Kabanata 12
Chances
Pagkadating ko sa university, my hands are uncontrollably shaking. Nakita ko agad si Nica sa may hallway nung kwartong gagamitin sa defense. I'm so nervous. "Bes kaya mo 'yan para sa fourth year mo, Aja!" Agad niya akong niyakap pagkarating ko sa pwesto niya.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Thank you."
"Sige na bes! Una na ako may class na ako. Go! kaya mo 'yan daanin mo sa ganda." Napailing naman ako sa sinabi niya. Si Nica talaga!
I heaved a sigh. Kayang kaya ko 'to! Tinuruan naman ako ni Gideon kagabi! At natitiyak kong magiging maayos 'to dahil sa kanya. "Alysson." Napatingin ako sa mga taong tumawag sa akin.
"Nick, Amy, Mateo!" Si Nick agad ang nakita ko and I feel so awkward. Hindi ko alam kung anong gagawin. Anong ire-react ko?
"Kaya natin 'to guys mani lang 'to sa atin. " sabi ni Mateo.
Napagawi naman ako sa kanan ng magsalita si Amy. "Naman! kaya natin 'to. Nandyan si Papa Lord!" Napangiti ako at nawala ang konti kaba ko dahil sa sinabi nila. Si Nick tahimik lang at nakikita kong sumusulyap siya sa akin.
Nakita ko naman tinapik siya ni Mateo sa shoulder. "Pre wag kabahan hindi naman 'to panliligaw. Aray—Gago pare seryoso ka masyado!"
"Ulol tumahimik ka diyan." sabi ni Nick at tumingin sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko. Hindi naman ako galit kasi hindi ko masisi ang nararamdaman niya pero mali talaga dahil may asawa na ako.
"Basted na ba agad pre?! Hina mo kasing ugok ka!" Sinuntok naman ni Mateo si Nick sa braso. Tinignan naman ni Amy si Mateo ng murderous glare. Napatahimik si Mateo doon at parang may something sa kanila. Baka nga may relasyon na ang dalawang ito!
Sabay sabay kami napatalon ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Ready naman kami, we're ready for presentation, we're ready in everything pati sa pagdedefense pero kasi alam kong nangingibabaw din ang kaba. Ganito naman lagi akala mo wala ng kaba pero mayroon pa rin.
Tinignan ko muna sila bago kami pumasok. "Kaya natin 'to! Sabi nga ni Rancho ng 3 idiots. Aal izz well." sabi ko at nilagay ang isang kamay sa chest. Nakita ko namang ngumiti sila. Kaya namin 'to! Wala dapat ikabahala, nandyan lang si Lord para gabayin kami.
Lumipas ang mga isang oras natapos na ang defense and we finally smell the breeze of summer. "Gah! Ang galing mo Aly grabe ang galing!" Napatili si Amy at talon ng talon habang nagsasalita.
"Grabee Aly salamat sa uno. Shit! 4th year na tayo. Pucha! Uno 'yun" Nakailing na sabi ni Mateo. Yung ngiti ni Mateo priceless este parang beyond uno pa!
"Tulong tulong naman tayo kaya we deserve this." Kinalas ko ang yakap ni Amy at tinignan sila. And now, ang iniisip ko ay pasalamatan si Gideon sa ginawang tulong niya. Siya talaga dapat ang pasalamatan dahil dito. Kung pwede ko lang sabihin si Gideon sa kanila, sinabi ko na. Pero ayaw naman niyang malama ito...si Gideon na kasal na kami. Ano pa bang magagawa ko?
Hindi ko man inaasahan pero biglang nagsalita si Nick. "Let's go for celebration. " nakangiti nitong sabi sa direksyon ko. His eyes were pleaded for me to say yes to it pero kasi mas gusto kong pasalamatan si Gideon sa ginawa niya and I think pwede naman sa ibang araw 'yung celebration. Mas gusto ko kasi talagang mag thank you sa tulong ni Gideon. Ito kasi ang gusto ko.
"Go lang pre libre mo ba?" Ngising ngisi naman itong si Mateo! Basta talaga libre, nangunguna 'to e!
"Oo! kaya pumayag na kayo?" sabi niya at nakatingin pa rin sa akin. But I looked away.
"Sige ba." sagot ni Amy. Hindi pa rin ako sumasagot. Ang hirap naman kasing hindiin di ba? Kailangan naman talaga ng celebration pero kasi gusto ko talagang magpasalamat muna kay Gideon. Puro ka na lang Gideon, Aly!
Nung hindi ako sumasagot lahat sila nagtinginan sa akin. I'm sweating guys! Don't stare at me na para namag masamang tao ako niyan. Napakamot ako sa ulo at napatawa. "Hindi kasi ako pwede."
"Can I talk to you Aly?" Biglang napatungo si Nick sa akin. "Can I talk to you? Alone." Binigyaang diin niya ang huling salitang sinabi niya habang nakatingin kila Amy at Mateo.
Narinig ko naman may binulong si Mateo kay Amy pero hindi ito malinaw. Agad naman silang umalis at naiwan kami ni Nick sa hallway. "I'm sorry." bulong niya. Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. "Tignan mo ko. Please. I'm sorry, hindi ko naman talaga magagawa 'yun pero kasi nadala lang ako ng nararamdaman ko I love—"
"Ano kasi uh...Nick okay lang naman." I know he's going to say I love you and I'm not yet ready for that. And I don't really know kung bakit? Mali. Pagkakamali lang iyon.
"It's not okay. Aly I'm really an idiot. Nakakainis dahil dun umiiwas ka sakin?" sabi niya at ginulo ang buhok niya. And this time, tumingin na ako sa kanya.
"Hindi sa ganon. Nick may gagawin lang kasi ako." Ngumiti ako sa kanya para mapalagay na siya. "Sige aalis na ako pakisabi na lang sa kanila na nauna na ako."
"Pero Aly..." Hinawakan niya ulit ang arm ko. Nakita ko namang lumungkot ang mga mata niya. Guilt is running to my system.
Ngumiti ako at nagsalita. Kinalas ang hawak niya sa akin. "I'm not giving you chances but if things fall to right place siguro pwede na Nick."
Umalis na ako at naglakakad palayo. Bago pa ako makalayo narinig kong sumigaw ito ng 'Thank you' napangiti naman ako. Tama ba ang ginawa ko? Hindi ko alam. Bahala na.
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)
RomanceAlysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong ito umiikot ang mundo niya kaya maayos at naging kontento na siya sa kanyang buhay. Pero lahat ay nab...