Love Job Series #1
Teach Me How To Love, Ma'am
Chapter 3: Foundation Day Preperation
Kiana's POV
Nakahilata na ako ngayon sa kama ko habang iniisip ang interaction namin kanina. Bigla ko tuloy naalala ang strawberry juice na dapat ay sa akin.
Kainis! Kainis!
*Flashback*
"Juic-- este papeles. Pinapa abot ni Kuya." Sabi ko na ikina kunot ng noo niya. Problema nito?
"Kuya?" Nag hihintay ito ng sagot kaya nag buntong hininga ako.
"Khian Mike Martinez." Tipid na saad ko bago ibagsak ang mga papeles sa table niya at lumabas na ako pero pabalang kong isinara ang pintuan ng office niya na lumikha ng malakas na ingay.
Talaga! Deserve lang niya 'yan dahil inagaw mo ang strawberry juice ko! Hindi ko pa rin 'yon nalilimutan! Kala mo ah!
I will never forget this day that we interacted! Bahala na! Bibili na lang siguro ako sa market! Mga sampong dosena ng hindi na ako maubusan at mabad trip!
Hmp!
*End Of Flashback*
Nabalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni Mama mula sa sala. Kakain na daw kami. Gabi na din kasi at sinabi sa akin ni Kuya na overtime siya, as usual kaya hindi namin siya kasabay.
"Ma, ito na po 'yung pera para sa check up ni Papa." Iniabot ko kay Mama ang pera na siyang ipinag pasalamat naman niya.
Natapos na akong kumain pero hindi muna ako umakyat kundi pumunta muna ako sa sala at duon ako ay nag iisa. Umakyat na sina Mama at Papa para mag pahinga na dulot ng pagod.
Binuksan ko ang tv at duon ako nanood ng paborito kong vlogger sa youtube. Biglang sumagi sa isip ko ang foundation day.
Inilabas ko ang phone ko at agad na nag message sa gc ng mga magulang para sa meeting na gaganapin bukas. Sinabi rin sa amin na halfday ulit ang mga estudyante dahil may meeting ulit ukol sa pag ha handa para sa mangyayaring foundation day sa susunod na linggo.
Mga bandang alas diyes na ako natapos sa panonood kaya umakyat na ako sa kuwarto para mag pahinga.
_____
"Hi, Ma'am." Hindi na ako nagulat ng makita ko siyang sumulpot sa harapan ko habang papunta na ako sa room ko.
"Goodmorning, but i'm in a hurry." Patuloy akong naglakad pero pinigilan niya ako at hinawakan nito ang aking braso kaya agad ko itong iwinaksi.
"S-sorry, hindi ko sinasadya." Kamot batok na saad nito.
Ayokong maging harsh kaya hindi na lang ako nag salita at itinuloy ang balak na pumunta sa room ko.
Binati ko ang mga estudyante ko na as usual ay nag tatakbuhan. Nag simula na akong mag turo pero agad ding natapos dahil ilang minuto lang dahil nga half day lang ngayon.
YOU ARE READING
Teach Me How To Love, Ma'am (Love Job Series #1) | ongoing
RomanceLOVE JOB SERIES #1