran ni bes. Oo na, siguro nga nagselos na ako.

"Oo na, nandito na tayo." Sabi ko habang hinihimas ang tagiliran ko. Siguro may pasa na ako dun.

Bumaba na kami pero hinarang naman kami ng guard. Waa. Hindi ko nadala ang i.d. ko. Patay.

Pero parang may nakikita akong pamilyar na tao. Si Karl. Bakit ang gwapo niya sa shade niya? laglag panga. Napatakbo naman ako kay Karl.

Magsasalita n asana ako pero hinarangan ako ni Bes. Siya ang dumiretso kay Manager Karl. "Nasaan ang CEO." Dirediretso niyang sabi.

Napataas naman ng kamay si Karl. Tapos kinakalabit ko si bes. Hindi naman ako pinapansin. "Ohhh..Chill babe.."

"Babe babe ka diyan gusto mo balibag ko yang kotse mo sa'yo. Where's the CEO? Sagot agad." Hinawakan naman ni Nica ang kwelyo ni Manager Karl.

Waa. Bakit ang brutal ng bestfriend ko?

Tinignan naman ako ni bes over shoulder kahit hawak niya sa kwelyo si Manager. "Chill bess.. inaayos ko lang ang lovelife mo." Sabi niya at binalik ang paningin kay Karl.

Poor Karl, namamawis na hata.

"I'm sorry ms. Beautiful pero hindi ko pwedeng sabihin kung nasaa—OO NA SASABIHIN NA." Waaa! Bes chill susuntukin na niya kasi si Manager.

Inalis naman ni bes ang hawak niya kay Manager, more on binalibag niya si Manager. Taray ng bestfriend ko.

At binigay nga ni Manager kung nasaan si Gideon. Nasa isa siyang probinsya at may inaayos daw na branch doon. Kaya pala hindi siya umuuwi.

Hay.

Hinila naman ako agad ni bes at pinapasok ng taxi.

Tinignan ko naman si bes, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nito. Feeling ko nababaliw na to.

"Bes, isa akong cupid." Napatingin naman ako kay Nica. "..hihihi. Maayos ko rin ang love story niyo. Hihhi. Buti na lang malapit sa amin yung place. Hello hometown! Yes!" Hala siya.

"Paano yun? Wala naman akong nararam—" binatukan  na naman ako.

"Hay, naku bes. Tumigil ka nga. Diba nga kaya ka lumapit sa akin ay para magkatuluyan kayo?"

"Hindi..hindi yun.. kailangan ko lang ng advice kaya ako tumungo sa'yo—" nakurot naman ako. Mommy!

"Bes!" hinawakan naman niya ang magkabilang balikat ko.  At huminga ng malalim."You're falling, almost falling on him."

Am I falling on him?

Nahulog na nga ba ako sa kanya?

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon