Kabanata 40
Pity
Tinulak ko si Nick. "Anong ginawa mo?"
Nakakainis. Bakit ganito? Ginala ko ang mata ko sa paligid. Wala na si Gideon.
Naramdaman ko naman ang paghawak ni Nick sa braso ko. "I'm sorry, Akala ko—"
"STOP!" I jerked his hand.
Tumakbo ako palabas ng club. Nasan na ba siya? Habang tumatakbo ay kinuha ko naman ang phone ko sa bulsa.
Tatawagan ko si Gideon. Pero parang nakapatay ang phone niya. Shit! Nakakainis kung hindi sana ginawa ni Nick maayos ang lahat. Argh!
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nasaan na ba siya? Hindi naman ako pwede magtanong. Eh? Nasaan ka na ba Gideon?
Pumunta ako sa shore, nagbabakasakaling nandun siya pero wala ee. Gabing gabi na kaya. Saan naman yun tutungo?
Tinawagan ko na si Manager, hindi naman daw niya alam kung nasaan ito. Wala naman akong number ni Andy.
Na saan ka na ba Gideon?
Naglakad na lang ako pabalik sa bahay nila Nick. Nakalimutan ko pa tuloy magpaalam kay Nica. Haist.
Mayamaya lang ay nakarating na ako sa bayan nila Nica. Nakakainis. Saan ba kasi siya nagtungo? Isang oras na rin ang nakakalipas, hindi ko pa rin siya macontact at saka mahanap.
Napaupo tuloy ako sa buhangin. "NA SAAAAAN KA NAAA BA?" Napasigaw tuloy ako. Para na akong baliw dito. Buti na lang kaunti lamang ang tao rito.
Naalala ko pa rin yung gulat ni Gideon nung nakita niyang hinalikan ako ni Nick. Nakakainis talaga. Kung sana maaga kong sinabi, maaaring hindi na humantong sa ganito.
Napasapo ko na lang ang kamay ko sa mukha ko. May luha na rin palang tumulo.
Pero para namang may bumbilyang tumubo sa ulunan ko. Napatayo ako sa pagkakaupo. Alam ko na kung nasaan si Gideon.
Napatakbo ako. Maaring nandun lang si Gideon sa lugar na pinakita niya sa akin kanina. Oh my God, para ngang nanginginig ako sa pagtakbo ko.
Sana nandun siya.
Sana.
Hindi nga ako nagkamali nandun lang siya. Nakaupo siya sa buhangin. At nakatitig sa buwan. Gideon.
Tumakbo na ako papunta sa kanya. Niyakap siya mula sa likod. "Sorry. Sorry." Napaiyak na ako. Kung alam ko lang mangyayari yun. Hindi ito mangyayari.
Kinalas naman niya ang yakap ko. Napaayos ako ng tayo.
Tumayo rin si Gideon sa pagkakaupo niya. "Okay lang. I'm happy for you." sabi niya at ngumiti ng mapait.
Anong sinasabi niya?
"Gideon. I like you." sabi ko. Tumingkayad ako at hinalikan siya. Alam kong magugulat siya sa ginawa ko but I want to kiss him. Baka kasi dito maalis sa isip niya yung nangyari kanina.
He kissed me back. Pero..hindi rin nagtuloy. Kinalas niya ang pagkakayakap ko. "No..Aly.. Naawa ka lang sa akin kaya mo sinabi 'yan. I'm pathetic." napabuntong hininga siya. No Gideon, I like you. "He loves you. And you love him... Bagay kayo. Parehas kayo ng edad. You guys fit together."
Nagulat naman ako sa sinabi ni Gideon. Bakit niya ba yung sinasabi?
"No. No. No. I love you Gideon. I love you." niyakap ko na siya.
Pero lalo akong naiyak nung dahan dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya. He can't do this to me. Sinabi ko namang mahal ko siya.
"You have dreams Alysson. Bata ka pa. At sa tingin ko hinahadlangan ko. Kinausap ko na ang family lawyer namin. Tomorrow I'm going back to Manila. And I hope you too. We need to talk para maayos ang annulment."
And that made my tears to fall.
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)
Roman d'amourAlysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong ito umiikot ang mundo niya kaya maayos at naging kontento na siya sa kanyang buhay. Pero lahat ay nab...