Love Job Series #1
Teach Me How To Love, Ma'am
Chapter 1: Flower Boquet
Kiana's POV
I was walking here at the school hallway where i am working at. Some of the students greeted me with a smile plastered on their faces that always made my day.
"Goodmorning class!" I greeted them as i entered my room with my grade four students.
"Goodmorning, Ma'am Kia!" They greeted me back in chorus.
Umupo ako sa upuan ko na nasa unahan at inilapag ang hand bag ko sa lamesa sa tapat nito.
Nag talakay lang muna kami ng mga past lessons namin. We are on the second quarter at malapit lapit na rin ang seond quarterly exam nila.
Madalas akong nasa disciplinary office (DO) dahil sa mga estudyante ko. Kami ang may pinaka maraming records ng violations dahil sa kanila. Kaya masasabi kong suki na kami ng DO.
Aaminin ko, makukulit at pasaway ang mga estudyante ko pero hindi sila nag papahuli kung talino ang usapan. Kung may mga kompetisyon man tulad ng mga quiz bee ay kadalasang sila ang panalo, sadyang makukulit talaga sila... as usual kid is.
Pero hindi ko hinahayaan na lumagpas sila sa mga limitations at boundaries nila. Ayokong matuto sila na tama ang ginagawa nila kahit mali naman ito. Pero minsan hinahayaan ko sila dahil bata lang naman sila, i will let them experience their childhood.
Hindi naman sila gumagawa ng makakasakit ng mga kapwa nila e. Mga tulad lang ng pag susulat sa wall ng hallway, at pag tatakbuhan sa labas kahit class hours na at marami pang iba na hindi naman nakakasakit sa iba.
"Ma'am! May boyfriend na po ba kayo?!" Tanong ng estudyante ko'ng si Akhiro.
Madalas rin kaming mag usap usap kung may extra time kami tuwing natatapos kami ng maaga dahil mga fast learners naman sila.
"Wala pa, bakit?" Saad ko.
"Si Kuya ko po! Pwede po 'yun!" Sabi niya na ikinatawa ko pati na ng mga kaklase niya.
Hindi ko sineseryoso ang mga sinasabi nila dahil alam ko na nag bibiro lang sila. Sinasakyan ko na lang ang mga sinasabi nila para wala ng explanation pa.
"Ilang taon ka na po pala, Ma'am?" Tanong naman ng top student ko na si Jhocey.
"Seven!" Sabi ko na ikinatawa nila. I wish! "Just kidding, i'm twenty nine na."
"Ang ganda niyo po kaya Ma'am! Pero bakit wala kayong jowa?" Hayy nako!
"Ewan ko din e!"
Ayan din ang tanong ko sa sarili ko, Jhocey! Di ka nag iisa! Bakit nga ba? hhahahahha!
Natapos ang kuwentuhan namin ng mag ring ang bell, indication na recess na nila. Tumayo na sila pero nakita ko na natira ang estudyante kong si Anne, ang pinaka tahimik kong estudyante.
"Bakit nandito ka pa, Anne?" Tanong ko at umupo ako sa tabi niya.
"Wala po akong b-baon e." Nahihiyang tuon nito kaya yumuko siya.
YOU ARE READING
Teach Me How To Love, Ma'am (Love Job Series #1) | ongoing
RomanceLOVE JOB SERIES #1