Kabanata 20

127K 1.1K 26
                                    

Kabanata 20

Tingin

"Ako ba ang hinahanap mo Andy?" Napatingin kami agad sa direksyon ng nagsalita. Biglang pumasok ang isang lalaking naka-gray suit. Teka...bakit ang gwapo? Masculine 'yung features ng mukha niya pero lalaking lalaki ang dating niya sa akin. Ang attractive pa niya. God, crush ko na hata 'to? Pag 'to nakita ni bes, patay na tayo?! Aangkinin na naman niya 'to!

"Miss Gorgeous?" Hindi ko namalayang nasa pwesto ko na siya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito. "Please to meet you," sabi niya at parang may lumuwag sa loob ko. Teka...may panty pa ba ako?!

Namumula na siguro ang pisngi ko. "You're cute." At tuluyang nalusaw ang panty ko. Gosh! Ngumiti siya sa akin.

"Karl get ready the meeting will start at 9 sharp. Magsama ka ng isang tao for taking some notes in the meeting. At saka, bakit ngayon ka lang pumasok? Haba ng bakasyon." Tinignan ni Andy ng seryoso 'yung Karl.

"Yes! Boss," sumaludo pa siya at naging dahilan para lumabas ang dimples niya. God! Teka...crush ko na hata 'to?!

Pagkasabi ni Andy nung note ay lumabas na siya ng department. Tumingin ako sa paligid. At napalunok ako sa talim ng tingin ni Ms. Charlotte sa akin. Hindi pa ako ready, may pangarap pa ako! Para kasing papatayin na ako sa tingin ni Charlotte e!

 "Ano bang nangyari rito? Nawala lang ako ng isang linggo? May nag-aaway na?" mahinahong niyang sabi at nakatingin sa akin.

"'Yang kasing bagong 'yan? " turo ni Charlotte at pumunta na siyang cubicle niya.

"Sa ngayon hahayaan ko muna ito pero kapag naulit na naman, ako ng bahala sa inyo," paalala ni Karl. Pero biglang humarap naman si Karl sa akin. "Are you alright?" Napatitig siya sa akin. Parang namang nalusaw ako sa titig na iyon kaya agad agad kong inalis ang tingin ko sa kanya.

 "Uh. Yes. Karl—"

"Karl? Wala ka bang galang sa kanya. Gosh! Manager siya ng department natin. Gosh Aly so dumb—"

"Enough! It's all right. She's new and she doesn't know me. Right?" Tumango ako pero hindi ko siya tinitigan. Ayoko ng titig niya sa akin! "Ayos lang sa 'kin na tawagin niya akong Karl."  Pinaharap naman ako ni Karl sa kanya. Teka...nga pwede bang huminga ng kaunti?! "Can you come with me, please? In the meeting? I want you to assist me." Napalunok na ako ng tuluyan sa titig na ng mata niya sa akin. Napatango tuloy ako.  "Let's go"

Hinatak na ako palabas nung Karl sa department. Bigla niyang kinuha ang kamay ko. Hawak hawak lang niya ang kamay ko hanggang sa makarating kaming 15th floor. Marami kami nasasalubong na tao na nakatingin sa kamay namin. Hindi ko naman matanggal kasi ang higpit ng hawak niya. Huminto kami sa isang conference room.

 "Meeting will start in a minute," aniya Andy.

Pero para akong hindi makalunok ng biglang pumasok si Gideon sa conference room. Hinatak naman ako ni Karl sa loob. Pagkapasok na pagkapasok namin ay si Gideon agad ang nakita ko. His brows crease. May tingin siyang hindi ko maintindihan. Yung mata niya kasi minsang sa kamay namin nakadestino minsan sa mukha ko naman! Teka...may problema ba?

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at pinagmasdan ang conference room. May mahabang mesa roon at mga 15 sigurong manager ang nakaupo. Sa harap naman ay may presentation na inihahanda. Hindi ko  maiwasang hindi makita si Gideon sa paglilibot ng mata ko. Naniningkit na ang mata niya sa akin? Sa akin ba talaga? O dahil hawak ni Karl 'yung kamay ko? Kaya no choice kung hindi alisin ko na lang 'yung kamay ko. Napakamot naman ng batok si Karl. Mabuti nga inaya na niya akong maupo. Pagkaupo namin agad na nilapit ni Karl ang mukha niya sa may tenga ko. "He's mad..." Karl let a soft laugh. "...at me." Tumawa ulit siya.

Napakunot ako ng noo sa sinabi ni Karl. Ha? Magkalevel ang mukha namin ni Karl na halos maamoy ko na ang hininga niya. Grabe, wala na talaga. Nalaglag na 'yung nalaglag!

"Present it Andy!" Halos lahat ng tao ay napatalon sa kanilang upuan ng sumigaw si Gideon. Sa tingin ko nga hindi nila matignan ngayon si Gideon e. Sorry naman at sa tingin ko sa amin talaga siya nakatingin ni Karl. Grabe naman kasi si Karl! Ang ingay ingay!

Nag-umpisa ng mag discuss si Andy sa harapan. Hindi ko na pinansin si Karl. Tinuon ko na lang 'yung pansin ko sa presentation ni Andy.

"Nakakaantok no?" bulong niya sa akin.

"Hindi kaya," binulungan ko rin siya. Grabe talaga 'tong si Karl, ang ganda ganda nga ng topic kasi magla-launch ulit ng panibagong kotse ang kumpanyang ito tapos salita naman siya ng salita. Nasabi sa discussion na isang Aston Martin ang ilalabas na kotse. Sa loob loob ko nga gustong gusto ko ng sumigaw dahil Aston Martin 'yung bagong ila-launch e! Grabe na 'to!

Mga isang oras lang ang tinagal ng meeting. In-assign na sa bawat department ang gagawin. Tinake-down notes ko iyon lahat. Na-assign sa'min 'yung pag-aayos ng launching.

"Yes! Tapos na rin!" Napatayo si Karl ng biglang tumayo si Gideon. Tapos na kasi ang meeting at lumabas na si Gideon ng conference room. Kaya lumabas na rin kaming nasa loob. Pagkalabas na pagkalabas ay inaya agad ako ni Karl na kumain. Umo-o naman ako kay Karl kasi gutom na gutom na rin ako. Aktong papasok na kami sa elevator ng may sumigaw ng pangalan ko.

 "Ms. Rodriguez! Pinatatawag ka ni Sir. Jimenez." Napatingin kami ni Karl sa direksyong iyon.

 "Sa susunod na lang siguro manager?" inalis ko ang hawak ni Karl sa akin.

 "Napakaselfish talaga niyang Azel na 'yan. Putcha." Narinig kong bulong ni Karl.

Huh? Bakit?

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon