Kabanata 16

128K 1K 9
                                    

Kabanata 16

Creased

His brow creased. "You don't need to work here. Alysson" Palakad lakad lang siya sa harap ko at paulit ulit niyang sinasabi na hindi ko naman daw kailangan magtrabaho dahil kailangan kong i-enjoy ang summer. Tapos daw magpahinga na lang ako. Basta marami siyang dahilan na sinasabi. Pero ako pilit pa rin nagbibigay ng rason para makapagtrabaho. Kailangan kong magtrabaho para sa suweldo para mabayaran ang utang namin sa kanila.

"Pero kasi kailangan e." Nakayuko kong sabi.

"No need Alysson Jane. No need. Tara na iuuwi na kita." His lips drew into hard lines. Hinawakan niya ang braso ko at inaya ako palabas ng office niya.

But I unclasp his grip. "Kasi..." I stuttered. Ano bang sasabihin ko? Sabihin ko na lang kaya kung bakit gusto kong magtrabaho para wala na siyang rason para paalisin ako sa kumpanya niya?

Napakagat naman ako ng labi ng bigla niyang itaas ang ulo ko para makita siya.  "Uh..." I can't even utter a word. Grabe, iyong titig niya nagpapahina sa'yo para hindi ka makapagsalita. God! I pushed his hand on my chin. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya ng diretso. "Kasi gusto ko nang mabayaran ang utang namin sa inyo!" Bigla kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Something on me aches. Napapikit ako na mariin.

"Okay. I check this. You can now go." Narinig kong nagbuntong hininga siya bago ako umalis ng office niya.

Pagkarating ko sa department namin, halos lahat ng empleyado ay lumapit sa akin. "Anyare teh?" Bigla akong hinarap ni Jasmine sa kanya.

"Sorry talaga Aly..." Nagpapaumanhin naman si Renz na nangingilid na ang luha sa mata. Hala? Bakit?

"Aly it's okay makakakuha ka pa naman ng ibang job." Napanganga naman ako sa sinabi ni Belle. Are they expecting na wala na akong trabaho?

Napatawa ako ng wagas sa inisip nila.

"Okay lang 'yan" Hinahagod pa rin ni Jasmine ang likod ko at pinupunasan na niya ang gilid ng mata niya dahil sa kunyaring luha. Napapatawa talaga ako.

Hinarap naman ako ni Renz sa kanya at yinakap. "Sorry talaga Aly sorry—Aray! Ano ba!" He winced when Belle hit his nape.

Hiniwalay ako ni Belle kay Renz. "Yayakap yakap ka pa umalis ka nga letse kang Renz kay Aly! Okay lang 'yan talaga!" Aniya ni Belle at yinakap ako.

Napatawa talaga ako ng malakas sa mga hinuha nila tungkol sa akin. Kumalas ako sa yakap ni Belle at humarap sa kanila. Naluluha na talaga ako sa mga reaksyon. "Wag ngang OA guys okay naman ako! Dito pa rin ako nagtatrabaho no!" Sasakit hata ang tyan ko kakatawa dahil sa kanila!

Nung tinignan ko sila gulat na gulat sila.  'Yung iba nga nakanganga. "Inabot ko lang naman ang files a. Bakit gulat na gulat kayo?"

"Hindi ka ba niya sinigawan?"

"Hindi ka ba niya pinatalsik?"

"Ano bang nangyari?"

Sunud sunod nilang tanong. Ano ba naman 'yan? Napapatawa na naman ako. "Okay na guys. Sige na! Back to work na dapat. Kilos na dali." Nagsiaalisan na 'yung iba at tumungo na sa cubicle nila.

"Weird, " sabi ni Jasmine at siya na lang natitira sa cubicle ko.

"Bakit naman?"

"Kasi dapat umiiyak ka na ngayon tapos nagliligpit ng gamit mo. Weird." Aniya at umalis na sa pwesto ko.

Hindi ko alam kung bakit gulat na gulat sila sa nangyari. Wala namang masamang nangyari. Hindi naman ako nawalan ng trabaho. Grabe naman kung mawawalan ako ng trabaho e first day ko pa lang dito sa kumpanya niya.

