Kabanata 7

142K 1.4K 54
                                    

Kabanata 7

Safe?

Tahimik akong sumakay sa kotse ni Gideon. Tahimik din siya at hindi nagsasalita habang nagmamaneho pauwi. Hindi ko alam pero parang may problema. Tinignan ko ang mukha niya, gwapo pa rin pero napakaseryoso niya. Kailangan i-break ko na ang silence na mayroon ngayon.

"Uh...bakit mo nga pala ako sinundo? Sabi ko naman sa'yo ano—" napahinto ako kasi bigla siyang tumitig sa akin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

"Because I want to." he said. Tinuon niya ulit ang atensyon niya sa kalsada. Okay, halata namang ayaw niya akong kausapin. Humarap na lang ako sa may bintana. Tinignan ko na lang ang paligid. Ang liwanag ng Quezon City kapag gabi dahil sa mga mall at sa matataas na building nito.

Mga kalahating oras lang ang biyahe at nakauwi na kami. Pinagbuksan kami ng gate ni kuyang nagbabantay ng bahay. Pinark na niya ang Aston Martin kasama pa ng iba niyang luxury cars. "Ako na," sabi niya at bumaba ng kotse. Pinagbuksan niya ako ng kotse na hindi man lang tumitingin sa akin. Ano bang problema?

Nauna siyang naglakad papasok ng bahay. Sumunod na lang ako. Pagkapasok ko, agad akong umupo sa kulay light green na sofa ng bahay na iyon. Nakakapagod talaga ang araw na ito.

Nakita kong tinanggal ni Gideon ang coat niya at isinabit ito. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Napapalunok ako at tila may bumabara sa lalamunan ko nang makita iyon kasi nakikita kong maganda talaga ang pangangatawan niya. Ano kayang mayroon sa loob? Abs...mayroon kaya siya? Lumunok at napailing ako sa naisip ko. Anong bang nangyayari?

"Aly."

"Ay abs!" Nagulat ako sa sinabi niya. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Umayos ka Alysson! "I mean Bakit?"

"Kumain ka na. Nakakain na rin naman ako. Matutulog na ako." Hindi niya talaga ako pinapansin o ganon lang talaga siya?

Tumungo na akong kusina. Kahit papaano nakakabisado ko na ang bahay na ito. Ang laki niya para sa aming dalawa ni Gideon. Nasabi rin pala niya sa akin na may katulong na dadating dito. Umupo na ako sa upuan at inumpisahang kumain. Sumagi sa isipan ko kung bakit ganon siya? Hindi siya ngumiti sa akin ngayon. Bakit kaya? Baka pagod lang sa trabaho. Baka?

Pagkakain, ko niligpit ko ang platong ginamit ko, and at the same time hinugasan ko rin iyon. Iniwan kong malinis ang kusina. Magkatabi lamang ang kwarto namin ni Gideon. Sinilip ko kung nakabukas pa ang ilaw niya pero hindi na, siguro tulog na siya.

Pumasok na ako ng kwarto at nagdiretso sa banyo para makapagpalit ng pantulog. Hindi pa ako matutulog kasi aayusin ko pa ang papers namin, and at the same time mag-aaral ako kasi malapit na ang exam namin, sa Thursday at sa Friday na iyon. Pagkabihis ko ay agad akong umupo. Kinuha ko ang laptop sa bag. Mabuti na lamang ay nasa email ko ang soft copy ng thesis namin. Tinignan ko ang chapter 1, binasa itong mabuti at inintindi. Kailangang makita sa Chapter 1 ang foundation ng thesis namin. Kailangan matatag ito para hindi magkaloko-loko.

Tinignan ko ang watch ko, 1:00 am na pala. Hindi ko talaga namamalayan ang oras kapag sobrang focus ako sa isang bagay. Pero nagulat ako nang biglang nagring ang phone ko. Unknown number. Hindi nakaregister ang number niya sa contacts ko. Sino namang tao ang tatawag sa akin ng ala-una? "Aly, bakit gising ka pa?" Biglang bumilis ang pintig ng puso ko nang marinig ko kung sino ito? Sino? Bakit may number ako sa kanya?

