♡Chapter 18

1 0 0
                                    

Love Job Series #1

Teach Me How To Love Ma'am

Chapter 18: I'm With My Girlfriend

Kiana's POV

I suddenly felt out of breath. Hindi ko maintindihan pero narinig ko na lang ang madiing pag mura ni Axel ng sabihin kong kasama ko si Liam sa mall.

Ibinaba niya agad ang tawag ng sabihin niyang hintayin ko siya at pupunta na daw siya.

"Tara na!" Hinawakan ni Liam ang braso ko para pumunta sa mga claw machines kaya madali niya akong nakuha dahil sa panlalambot ko.

Hindi ko alam kung uuwi na ako o pauuwiin ko na si Liam dahil sa kabang nararamdaman ko.

Hindi naman siguro galit si Axel 'no? Wala lang siguro 'yon. Sakto lang naman na naabutan ko si Liam e.

Wahh! Naririndi na ako.

"Tigil!" Biglaang sigaw ko kaya nabitawan ako ni Liam at napatingin ito sa akin pero mali ang ginawa ko... sobrang mali!

Pucha!

Pinag titinginan na ako ng tao sa loob ng arcade dahil sa sobrang lakas ng sigaw ko. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko kaya agad akong napa yuko.

Hinila ko si Liam sa isang sulok ng arcade na kung saan ay wala masydong tao.

Mas gugustuhin ko na lang umiyak ng magdamag kaysa ganito! Sobrang nakakahiya.

"Ano ba'ng nangyayari sayo?" Gulong gulong saad ni Liam bago ako abutan ng bottled water.

Nasa mall pa rin kami pero inaya ko na siyang lumabas sa arcade dahil pinag titinginan na ako ng mga tao duon.

"W-wala." Saad ko bago lagukin ang tubig na inabot niya sa akin. "Gusto mo ba u-umuwi ka na? Wala ka na bang gagawin? Or baka pagod ka na?" Sunod sunod na tanong ko.

"Para mo namang sinasabi na gusto mo na akong paalisin!" Saad niya bago tumawa.

Pero ako ay sobrang balisa na lalo na ng nakita kong kunot na kunot noong lumapit si Axel sa amin.

"Let's go." Madiing saad niya pero naka tingin lang siya kay Liam na ganoon rin ang tingin sa kanya.

Dahil sa tensyon ay agad kong hinawakan ang braso ni Axel para pakalmahin siya. "T-tara na. Ahh... Liam, alis na kami."

Hindi ko na hinintay na makapag salita si Liam at agad agaran kong hinila si Axel papalayo.

Nasa harap na kami ng sasakyan niya ngayon at kita ko ang bahagyang pamumula ng leeg at mukha niya at kumunot ang noo ko ng amoy alak siya.

"Are you drunk?" Umiling lang siya bago pumasok sa kotse niya kaya pumasok na din ako.

Wala naman akong dalang kotse dahil naki sabay lang ako kay Liam kanina papunta rito.

"Why are you with him?" Tanong niya agad ng maka pasok ako.

"Balak ko sana na ako lang mag isa ngayon pero nasa harap kasi siya ng bahay ko kanina kaya sumama siya." Totoong saad ko. Wala namang sense kung mag sisinungaling ako.

Teach Me How To Love, Ma'am (Love Job Series #1) | ongoingWhere stories live. Discover now