Kabanata 6
Tickets and Car
Nagmadali akong umakyat sa kwarto at naligo. Nag-aya na kasi si Gideon na umalis. Papasok siyang trabaho tapos ako may pasok din ako. Naisip ko rin na magiging mahabang araw ito sa university kasi ngayon namin ipa-finalized ang thesis namin. Malapit na rin kasi itong i-defense. Pagkaligo ko, hinalungkat ko ang gamit ko. Nakita ko ang isang flowy dress na kulay asul na simple lamang at hanggang tuhod ko. Nagbihis ako agad at sinuot ang isang puting doll shoes.
Bumaba na ako para tumungong garahe. Hindi naman ako naligaw sa bahay kasi tinuro naman ni Gideon kung saan ang garahe. Napanganga na naman ako kasi may mga pitong kotse sa garahe. May Audi, Ford, Honda, Volvo, BMW, Limousine, at...napatalon ang puso ko ng biglang bumusina ang isang...seriously, are you kidding me? Bakit may Aston Martin?
"Let's go, mala-late ka niyan." Natauhan lang ako ng biglang nagsalita si Gideon at nasa harapan ko na ang pangarap kong kotse. "Aston Martin Vantage 2dr coupe 4.3 V8," sabi niya at bumaba ng kotse. Ngayon ko lang napansin na nakabukas nang bahagya ang bibig ko.
"Uh...thank you." Pumasok na ako ng kotse. Totoo ba 'to? Nasa loob na ako ng Aston Martin? Gideon, you're such a rich guy. Pumasok na rin siya ng kotse at inistart ang engine. Hindi ko pa rin ma-compose ang sarili ko sa nangyayari. He really has Aston Martin. Ito talaga iyong pangarap kong kotse. Hindi kasi ako pinayagan nila Mommy at Daddy na magkaroon ng kotse at ako ang magmaneho nito. Only child kasi kaya sobrang protective nila sa akin.
Tahimik lang din si Gideon habang nagmamaneho. Nakikita ko minsan ngumingisi siya tapos sumeseryoso. Pumasok naman sa isip ko kung saan siya natulog kagabi. "Uh... Mr—I mean Gideon? Saan ka natulog kagabi? Bakit uh..." Ang hirap naman sabihin iyon.
"Bakit hindi ako tumabi sa'yo?" Pagpapatuloy niya. Namula naman ang pisngi ko. Umayos ka Aly kung anu-ano kasi iniisip mo. Tumango na lang ako.
Huminto ang kotse dahil naka red stop light. Tumingin siya sa akin. Umiwas ako ng tingin. "I told you. Nirerespeto kita at para magkaroon ka ng privacy." Maigi niya akong tinitigan noong mga oras na iyon. Ramdam ko iyong titig niya na parang inaadik ang pagkatao ko. Damn.
Pinatakbo na niya ang kotse. Doon ako nagkaroon ng oportunidad para matignan siya ng pasikreto. I swallow first. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang lalaki. Siguro dahil may ibang lahi ang mama niya. Kasi ang dad niya para namang Pilipino talaga walang ibang lahi. Pero napaiwas ako ng bigla siyang ngumisi. Aly, stop! Baka isipin nito may gusto na agad ako sa kanya?! Aba! Hindi...imposible! Hindi siya mapagkakatiwalaan at wala siyang puso! Mali!
Mga kalahating oras siguro ang lumipas bago kami nakarating ng university. Agad kong binuksan ang pinto para hindi na siyang mag-abalang bumaba pa. "Susunduin kita." aniya.
"Uhh... 'Wag na, marami akong gagawin...maraming ga-gawin" sabi ko ng nauutal dahil nakatitig siya sa akin. Marami ba talagang gagawin o iniiwasan lang siya? Iniiwasan siya. Ayoko sa kanya. Masama siya. "Bye," ani ko at sinara ang pinto ng kotse. Hindi ko na siya tinignan at dire-diretso lang pumasok sa building. Pero rinig na rinig ko iyong harurot ng Aston Martin. Marami ring nakatinging estudyante sa kotseng iyon. God, pare-parehas lang kaming napanganga sa Aston Martin.
Pero papasok na sana ako sa room nang may humila sa braso ko. "Seriously bes? Kahapon Limousine, ngayon Aston Martin. Baka bukas BMW na." Si Nica, titig na titig sa akin at bahagyang nakabukas ang bibig.
"Nakita mo na?" Tanong ko.
"Ay malamang bes, tatanong ko ba kung hindi ko nakita?" She rolls her eyes. Napakamot naman ako ng batok. "OMG! Diamond ri—" Tinakpan ko agad iyong bibig niya. Grabe talaga si Nica! Nanginig ang pagkatao ko. Oo, hindi ko dapat isekreto kay Nica ito pero ayokong sabihin sa kanya. But she already saw the evidence on my finger. A freaking sign of stupidity. Pero hindi ngayon dahil may klase ako.
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)
RomantikAlysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong ito umiikot ang mundo niya kaya maayos at naging kontento na siya sa kanyang buhay. Pero lahat ay nab...