Kabanata 43

121K 1.3K 74
                                    

Kabanata 43

Just don't mind them

"Kailangan bang ihatid mo ako? Ang aga mo kasi.." napahina ang boses ko sa susunod kong sasabihin. "...kakahiya kasi." Napatingin na ako sa kotseng sasakyan namin. Hindi ko kasi alam nahihiya talaga ako. Ala siyete lang kasi ng umaga, e alas otso pa ang trabaho niya. Kakahiya kasi naabala ko siya.

Binuksan naman niya ang pintuan ng passenger seat. Pagkatapos ay tinignan ako at kinuha ang bag na hawak ko. "Anong nakakahiya?" napakunot ng konti ang isang kilay niya. Inalalayan naman niya ako papasok ng kotse. Pati ba doon? Eh?

"Kasi..ano...mamaya pa yung trabaho mo?" sabi ko pagkapasok ng kotse. Napayuko na ako at napanguso. Ano ba yan? Ramdam ko pa ring na nakatingin siya sa akin at hindi sinasara ang pinto ng kotse.

"Don't mind."

"Bakit?" napatingin na ako sa kanya. Ang labi niya na naman kumukurba na. Ano ba? Ang sigla rin ng mata niya ngayon. Ang ganda naalala ko iyong dagat.

He just shrugged his shoulders. Tapos sinara ang pinto. Umikot naman siya at sumakay na rin ng kotse. Aba't hindi sinasagot ang tanong ko.

Inistart niya ang engine at nagmaneho na. Napagawi tuloy ako sa kanya. Aba't hindi talaga sinasagot ang tanong ko.

Hala siya.

Mga kalahating oras lamang ang byahe at nasa university ako. At iyon lamang ang minuto na hindi man lang siya nagpaliwanag. Hala siya. Unfair!

Pero nagkamali hata ako. Huminto ang kotse sa gate ng university. Tapos humarap siya sa akin. "Hindi ka naman kasi abala. And you will never be." Parang gusto ko ng bumaba. Hindi kasi ako makahinga nung ngumiti siya sa akin. Pakiramdam kong lumilipad ako.

Napatitig na lang talaga ako sa kanya. Pero lumiyad siya sa akin at binigyan ng halik ang noo ko. "Bye. Ingat." Pero mas kinagulat ko ang pagliyad pa niya sa akin ng malapit. Akala ko naman kung ano gagawin nito sa akin. Bubuksan lang pala ang pinto. Akala ko pa naman..ano.. Nevermind.

Bumaba muna ako at saka tinignan siya. I smiled. He smiled back at me. Sinara ko na ang pinto ng kotse. Naglakad na ako papasok ng university. Pero hindi pa ako nakakalapit sa building ng college namin ay may yumakap na sa akin. "Woo. Ikaw na best. Ikaw na! Neseye ne eng lehet." Naguluhan naman ako sa sinabi ni Nica. Kumalas na rin siya ng yakap. Ano iyong 'neseye' huh? Ano ulit iyon?

I arched one brow on her meaning 'what?'.

Napakamot naman ng ulo si Nica. "Wala bes. Ganda mo ngayon. Expired ka no?" sinisiko siko naman ako nitong si Nica. Gulo niya rin no.

"Expired?" Naglakad lakad na rin kami papasok ng building. Sasama ba to sa akin? Hindi naman ito ang building nila.

"Joke inspired ka kay papa Gideon. Yiee..." siko pa rin siya ng siko sa akin. May problema talaga minsan ang bestfriend ko. "..Ako rin kasi inspired kay R.." at nagwala na siya. Tumili tili na siya. Hindi nahihiya kahit pinagtitinginan na siya ng tao rito.

Nagwawala na talaga siya. Pero napukaw ng atensyon ko yung grupo ng mga babaeng nagbubulungan at nakatingin sa akin. Pero kahit bulungan iyon ay naririnig ko. Hala siya, nagbulungan pa sila.

"I know girl, she's having an affair at ang alam ko sa isang matandang lalaking madaling mamatay"

"Ayy oo girl, grabe! May utang hata ang pamilya nila. Wow lang."

"Parang kapit patalim. She's a slut."

Bulong ba iyon? At bakit sila sa akin nakatingin. Marami rami rin ang tumitingin sa akin. At parang diring diri.

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon