Kabanata 19

129K 1K 23
                                    

Kabanata 19

Karl

Nagkaliwanagan na kami ni Gideon na pwede na akong pumasok sa kumpanya. Hindi naman sa galit sa kanya. Naiinis lang ako dahil hindi niya makuha na kailangan kong magtrabaho. Pero nabagabag ako sa mga huling salitang sinabi niya kagabi.  Any time kapag naayos na ni mom ang lahat kukunin na niya ako kay Gideon. Siguro nasabi lang ni Gideon 'yun kasi akala niya hindi na ako kukunin pa nila mommy. Siya naman kasi ang may kasalanan! Bakit ako?! Napakaimposible namang magpakasal ka na lang agad kahit hindi mo pa nakikita ang isang tao?! Bakit ako! Sumasakit ang ulo ko kakaisip ng mga posibilidad tungkol dito. God!

Pagkapasok ko agad akong sinalubong nila Jasmine. "Beh? Anyare sa'yo? Ang aga umuwi nung Saturday hindi ka tuloy nakasama sa'min." ani Jasmine.

"Bakit ka pinatawag ni Sir?" tanong naman ni Belle.

"Aly pasensya ka na nung sabado," sabi naman ni Renz

Medyo namiss hata ako ng mga kasama ko. "Isa isa lang naman. Ganito kasi 'yun pinatawag ako kasi may emergency lang sa amin. Sinabi lang nung HR. Since napagawi na si Sir sa department natin kaya sinabi niya iyon. Okay?" Kailan pa ako natutong magsinungaling?

Tumango naman silang lahat.

"Antaray si sir pa talaga naghatid sa'yo!" Ngumisi pa itong si Jas.

"Weird nga e. Hindi naman bumibisita si sir sa mga department tapos 'yung nangyari nung sabado? Wow lang! Nalaman niya tuloy ang baho ni hipon." Talaga? Totoo ba 'yung sinabi ni Belle.

Nag-apir naman sila Jasmine at Belle. "Ay! Teh oo nga! Mabaho na ugali mabaho rin 'yung anek!" natatawang sabi ni Jasmine.

"Tama ka diyan bakla." Sumang-ayon naman 'tong si Belle.

"Tama na! Trabaho na tayo!" Sumingit na ako para hindi na mapunta sa kung saan ang usapan nila at magkagulo pa.

Uupo na sana kami pero biglang nagsalita si Ms. Charlotte. "Hay! Bakit kaya ang daming makakati ang bunganga sa department na 'to? Bakit nga ba ako napunta rito? Gosh!" Napatingin naman kami. Naghair flip siya at maiging tinignan ang mga daliri niya.

"Ay bakit!?  At bakit talaga may hipon na napakaarte. Kala naman niya maganda siya. Pwe! Retokada ang balakang, ang ilong, ang bibig. Makapouty lips, puta lips naman parang pinakagat sa bubuyog. Mahiya naman sa bubuyog pinakagat pa niya. Teh? Kawawa bubuyog may whore syndrome na." Iba naamoy ko rito. Wala naman sanang gulo.

"Hay." Nag-flip hair si Ms. Charlotte at inayos ang pagkakaupo. She rolls her eyes. "Hindi ako pumapatol sa bakla. Gosh! Basura na nga kinakausap ko pa. At saka uso ang sipsip sa CEO no!" Pero nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa akin. "at saka Bulag ba tao rito? Hindi alam kung ano meaning ng maganda? D-U-H! Duh! Beautiful means Charlotte Aquino. Gosh! Nais-stress ako." Umirap ulit siya. Teka...wala naman akong ginagawa a?

Tumayo naman si Jasmine na namumula na ang pisngi sa galit? Ito na nga ba ang sinasabi ko e!

"Tama na guys," mahina kong sabi pero alam ko naman narinig nila iyon.

"Sipsip!" Nagmamadaling pumunta si Charlotte sa akin. Bigla akong napahawak sa ulo ng sabunutan niya ang buhok ko. "Muntik na akong mawalan ng trabaho dahil sa'yo! You freak! Ano?! Magsusumbong ka sa HR tapos paparating sa CEO! Ganun ba!? Sipsip ka talaga!" Yung matutulis na kuko ni Charlotte ang nararamdaman ko sa ulo ko. Hindi ko nga alam kung may buhok pa ba ako?! Hindi ako lumaban sa sabunot niya pero napanganga ako ng biglang may tumulak kay Charlotte at over react naman siya sa paghiga sa floor.

"What the hell?! Anong nangyayari rito?"Napatalon kami ng biglang dumating si Andy 'yung secretary ni Gideon. Nagmamadali namang tumayo si Ms. Charlotte para lumapit kay Andy. May paiyak iyak pa siyang nalalaman!

 "Sir Andy! 'Yung newbie dito. Gosh! Ang talas ng bibig. Sinabunutan—"

"Anong sabunot Charlotte? Grabe—" singit ni Jasmine at nilapitan ako.

"Huwag ka ngang sumabat dito wala—" Tumingin ng masama si Charlotte kay Jas.

"Tanga o bobo Charlotte—"

"Enough!" Napaintag kami ng biglang sumigaw si Andy. "Please wala na akong  pakielam kung sino ang may kasalanan. It's not my business. Ayusin niyo ang sarili niyo. Magkaka-meeting lahat ng manager in every department. Where's Karl?!" Gumala naman ang mata ni Andy.

Sinong Karl?

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon