Kabanata 11

138K 1.2K 10
                                    

Kabanata 11

Tense

Mga tanghali na noong nakauwi kami sa 'bahay' namin ni Gideon. Agad akong nagdiretso sa kwarto para makapahinga naman at makatulog. Atleast ngayon maaayos na akong makakatulog. Nagpalit na ako ng damit pangbahay, nagshort at saka isang simpleng t-shirt. Pagkabihis ko, humiga na ako at nakatulog kaagad.

Nagising ako sa isang katok sa pintuan. "Ma'am Aly kakain na po. Pinapatawag na po kayo ni Ser!" aniya. Tumayo ako at nag-unat, napasarap hata ang tulog ko.

"Sige po bababa na ako." sabi ko at pinusod ko ang buhok ko. Bumaba na rin ako at tumungong kusina. Nakita ko si manang Maria na abala sa paglalagay ng pagkain sa mesa. Si Gideon naman parang nakakunot ang noo dahil sa binabasa niya.

"Ma'am! Tara na po at maupo kayo." sabi ni Manang Maria. Hindi ako sanay na sinasabing Ma'am, mas gusto ko tinatawag akong Aly lang.

Umupo na ako. "Uh Manang Maria Aly na lang po itawag niyo sa akin."  Nakangiti kong sabi. "Kain po tayo." Pagkasabi ko 'nun ay kinuha ko na ang bowl ng kanin. Kumuha ako at nilagyan ko ang plato ko. Kumuha rin ako ng adobo. Mapaparami hata ang kain ko.

Tila ngayon lang hata ako napansin ni Gideon. Napansin ko iyon ng binaba niya nag newspaper na hawak niya at tumingin sa akin. Napataas naman ako ng kilay. Umiling lang siya at nagsimula nang kumain. Nagsimula na rin ako. Ang sarap ng adobo, grabe. Kain lang ako ng kain parang ngayon lang ulit ako nakakain ng ganito. "Manang ang sarap niyo naman pong magluto favorite ko na 'to." Alam kong maling magsalita habang may lamang ang bibig pero kasi ang sarap niya talaga, ang sarap mag comment kay manang.

Ngumiti naman sa akin si Manang. "Aly anak mabuti naman at nagustuhan mo."

"Ang sarap kaya di ba? Gideon?" Bigla kong tinuon ang atensyon ko kay Gideon. Parang nagulat hata siya at biglang namula ang pisngi niya. Ang cute niyang magblush kasi halata agad.  God!

"O-oo." Umiwas agad siya ng tingin pagkasabi niya.

Pagkatapos ng lamunang ginawa ko, pumunta akong sala para makapagpahinga. Grabe ang kinain ko dinaig ko pa ang hindi kumain ng ilang araw. Ang sarap naman kasi ng luto ni Manang.

Napapikit ako at inisip kung anong gagawin ko ngayong gabi. Nang maisip kong Sunday ngayon tapos bukas Monday, napatayo ako bigla. Bukas na 'yung defense. Patay!  Dali dali akong umakyat ng kwarto ko para basahing mabuti ang thesis. Alam ko naman siya pero kailangan sure ako sa lahat ng information. Grabe bakit ba nakalimutan ko 'to?

Sinet ko ang laptop para mabasa 'yung docu. Nang maayos na ang laptop binuksan ko iyong folder kung na saan ang thesis namin. Tinignan ko iyon pero hindi naman ito 'yung bago. Biglang pumasok sa isipan ko na nasa flash drive ni Gideon 'yung file. Lumabas agad ako ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Gideon. Hihiramin ko lang sandali ang flash drive niya. Agad akong lumabas ng kwarto. Kakatok na sana ako pero nakabukas na ang pinto ng kwarto niya. "Gideon." Walang sumasagot kaya pumasok na ako. Malaki 'yung kwarto niya kulay white and black tapos napaka-organize. Tumingin tingin pa ako tapos nakita ko 'yung picture nung 'kasal' namin. Isang linggo na rin ang nakakalipas, gusto ko nang umuwi sa amin. Gusto ko na sa amin, sana mapabilis na sila Mommy at Daddy sa pagbawi sa akin.

Pero nawala ako sa pagmuni-muni nang mayroon akong narinig na pamilyar na boses. May kwarto pa sa loob ng kwarto niya siguro ito 'yung office niya. Lumapit ako ng kaunti para marinig iyon.

"For Pete's sake Andy ayokong mainvolve si Aly sa nangyayari. Can the media take their eyes off her? Paki alis lahat, Pati sa mga site. I can see na pinagpepyestahan na siya doon. Yes, Andy. I know...kahit buhok niya lang iyon. Ayoko. Ayokong malaman ng tao na kasal na ako. Yes, ayoko!" Napatigil naman ako sa narinig ko, ayaw niyang malaman na kasal na siya. So? Parehas lang namin na ayaw ito. Ee bakit pa niya pinagpatuloy?

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon