♡ Chapter 19

1 0 0
                                    

Love Job Series #1

Teach Me How To Love, Ma'am

Chapter 19: I'll Make It Up To You, Baby.

Kiana's POV

Nakaupo lang ako habang nakatingin sa kanila ng seryoso. There was no emotion in my eyes at mas umigting ang inis ko ng mabanggit ni Axel iyon ay nakita ko ang pag taas ng kilay ng babae.

"Kia, this is Ashley. Ashley meet my girlfriend, Kiana." Tumayo ako para makipagkamay sa babae kahit labag sa loob ko.

Nag usap pa sila kaya hindi ko na sila pinansin. Kumain na lang ako at halos naka-kalahati na ako pero hindi pa rin sila tapos.

The girl even grabbed a chair and sat beside us. I noticed her touching Axel a lot of times but this... guy! Didn't even budge!

Napaka arte pa mag dalita 'nung babae! Tapos ito namang isa! Walang karamdam ramdam na gusto siya nitong babaeng 'to!

Natapos na ako kumain at, guess what? Hindi pa rin sila tapos kaya tumayo na ako at walang pasabing lumabas ng restaurant.

I know that it's rude but the thing that they're doing is more, MORE rude!

Naramdaman ni Axel ang pag alis ko kaya narinig ko ang pag paalam niya sa babae.

Akala ko pa naman ay makakusap ko siya ng maayos pero sa lagay namin ngayon, i guess he'll never know my side.

Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko kaya nilingon ko siya.

"Why did you leave?" Takang tanong niya habang naka nguso.

"Diba nag uusap kayo? Tuloy niyo lang." I was about to walk again but he stopped me.

"Baby, i'm sorry. May pinag usapan lang naman kami tungkol sa trabaho e." Pang aalo niya pa pero mas naiinis lang ako.

"Halos trabaho ka na nga lang araw araw e, halos siya na lang din ang kasama mo. Hindi mo ba kayang sa office niyo na lang kayo? Oras natin 'to e. Pumayag na nga ako kahit naiinis ako,tapos ma-bibwisit na naman ako pag dating natin dito? Bakit ba kapag nag de-desisyon akong lumabas laging may nangyayaring hindi ko gusto?! Gusto ko lang naman mag liwaliw e!" I didn't realize that a teardrop fell from my eyes. Dahil sa sobrang punong puno na ako nasabi ko lahat ng hindi ko dapat sabihin.

"Kiana." He looked shocked while looking at me so he hugged me tightly.

I didn't push him, instead i let him. I really need someone right now. Para akong baso na sobrang apaw na na kailangan pag salinan ng iba kasi punong puno na ako.

Binuhos kasi sa akin lahat e.

"I'm sorry baby. I'm sorry. I will never make you feel that way again, hmm?" Saad niya habang hinahalik-haliakan ang ulo ko. "Tell me more, baby. I wil listen."

Tinulungan niya akong pumasok sa kotse dahil sa panlalambot ko. We just sat there quietly while his hands is rubbing my knuckels.

Halos thirty minutes na kami sa kotse pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko at higit thirty minutes na rin kami pero hindi pa rin siya nag d-drive.

Naka-tingin lang ako labas ng bintana habang siya naman ay ramdam ko ang mga titig niya sa akin.

Lumipas ang ilang minuto ay napag desisyonan niya na rin mag drive. Akala ko ay iuuwi niya na ako pero nagulat ako ng makitang nasa tapat kami ng isang parke.

Teach Me How To Love, Ma'am (Love Job Series #1) | ongoingWhere stories live. Discover now