♡ Chapter 17

2 0 0
                                    

Love Job Series #1

Teach Me How To Love, Ma'am

Chapter 17: Who's That?

Kiana's POV

Hindi ko nakita ng maayos ang itsura ni Mama at Papa dahil sa pag labo ng paningin ko dahil sa luhang sunod sunod na pumapatak.

Sa nga puntong 'yon parang wala na akong naririnig, hinintay ko na bawiin ni Mama ang sinabi niya pero hindi... sa itsura niya pa lang ay parang hindi niya pinag sisisihan na sinabi niya ang mga katagang iyon.

My Dad looked at Mom in disbelief, he is also probably shocked about what my Mother said.

Sa halo halong nararamdaman ko ay nag tatakbo ako paakyat ng kuwarto ko kahit na marinig ko ang pag tawag ni Papa sa akin ng sunod sunod.

Ni lock ko ang pinto ng kuwarto ko at nag talukbong ako sa kama ko gamit ang kumot.

Hindi ko alam na kayang sabihin ni Mama sa akin iyon. I though he like Axel for me but i'm wrong.

Hindi ako makapaniwala na sarili ko'ng Ina ay ang magiging dahilan ng pag lungkot ko.

I cried and cried until my eyes get puffy and until i didn't realize that i just slept.

Nagising na lang ako ng maramdaman na hinahaplos ni Papa ang buhok ko. He looked at me sincerely.

Napaka lungkot ng mukha niya at hindi ko kayang tignan siya ng ganoon. "P-pa." Saad ko bago umupo.

"Mahal ko kayo ng Mama at Kuya Khian mo, Kia." Sabi niya na para bang aalis siya o mawawala.

"Pa..." Parang nag susumbong na saad ko bago ako yumakap sa kanya.

Niyakap niya rin ako at hinagod ang likod ko. I don't know what's happening to our family pero bakit feeling ko ang unfair masyado.

Una, si Kuya galit kay Axel at iniwan ako ngayon naman si Mama gusto akong makipag break sa taong mahal na mahal ko.

Why they can't be just happy for me?!

All i want is to be happy... binigay ko naman sa kanila lahat ah. I know na may pag kukulang ako dahil walang taong perpekto pero sila din naman!

Sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na mahal nila ako kaya nila ginagawa 'yon... pero tangina kasi e.

Ang sakit sakit lang, diba kapag mahal mo masaya kang nakikitang masaya siya?

Perl bakit iba 'yung lagay sa akin. I know life is really freaking unfair but i can't help myself to think na parang sa akin binuhos lahat ng sakit!

Gusto ko lang naman maging masaya pero bakit pinipigilan nila ako... sarili ko pang pamilya!

"Pa! Bakit sinabi n-ni Mama 'yon! A-alam ko naipit lang d-din siya pero bakit a-ang sakit! H-hindi ko naman kasalanan na n-nagmahal ako ah! Kung nasasaktan sila m-mas nasasaktan ako! M-mahal na mahal ko sila a-at binibigay ko lahat ng k-kaya ko pero bakit kapag s-saakin ay h-hindi nila kayang ibigay ang nag iisang h-hiling ko!" Shnod sunod na sumbong ko kay Papa, hindi siya nag sasalita dahil hinahagod niya lang ng hinahagod ang likod ko.

"Mahal ka nila, Kiana." Kumalas siya sa yakap at pinalis ang mga luha ko. "Pare-pareho lang naman kayong may mali e, ikaw gusto mo'ng maging masaya... pero sana 'wag mo'ng kwestyunin ang pag mamahal ng Mama at Kuya Khian mo sayo. Mahal na mahal ka nila maniwala ka sa akin. Ako? Mahal na mahal din kita, hah?" Mas tuloy tuloy na bumagsak ang luha ko dahil sa sinabi ni Papa lalo na at ng makita kong may mga luhang bumabagsak galing sa mga mata niya na mukhabg pagod.

Teach Me How To Love, Ma'am (Love Job Series #1) | ongoingWhere stories live. Discover now