Kabanata 13

141K 1.3K 72
                                    

Kabanata 13

Heaven

Isang linggo na ang nakakalipas pagkatapos ng defense namin, finally summer na at na eenjoy ko naman ito. Namiss ko rin ang magbasa ng mga libro kaya iyon muna ang pinagkakaabalahan ko. Busy din si Gideon sa work niya, masyado hata siyang nagiging abala ngayon.

Napatingin naman ako sa phone ko ng bigla itong nagvibrate.

From Nica:

Bes kong kay ganda next to me. Mall naman tayo please maganda naman ako ryt? Hehe Joke. Sige na dito na ako. Labyuu :*

Umiiling ako napapatawa sa nabasa ko. Ewan ko kung anong utak mayroon itong si Nica. Napakapalabirong babae talaga kahit kailan!

Nagreply ako.

To Nica:

Okay! Papunta na ako. :">

Mga kalahating oras lang nakarating na ako SM North, saglit lang kasi  at nagtaxi ako pero kung nag MRT sana ako sana makamura. Pero sinabihan kasi ako ni Gideon na huwag na akong magMRT hindi naman niya sinabi ang dahilan at  kung bakit.

"Bes!" Nakita ko agad si Nica dahil sa sigaw niya at saka kasi tumatakbo siya papunta sa akin. Look at her, ang ganda talaga nitong si Nica kapag simple lang! Nadadala niya ang damit niya ng elegante at maganda.  "Ke ganda naman natin!" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. "Namiss kita bes grabe ganun ba talaga kapag malapit ng grumaduate? Daming ginagawa? Namiss mo tuloy ang beauty ko."

Napatawa naman ako. "Oo nga namiss ko talaga ang beauty mo."

"Naku, tara na nga wit na ang beauty ko kaka sight ng papa dito sa mall. Wit akong makita. Kain na muna tayo! Kakaimbyerna lang! Mga taken lang nakikita ko, paghiwalayin ko sila e!" Hinila naman niya ako sa paborito naming fast food.

"Bes!" Nahampas ko tuloy sa braso.

"Joke lang naku bes naka score na ba si fafa Gideon sa'yo." Napaubo at napalunok naman ako sa sinabi niya, si Nica talaga kung ano ano tumatakbo sa isipan.

"Hindi!"  Grabe talaga 'tong si bes!

"Defensive much tara na nga namumula ka na. Okay lang naman isikreto—" Tinignan ko naman ng masama. "Joke lang bes gutom lang siguro ako kaya ganito na naiisip ko"

Namiss lang siguro ako nito kaya ganito 'to. At inaamin ko rin na sobra ko ring namiss ko rin siya. Araw namin 'to kaya susulitin namin 'to ng bonggang bongga!

Umupo na ako. Nagprisinta si Nica na siya ang mag-order. Marami rami ring tao sa mall, bakasyon na kasi kaya ang iba tumatambay sa mall! Syempre libreng lamig din!

Lumipas ang siguro ang kinse minutos bago makabalik sa table namin. At ang gaga, sumisigaw ng pilit na pilit. Jusko! Alam ko na 'to! Nakakakita na naman 'to ng lalaki! "Ang gwapo nung lalaking kumuha ng order muntik ng tumulo ang dapat tumulo muntik na akong ngumanga sa kawalan. Order pa tayo bes, sige na dessert naman sige na! Ang gwapo ni kuya e." Sabi ko na nga ba! Hindi ko malaman sa babaeng ito! Kapag kasama ako makatili sa mga gwapo sobra pero kapag nakaharap na sa mga lalaki, pa-demure pa ang peg!

Hinila ko naman 'tong si Nica at pinaupo, namumula kasi at super ngiti kulang na lang mapunit ang labi sa sobrang lawak nito. "Gutom lang 'yan." sabi ko at pinakain sa kanya ang burger.

Natutuwa ako kasi kahit kumakain na kami sinusulyap pa rin ni Nica si kuya, namumula pa ang bruha. Kapag napapatingin si kuya nagpapacute siya tapos inaayos ang lalay na buhok. Tapos sobrang demure kung kumain, hindi naman ganto 'to. Namiss lang siguro nito ang mga lalaki kasi buong semester mga libro ang ka-date niya kaya ngayon gutom na gutom sa lalaki. Anak ng pating!

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon