Love Job Series #1
Teach Me How To Love, Ma'am
Chapter 13: Khian and Axel
Kiana's POV
Axel and I decided to walk around the beach. Hinayaan na muna namin ang tao duon dahil medyo maingay na din.
Mataas naman ang alcohol tolerance ni Kuya kaya for sure gising na gising pa rin ang diwa 'nun ngayon.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Axel pero nakita ko ang pag kunot ng noo niya.
"Anong 'okay lang'?" Medyo natatawa niyang tanong pero ng maramdaman niyang seryoso ako ay tumango siya.
"Hindi ka kaya okay, you always make sure that Akhiro will be fine pero sarili mo hindi mo hindi mi tinatanong kung ayos ka lang." Nakita ko ang pag lamyos ng mga mata niya.
Umupo siya sa buhanginan kaya tinabihan ko siya. Malayo lang ang tingin naming dalawa. "I don't know. Siguro dahil sa sobrang pag mamahal ko kay Akhi at mine make sure ko na okay lang siya ay miski sarili ko ay hindi ko na natatanong kung okay lang ako, but i'm not okay." Narinig ko ang pag hikbi niya kaya isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. "Gusto ko r-rin naman ng pagmamahal ng magulang e. I'm strong i would say, but that doesn't mean i don't need someone."
"Don't worry, i'll be here... always." I pat his head. Umayos siya ng upo at humarap sa akin.
"Can i ask you something?" Tumango tango ako. "Do i deserved to be loved?" May mga luha ng nalalaglag mula sa mga mata niya.
"Ofcourse!" Agad ko namang saad.
He smiled at me then he looked away. Pinalis niya na ang mga luha sa mga mata niya at tumayo na. Inabot niya sa akin ang kamay niya kaya kinuha ko ito pero nagulat ako ng buhatin niya ako ni bridal style at parehas kaming pumunta sa tubig.
"Axel!" Tawa lang ang itinugon niya sa akin.
Parehas na kaming naka lutang at basa na rin ang suot ko. Nalutang pa ang suot ko dahil naka dress ako kaya hinubad ko na ito kaya naka two piece bikini na lang ako habang si Axel ay naka topless.
Naka sabit ang mga kamay ko sa leeg niya habang ang kamay niya naman ay nasa bewang ko. Medyo nasa malalim na kami at dahil medyo maliit ako ay literal na naka lutang ako pero marunong naman ako'ng lumangoy.
"You're so beautiful." He kissed my forehead.
"Small things!" Pang aasar ko.
Umahon muna kami at nag picture. May selfie at may mga time na pini-picturean niya ako.
After some time we decided to head back to our rooms. Si Axel ay kinuha na si Akhiro sa kuwarto nila Mama, tulog na nga e.
The next day ay medyo masakit ang ulo ko. Anong oras na din kasi ako natulog kagabi at medyo naka inom pa ako.
May check up dapat si Papa kahapon pero minove ngayon kaya kanina pa silang umaga naka alis.
Si Kuya naman ay mamaya pa'ng hapon aalis dahil may parang 'lunch party' kami mamaya kasama ang iba't ibang bisita niya.
I wore a floral dress na hanggang baba ng tuhod ko and 'yung sandals ko is 'yung sinuot ko lang din kahapon.
Naka usap ko pala si Axel at sasamahan niya daw ako dito sa boracay hanggang biyernes. Ewan ko nga kung paano napayagan 'to e?
Isang linggo'ng leave?!
"Ang kalat mo, Akhi." Suway ni Axel kay Akhiro. Nakain na kami ngayon ng breakfast at maya maya ay mag gagala kami.
YOU ARE READING
Teach Me How To Love, Ma'am (Love Job Series #1) | ongoing
RomanceLOVE JOB SERIES #1