Kabanata 21
I don't want...
Pagkarating ko sa 13th floor nagmamadali akong pumunta sa office niya. Nasa labas si Andy at may kausap sa phone. As usual nandyan ang mga bodyguard niya sa labas ng office. Nung nakita ako ni Andy, sinenyasan niya lang ako na pumasok sa loob. Napahawak ako sa dibdib ko ng bigla itong tumibok ng sobrang bilis. Grabe! Bakit naman niya kasi ako pinatawag? Nagbago na ba ang isip niya na magtrabaho ako rito sa kumpanya niya?
Pagkapasok ko nakita kong nakaupo si Gideon sa swiveling chair niya. Nakakakunot ang noo tapos nakahawak doon ang kamay niya.
"Sir bakit po?" Napaatras ako sa kinatatayuan ko ng bigla niyang ituon ang mata niya sa akin.
"Take a seat," seryoso niyang sabi. Nanginig ang kamay ko ng hawakan ang silyang nakahain para sa akin. Naramdaman ko pa ngang nanginig ang tuhod ko pagkaupo ko sa silya. Sinundan ng mata ko ang kilos niya hanggang sa pagtayo at sa pagpunta niya sa pintuan. Natauhan lang ako ng bigla niya itong buksan.
"Uy Sir! Anong gagawin ko rito?" Napatayo ako sa pagkakaupo at hinabol siya. Hinila ko ang coat niya para lang mapansin niya ako.
Pero hindi niya ako tinignan. "Make yourself busy,"aniya sabay sara ng pinto. Biglang napalaki ang mga mata ko sa ginawa niya. May problema ba? O ako ang may problema? Mindali ko naman ang sarili ko sa pagpihit ng door knob pero bigla akong napabitaw ng hindi ko mabuksan ang ito.
Ni-lock ni Gideon! Kinulong niya ako sa loob! Dito sa loob ng office niya!
Hindi ako magkaugaga sa pagkatok sa pinto. "Gideon! Teka! Buksan mo 'to! I mean sir Jimenez!" Katok ako ng katok ng malakas. Pakiramdam ko nga mababasag ko na ang glass door nila sa sobrang lakas ng pagkatok ko. God! Kapag hindi niya talaga binuksan 'to mababasag 'tong mamahaling pinto na 'to!
Wala ba silang naririnig? Hindi ba sila naawa sa akin? Bakit ba ayaw nilang buksan ang pinto? Si Gideon? Hindi ba niya ako naririnig? Nabingi na ba siya? Ano ba?! Nang may narinig akong boses sa labas ay tinapat ko ang tenga ko sa may pinto. "Huwag niyong bubuksan. Let's go Andy!" Si Gideon! Si Gideon 'yun! Teka! May problema talaga siya sa akin! God!
Kumulo ang dugo ko sa narinig ko galing sa kanya. Sana naman sinasabi niya 'yung problema niya sa akin hindi 'yung ikukulong niya lang ako sa opisina niya. At ano naman ang gagawin ko rito? Matulog? Kumain? E wala ngang makain dito!
Wala na talaga akong magawa. Kung ano-ano na lang. Ilang beses na akong pabalik balik sa paglalakad habang nag-iisip ng gagawin pero wala! Ilang beses ko ring tinignan 'yung table niya pero ang daming papeles sa ibabaw nito. Natatakot naman akong pumunta roon kasi baka magulo ko 'yung pagkakaayos ng mga files niya. Pero bigla akong na-tempt ng makita 'yung laptop niya. Hindi naman ako maglilikot ng sobra. Siya naman may kasalanan nito. Kung hindi naman niya ako kinulong dito hindi ako magpe-facebook ng di oras. Mabuti na nga lang may internet. Nag log-in ako at nagulat ako sa notifications ko. Grabe ilang buwan ba akong hindi nagbukas ng facebook? Hinayaan ko na lang 'yung mga notif ko, pero biglang may nag-chat sa akin. Aba si Nick!
Niccholo Guzman: Saan ka? Labas tayo?
Nasa office, kinulong!
AJ Rodriguez: Pasensya na busy =)
Niccholo Guzman: Ganun ba? Sige okay lang! Next time then?
AJ Rodriguez: Sige!
Then ni-log out ko na. Napahikab naman ako pagkatapos. Kapag talaga walang ginagawa madali kang antukin samahan mo pa ng lamig na nanggagaling sa aircon. Napayuko ako at hindi ko na alam 'yung susunod na nangyari.
Hindi ko alam kung may tumitingin ba sa akin? Napakapa tuloy ang mga kamay ko. Napamulat ng madatnan ko ang sarili ko na nakahiga sa sofa. Paano ako napunta rito? Bigla akong napatayo at tama nga ako! May nakatingin sa akin mula kanina! Tumayo ako ng tuwid at tinitigan siya ng masama. Akala niya makakalimutan ko ang ginawa niya sa akin? Duh! Hindi no!
"Kumain ka na?" bigla niyang sabi. Aba ganyan ganyan lang ba iyon? After kang ikulong ipapain ang pagkain sa'yo? Teka naman, para namang unfair 'to! Alam ba nito na kahinaan ko ang pagkain? Grabe talaga! "Sa table sa tabi mo?" Napatingin naman ako sa mesa. Napalunok ako ng makita ang spaghetti at milk tea. Ito na nga ba ang sinasabi ko! Napapawi talaga ang inis ko kapag may pagkain e.
Papalit palit ang tingin ko sa pagkain at sa kanya. Ito na siguro ang isa sa pinakamahirap na desisyon na ginawa ko. Ang pagkain o ang inis ko kay Gideon? Siguro naman nakapaghihintay ang inis at ang reklamo ko sa kanya? Dahil 'yung tyan ko hinding hindi kayang maghintay ngayon. Bigla akong umupo sa sofa at walang hiya hiya kung kainin ang spaghetti. Mula kanina hindi pa ako kumakain at siya ang naging dahilan kung bakit nagutom ako ng ganito!
Akala niya siguro makakalimutan ko ang ginawa niya sa akin? Patapusin niya lang ako sa kinakain ko magtutuos talaga kami. Napaka-unfair niya! Kailangan bang ikulong agad? Sabihin naman niya sana ang dahilan.
Pagkakain ko tumungo agad ako sa kanya. "Bakit mo ginawa 'yun? Ni-lock mo pa. Grabe ka!" Napapapadyak ako ng isa. Hindi siya umiimik. Nakatingin lang siya ng seryoso sa laptop niya. Feeling niya hata hindi ako nag-eexist. "Grabe! Grabe! Grabe!" Hindi ko na alam kung ilang padyak ang nagawa ko. Naiinis lang talaga ako sa kanya!
Hindi pa rin siya umiimik. Nilayo ko nga 'yung laptop sa kanya. "What?!" Napaharap siya sa akin na nakakunot ang kilay.
"Ikaw kaya i-lock. Akala mo nakakatuwa ka." My nose flared. "Grabe! Grabe! Bakit mo ginawa 'yun?"
Nakaharap lang ako sa kanya at nagsusukatan kami ng tingin. Pero siya ang unang bumigay sa titigan. "Because I don't want them to be around you. I don't want them to touch you. I don't want them to see what I see on you. Let me tell you one thing Aly..." Tumayo siya at hinarap ako. Napaatras ako sa ginawa niyang paglapit sa akin. Bigla akong napalunok ng lumapit ang mukha niya sa akin at tinitigan ng maigi ang mga mata ko. "I'm selfish about you." At bigla siyang nag walk-out.
BINABASA MO ANG
U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)
RomanceAlysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong ito umiikot ang mundo niya kaya maayos at naging kontento na siya sa kanyang buhay. Pero lahat ay nab...