Kabanata 31
Miss you
Noong una naiinis ako kasi lagi niyang pinapatugtog ang record ng kanta ko—I mean ginawa niya message alert tone at incoming call alert tone ang record ng kanta ko pero ngayon naging okay na natutuwa na lang talaga ako.
Noong mga hapon iyon nasa garden kami. Ako? namimistas ng bulaklak habang siya hindi na magkaugaga sa pagsagot ng mga tawag at messages sa phone niya.
"This is disgusting hindi ko man lang napapakinggan ang boses mo dahil sunod sunod ang tawag nila at messages." Narinig kong sabi niya. Natawa na lang ako habang pumipitas ng bulaklak.
Humarap ako sa kanya. "Kasi ayan.. karma 'yan." Tumawa na talaga ako. "Pwede ko naman kasi gawin ng live—" napatakip ako ng bibig. Eh? Bakit ba nadudulas na lang ako?
Nakita ko na naman ang pagpipigil niya ng ngiti na nagreresulta sa pagnguso niya. Lumapit naman siya sa akin at parang batang bumilog ang mata. "Talaga?..." giliw na giliw na sabi niya.
"Hehehe joke lang." sabi ko at naglakad na papasok sa loob.
Sinundan pala niya ako. Kasalukuyan kong nilalagay ang bulaklak na pinitas ko sa isang vase.
"Sinabi mong pwede mong gawing live ang pagkanta uhmm sana naman gawin mo."
Hala siya. Tinignan ko nga. Nakasimangot si Gideon. Nginitian ko nga.
"Hey.. Is that smile means you're going to sing live infront of me?" sabi ni Gideon
Nginitian ko ulit. At naglakad patungong living room. Umupo ako sa sofa at binuksan ang t.v. Ang gwapo kahit nakasimangot. Naramdaman ko namang umupo siya sa tabi ko. Pagbigyan na nga makakanta na.
We're like a melody with no words
Humarap ako sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. Nginitian ko nga.
Until we figure it out
We sing la, la, la, la, la, la
Nginitian naman niya ako. He mouthed 'Thank you'. Eh? Umiwas ako ng tingin, nadidistract ako. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkanta.
I know it's simple, yeah
But it's worked right up until now
'Cause up till now, yeah
Nakita ko namang tumayo siya at hawak ang phone niya. Siguro nagvi-video na to? Since video na to kailangan super feel ko na ang kanta malay mo i-upload sa youtube.
Every day's been like a dream world, oh
But now you're not just in my head, oh no
When we remember different summers
It's like tossing your heart to see where it lands
Heads is easy tails is harder to plan
If we're starting all over again
and again and again, oh
Tumigil na ako natatawa na ako sa pinaggagawa ko.
Lumapit naman si Gideon sa akin. At...yinakap ako. Eh? "I hope your smile only belongs to me right now. I hope you sang because you want it at sa akin lang iyon, baby..." Nagulat man ako sa ginawa at sinabi niya at ngumiti pa rin ako sa kanya. Nilayo niya ako sa kanya at nilapat niya ang labi niya sa noo ko. "Thank you. I don't know what to do kapag nawala ka sa akin"
Sobrang abala ko ngayon sa office. Ang dami nilang pinagagawa sa akin at pinapapasa. Minsan may pinaabot silang papers sa ibang department. Buong kompanya niya ay kumikilos ng bongga bongga. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ganito na lamang pero gusto ko rin naman.
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)
RomansaAlysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong ito umiikot ang mundo niya kaya maayos at naging kontento na siya sa kanyang buhay. Pero lahat ay nab...