"Uhh...ano kasi may tinatapos lang ako." Bakit ang sexy ng boses niya sa phone? Shut up Aly!

"Mind if I help you?" Ano Aly? Payag ka?

"Uhh....Sure." What the heck?

Binaba ko na agad ang phone. Anong problema ko? Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako na ewan. Inayos ko pa talaga ang kama at tinignan ang sarili ko sa salamin kung maayos ba ako. Ano bang nangyayari sa akin?

Maya-maya lamang ay narinig ko na ang katok niya sa pinto. "Pasok ka." Sabi ko iyon nang hindi nakaabang ang atensyon sa pinto. Narinig ko namang pinihit niya ang doorknob. Hindi ko alam pero parang gusto ng mata kong makita ko siya. Nang humarap ako para tignan siya, napabukas ng bahagya ang bibig ko sa nakita ko. Gideon is wearing a black fitted shirt and gray jogging pants. Makikita mo ang biceps niya, napalunok ako. Makikita mo rin 'yung ano niya... 'yung abs kung tawagin kasi sobrang fit iyong damit niya, napalunok na naman ako. Tapos 'yung jogging pants niya, he looks so damn hot and sexy. I swear. Tapos kapag umakyat naman ang tingin mo sa mukha niya, damn! Agad kong iniwas ang tingin sa kanya. Bakit ganito na lamang ang epekto niya sa akin?

"Uhh. Ano siguro uh nakagawa ka na thesis...paki-check naman kung maayos na siya." Ayokong tumingin kasi nadidistract ako. Narinig kong sinarado niya ang pinto at napalundag naman ang puso ko. Lumapit siya sa lugar ko at yumuko siya para tignan ang thesis sa laptop. Ang bango niya.

"Uhh...upo ka dito tabi tayo." Aly anong sinabi mo?

Umupo naman siya, umusad ako ng kaunti. Pakiramdam ko bumabagal ang tibok ng puso ko. Tinignan niyang maigi ang thesis at binasa iyon. Habang ako, nakatitig lang sa kanya. How come na mayroon palang perfect ng features ng mukha? Katulad na lamang ni Gideon. Iyon ilong niya ang tangos, iyong hugis ng mukha niya ang perpekto, iyong labi niya parang ang lambot, iyong pilikmata niya sobrang haba, at iyong mata niya sobrang ganda talaga. Bakit ang perfect ng mukha niya kasama pa iyong katawan niya?

"Aly alam ko na ang kulang?" Sabi niya at tumingin sa akin. Bumilis naman ang kurap ko at iniwas ang tingin sa kanya. Muntik na ako.

"Uh sige feel free na baguhin...mo." Nauutal kong sabi na nakafocus ang atensyon ko sa laptop. Nakikita ko naman sa gilid ng mata ko nakatingin siya sa akin.

"Sleep. I can handle this."

"Hindi. Sasamahan kita, at tsaka para malaman ko iyong dinagdag mo."

"Sige."

Tahimik lamang ako habang binabago niya ng kaunti ang thesis namin. Ang galing naman, kapag binabasa ko ang pinapalitan niya mas accurate iyong nilalagay niya. Hindi naman niya alam iyong topic pero ang galing niya talaga at alam niya kung ano ang dapat ilagay.

Napapahikab na rin ako kasi mga 2:30 am na. Ilang oras na lang ang tulog niya, nakakahiya naman.

"Uh. Gideon, sige okay na 'yan matulog ka na nakakahiya na kasi ee." Napahawak ako sa kamay niya. Napatigil naman siya at tinuon ang atensyon sa akin at sa kamay kong nakahawak sa kanya. Inalis ko naman agad iyon.

"Don't be. I can do anything just for you, Aly. Kaunti na lang 'to."

"Okay." Hindi na rin ako makakatanggi sayang din naman.

"Anything just for you, Aly." Sabi niya ulit. Ngumiti na siya. Oh my God. Kanina lang ang seryoso nang mukha niya, ngayon ngumitingiti na siya. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa balikat niya. Tinignan ko siya saglit. Mapagkakatiwalaan na ba talaga kita, Gideon? Napapikit ako at maya-maya lang ay hinayaan ko ng makatulog ako sa balikat niya. I feel safe in his arm. 

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon