Kabanata 47

116K 1.2K 62
                                    

Kabanata 47

I'll be back

Nagising na lang ako ng maramdaman kong wala na akong katabi. Napatayo naman ako at tumungo agad c.r. ng kwarto ni Gideon. Inayos ko ang sarili ko pagkatapos ay lumabas na ng banyo.

Pagkalabas ko ay bumungad ang likod ni Gideon sa akin. Kasalukuyan siyang nag-aayos sa salamin. Akala ko pa naman iniwan niya na ako ng hindi nagpapaalam. Naglakad na ako patungo sa kanya. I wrap my arms around his waist. I'm sniffing his scent. Mamimiss ko talaga si Gideon. Kahit ngayon pa lamang iisipin kong wala na siya nalulungkot na ako.

Hinawakan naman ni Gideon ang kamay ko at dahan dahang kinalas iyon sa pagkakayakap. Hinarap niya ako at yinakap ng mahigpit. "I will miss you."

"Ako rin" Inangat ko ang ulo ko sa kanya. Ayoko siyang pakawalan. Hinawakan naman ni Gideon ang pisngi ko. At hinalikan ang noo ko.

"Gusto mo ba akong ihatid?"

Nagdadalawang isip ako kung sasama ako. Pero tumango na lang ako. Kahit hanggang doon makita ko siya. Alam kong nandun din si Diane. Kailangang paalalahanan ko lang si Ms. Diane. I trust Gideon, but I don't trust Ms. Diane.

Nagmamadali akong tumungong kwarto ko. Naligo at pagkatapos ay nagbihis ng isang flowy dress na kulay asul para ternuhan ang mga mata ni Gideon. Naging favorite color ko na ang blue dahil kay Gideon. Tinernuhan ko pa ng isang puting flats ang dress ko.

Nagsuot na lang ako ng isang manipis na head band ang buhok ko at hinayaang bumagsak ito sa aking balikat. Pagkatapos ay lumabas na ako at tumungong kwarto ni Gideon.

"Yes Andy." Kausap pala niya si Andy sa telepono.

"Gideon." Napaharap naman si Gideon. Napansin kong hindi ayos iyong necktie niya kaya lumapit ako sa kanya. Binaba naman niya ang telepono niya sa side cabinet.

"Hindi ayos to o." Inayos ko na yung necktie niya. Ramdam ko naman ang pagtingin niya sa akin at ang paghalik niya sa buhok ko. Mahilig siyang halikan ang buhok ko. "Ayan. Okay na."  tumingin na ako sa mukha niya. Ngumiti na ako. "Pwede na tayong umalis."  Siguro diretso trabaho na siya kaya naka business suit na siya. O pwede ring sa plane palang ay may business na. Hala siya.

Palihim kung inamoy si Gideon. Last na amoy pa. Miss ko na siya.

Naglakad na kami pababa. Pagkatapos ay sumakay na ng kotse. Aston Martin lang naman ang sasakyan namin, iyong vanquish. Hehe. Si kuya Isko ang magmamaneho para may maghatid sa akin pauwi. Naisip ko lang na uuwi ako ng mag-isa nalulungkot na ako.

Hawak hawak lang ni Gideon ang kamay ko sa buong byahe patungong airport. Habang nakasandal ako sa balikat niya. Magsalita lang siya maiiyak na ako kasi mamiss ko na siya. Siguro nga ganito na lang ako ka emosyonal kasi mahal ko si Gideon. Mahal na mahal. And this feeling is true. Sinisigaw na nga puso ko ang nararamdaman ko sa kanya. Lalo na nung malaman kong siya pala si kuya Azel.

Nung makarating na kami sa airport ay sabay kaming pumasok ni Gideon na magkahawak ng kamay. Nakapasok nga akong airport e, yaman talaga ni Gideon. Chos!

May mga taong ngang tumitingin sa amin. May mga tao rin na parang kumukuha ng litrato samin. Hala, artista ba ako?

Tumungo muna kaming waiting area tapos nadatnan naming dun si manager. Kasama rin si manager Karl pero ang alam ko ay babalik rin pagkatapos ng isang araw. Unang destinasyon hata nila Gideon ang London. Aayusin lang yung branch sa London.

"Gidy!" napatingin naman kami sa nagsalita. Si Ms. Diane! Napalunok ako. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Gideon sa kamay ko.

Tumayo naman si manager sa pagkakatayo at tumabi sa gilid ko. Napapalibutan ako ng mga gwapo. Nuba! Joke!

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon