Kabanata 15
Anong nakakagulat?
Hindi ko alam kung anong pakiramdam ang mayroon ako ngayong araw. Nandito ako ngayon sa harap ng 15-storey building. Umpisa na ng trabaho sa kompanya nila Gideon. Kahit na nagulat ako kahapon sa anunsyong binigay ni mom ay napapangiti naman ako kapag naiisip kong magtatrabaho ako rito. Grabe! Kompanya ng mga kotse ang pagtatrabahuhan ko! At isa pa, ito ang maaring maging daan para makauwi na ako kila mommy at daddy.
Pagkapasok ko nakita ko agad ang isang babaeng nasa parang information desk. Siguro 'yun ang HR. "Excuse me po, Are you the HR?" I asked. Sabi kasi ni mom magtanong muna ako.
Napaharap naman siya sa akin na kasalukuyang may kinakausap sa telepono. Natapos na siguro ang tawag niya kaya napatingin siya sa akin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Na-conscious naman ako. Desente naman ang suot kaya confident ako rito. "Yes, I am," nakataas kilay niyang sagot.
I really need to smile on the situation. "I'm Alysson Jane Rodriguez po—"
"Follow me dear, ikaw 'yung sinabi ni Ma'am sa akin. Follow me." Agad namang napatayo 'yung babae at naglakad patungong elevator. Sumunod naman ako, buti na lang nakilala niya agad ako. Ano kayang naka-assign sa akin?
"Seventh floor ka, 'yun ng department mo." Sabi niya. Nakapasok na kami ng elevator. Tahimik lang ako at tumatango tango kapag may tanong at minsan sumasagot din kapag kailangan.
Pagkarating namin sa 7th floor, naglakad kami sa isang hall tapos may door after nun. Pumasok kami agad at sa akin ang mga abalang empleyado na nakatutok sa mga computer at ang iba ay may kausap sa telepono. Mga fifteen cubicle iyon o mas marami pa hata. Ilang department kaya ang mayroon sa kumpanyang ito?
"Wala na kasing bakanteng posisyon. But Mrs. Jimenez suggested you to this department. Ang gagawin mo lang naman ay sundin sila. Sila ng bahala sa'yo." What?! Teka, paano ako susuweldo nito? Kung ganun lang ang gagawin ko? Bahala na nga!
Pagkasabi ni Ms. Santos ng gagawin ko ay umalis na siya. Napalunok ako ng tumitig ang mga empleyado sa akin. God! Biglang lumapit iyong isang lalaking naka business suit. Medyo magulo ang buhok niya at ngising ngising humarap sa akin.
"Hi." I wave a hand to him. Nakakakaba naman 'to.
"Renz pala and you?" Nakipagkamay siya sa akin.
"Alysson—"
"Ano na naman ba 'yan Renz bumalik ka nga sa pwesto mo." Biglang lumapit sa akin isang medium sized na babae na naka business suit din like me, nakaskirt din siya. "Hi Belle pala." Inalis niya ang pagkaka-hand shake namin ni Renz at nakipagkamay sa akin.
Nagulat naman ako kaya dumoble ang kaba ko sa dibdib. "Uh...Alysson but Aly will do." I awkwardly smiled to her.
"Naku Aly right? Huwag kang masyado lalapit diyan sa Renz na 'yan! Jusko!" Umiiling niyang sabi sa akin.
"Bakit naman po?"
"Po? Masyado na ba ako matanda—"
"Oo matanda ka na kaya bumalik ka na rin Belle—Aray!" Biglang sumingit naman si Renz ba 'yun? Pero napatigil siya ng bigla siyang batukan ni Belle.
"Tumigil ka nga. Bumalik ka na. Gawin mo na ang pinag-uutos ni Sir Jimenez. Kailangan niya ang files ngayon. Ikaw din bahala ka baka magligpit ka na ng gamit mamaya." Tinignan ng masama ni Renz si Belle. Hindi naman nagpatalo ng tingin ito. Pero sa huli bumalik din si Renz sa cubicle niya.
"Aly right? Oo nga pala, huwag kang masyadong mahiya. Nandito ka sa pinakamasayang department ng kompanyang 'to! Di ba guys?" Tinignan ni Belle ang mga tao rito. Nagsigawan naman sila at lahat sila nakangitin sa akin. Ngumiti rin ako sa kanila. Isa isa silang nagpakilala sa akin habang nakaupo. Nagbibiruan din sila at dahil dito naging komportable ako.
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)
RomanceAlysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong ito umiikot ang mundo niya kaya maayos at naging kontento na siya sa kanyang buhay. Pero lahat ay nab...