Lumipas ang oras at natapos na ang trabaho. Kapag talaga nae-enjoy mo ang isang gawain hindi mo na napapansin ang oras at parang gusto mo pa. Grabe, nakaraos ako ng isang araw dito!

Maya maya lang tumunog ang phone ko, may message from Gideon.

From Gideon:

I'll wait for you.

Ha? Naku huwag na! Baka kasi may makakakita. Di ba nga ayaw niyang may alam ng tungkol sa amin?

Nagreply ako.

To Gideon:

Naku huwag na. Kaya ko na. Sige bye. =)

Hindi na siya nagreply, ibig sabihin nun okay na. Kinuha ko na ang bag ko at binitbit ito.

 "Aly tara na," aya sa akin ni Jasmine. Sumunod naman ako sa kanya. Uwian na rin nung ibang empleyado rito. Pagkababa namin nakita namin agad sila Renz, Mark at Terrence.

Pagkarating namin sa lugar nila umakbay sa akin si Renz. "Sama kayo?" tanong niya pero nakatuon ang mata niya sa akin.

"Uwi na ako" aniya ni Belle

"Sure sige sama ko," sabi naman ni Jasmine. Parang kinikilig pa nga siya dahil ang tatlong lalaking ang kasama niya.

"Huwag na kaya tayong tumuloy?" nakangising sabi ni Mark. "Kasama si Julio e wag na kaya?"

Binatukan naman ni Jasmine si Mark. "Jasmine ang pangalan ko! Tumigil ka nga Mark!" Nanggagalaiti naman itong si Jas kay Mark. Grabe talaga sila, mga bully!

Pero napatigil si Jas ng bigla siyang tumingin sa isang direksyon. Napatingin kami roon. May mga lalaking naka suit na itim tapos pinaliligiran nila si Gideon. Mga pito siguro iyon. 'Yung mga bodyguard niya, nadagdagan lang ng dalawa.

"Ang yummy." aniya ni Jasmine at nakatitig pa rin sa dumarating. Kakababa lang kasi nila ng private elevator.

Napahinto sila ng paglalakad at tumapat sa amin.

"Good Evening sir Gideon!" sabay sabay nilang sabi.

Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin o kay Renz. Pero nung nahuli ko  rin kung saan siya nakatingin, sa akbay ni Renz sa akin. Hanggang ngayon kasi nakaakbay pa rin siya sa akin. Nakita ko panandali ang kunot ng kilay niya roon. E?

"Excuse us," sabi nung bodyguard ni Gideon. Nakaharang kasi kami sa labasan. Agad naman kaming umalis doon at gumilid. Pero bago makaalis si Gideon tinignan niya ako at parang may nais siyang sabihin pero hindi ko naman maintindihan. E? Ano ba?

"OMG! Tumingin siya sa akin!" nagtitiling sabi ni Jas at tumatalon talon pa siya.

Napailing na lang sila Belle, Mark, Renz, at Terrence. Nangiti na lang ako.

"Hayaan na natin si Jas. By the way, Aly sasama ka ba?" tanong ni Terrence.

"Hindi na."

"Okay lang." tanong ni Mark. "Sige una na kami. Mag-iingat ka." I wave a hand at them. Sila Mark, Terrence, Renz, at Jasmine magka-club pa. Si Belle uuwi na.

Ako naman naghihintay ng taxi. Napatingin ako sa daan. Walang dumadaang taxi o ano pa man. Pero may humintong Chevrolet sa harapan ko. Alam ko si Gideon 'to. Bumaba ang bintana ng kotseng iyon at nakita ko nga si Gideon sa back seat. Lumabas ang driver ng kotseng iyon at pinagbuksan ako ng pinto.

Ano pa bang magagawa ko? Bago ako sumakay ay tinignan ko muna ang paligid kung may tao ba? Wala naman kaya maayos akong nakapasok sa kotse. Hindi na namin pinagtalunan ni Gideon 'yung tungkol sa trabaho na ginagawa ko sa kompanya niya. Hindi na lang siya nagsasalita tungkol dito syempre pabor sa akin 'yun.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon