Kabanata 22

130K 1.1K 12
                                    

Kabanata 22

ONE HELL SEXY MAN

Anong nangyari kay Gideon at bigla na lang nag-walk out? Teka siya pa ba ang galit? At bakit ganoon na lamang ang pag-aalala niya sa akin? Baka...baka naman crush ako ni Gideon? Weh? Baka naman may sira ka na sa ulo Aly? Napailing ako sa naisip ko at nagdiretso na palabas ng office ni Gideon.

Pagkalabas ko tumingin tingin pa ako sa paligid. Himala walang bodyguard sa labas. Siguro kasama ni Gideon lahat iyon. Agad akong tumakbo sa elevator para makababa. Madilim na rin kasi at saka uwian na. Hindi na ako tutungo sa department ko kasi sandamakmak na tanong ang itatanong nila sa akin. At saka natatakot kaya si Ms. Charlotte bakas kasi kainin niya ako. At saka rin pala kay Karl, baka kasi mahulog na ang dapat mahulog sa akin.

Wala na rin gaanong tao sa ground floor siguro ay nagsiuwian na nga ang iba. Ilang oras ba ako nakatulog? Ginawa ko kasing kwarto ang opisina ni Gideon! Nang lumabas ako, may humintong Audi. Syempre sino pa ba ang mayroong ganyan? Bumaba ang bintana ng kotse sa driver's seat ng bahagya. Nakita ko si Gideon doon. Siya driver?

Sineyasan niya akong sumakay na. Pagkatapos nun ay itinaas niya ulit ang bintana. Private person kasi si Gideon kaya ayaw niyang malaman na kasal kami?  Pumasok na akong ng kotse. Hindi na akong nagtangkang magtanong kung saan kami pupunta kasi hindi naman niya ako sinasagot kapag nagtatanong ako. Kanina lang nag walk out siya tapos ngayon nag-aaya naman? May pagka bipolar din pala itong si Gideon!

Hindi kami umuwi ng bahay. Tumungo kami doon sa warehouse niya na naglalaman ng mga kotse niya. Ito yung dati, 'yung pinakilala niya ang sarili niya sa akin. 'Yung nakangiti pa siya tapos ngayon ang sungit sungit. Dapat nga ako ang magalit sa kanya pero siya pa talaga ang may ganang mainis, mag walk out at magalit sa akin.

Nandun pa rin si Manong. Hindi mo mahahalatang puro kotse ang laman ng building na 'to kasi parang warehouse lang siya sa labas pero pagpasok mo, wala na pangmayaman na talaga. Talagang mapapanganga hanggang floor. Tapos pwede ka ring mag test drive sa loob nito. Ang lawak lang talaga ng building na 'to!

Kapag ginala mo talaga ang mga mata mo rito sa loob makikita mong by class 'yung pagkakaayos ng kotse. For example, magkakasama ang mga Audi, Ford, BMW, Jaguar, Volvo, and my baby Aston Martin tapos marami pang iba.  'Yung tipong galing Europe ang mga kotse? Nganga! Grabe paano niya ginawa iyon? Paano ginawa ng mga Jimenez ng maging dealerships and affiliates ang mga kompanya ng top cars ng mundo. Mapapanganga kakaisip kung paano nila ginawa ang pakikipag deal sa mga kompanyang ito.

"This!" aniya ni Gideon at pinakita sa akin ang isang...

"Aston Martin Vanquish? Seriously?!" Tumakbo na ako  patungong Aston Martin. Kulang na lang sambahin ko ito at halik halikan sa sobrang lapit ko.  God! Ito 'yung latest ng Aston Martin e! Ito 'yun! Grabe!

"I do negotiation just for you Aly. I know you're fond of cars specifically Aston Martin. I talked on Aston Martin Company in England through e-mail and presentation. And then I got it. We'll do launching for Aston Martin Vanquish Philippines. And I want you to be part of launching. Gusto ko ikaw ang mag-ayos," bigla siyang ngumiti pagkatapos niyang magsalita. Teka...hihinga lang ako ng mga isang segundo. Teka! Hindi ko alam kung saan dapat ako matuwa e, sa Aston Martin o sa ngiti ni Gideon? Napailing ako sa naisip ko at tumitig na lang sa Aston Martin. Gising Aly, nababaliw ka na!

"Totoo 'to?" Kinapa ko pa ang kotse. Napatawa si Gideon kaya napatingin ako sa kanya. God! Bakit ang sexy niya pa rin tumawa? Napaawang talaga ako ng bibig sa tawa niya.

"Yes." Nakagat ko na ang loob ng pisngi ko sa ginawa niyang titig sa akin. God! "for you," aniya. Bigla ko na lang iniwas ang tingin ko sa kanya at ituon ang tingin ko sa kotse. Kanina lang ang panget panget ng mode niya pero ngayon ngumingiti siya o kaya tumatawa. Bipolar talaga 'tong si Gideon!

Pero bakit ko naman aalalahanin si Gideon ng ganito. Blessing na ang dumating sa'yo Alysson! Matutupad na ang isa sa mga pangarap mo ang makasaksi ng pagla-launch ng kotse. God!

Gideon, you're one hell sexy man in this world because of this!

U.N.I. (Book 1 of U.N.I. Trilogy) (SC, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon