♡ Chapter 6

2 1 1
                                    

Love Job Series #1

Teach Me How To Love, Ma'am

Chapter 6: Booth Designing

Kiana's POV

Nagising ako ng maaga kahit sabado dahil nga isa-sa ayos ko pa 'yung magiging booth namin.

Nakain na ako mag isa ng almusal ngayon sa kusina dahil tulog pa sila Mama. Si Kuya naman ay maaga ding umalis dahil marami pa raw siyang gagawin sa opisina.

Isusubo ko na sana ang pandesal na isinawsaw ko sa kape ng mag message sa akin si Axel kaya binitawan ko muna ang hawak kong pagkain.

From: Axel Averso

I'll pick u up.

Muntik na akong mabilaukan kahit wala namang laman ang bibig ko. Now na ba? Nine naman ng umaga ang sabi ko ah? Seven pa lang.

To: Axel Averso

Seven p lng nmn ah?

From: Axel Averso

Mmya kasi...

Napa 'ahh' naman ako sa message niya. Para namang galit pa 'to!

To: Axel Averso

K.

Huling message ko na nireactan niya lang kaya itinuloy ko na ang pagkain
ko.

Natapos na ako kaya naligo na ako at nag bihis. Hindi teacher uniform ang suot ko dahil wala namang klase dahil sabado. Nag suot lang ako ng maong pants at white polo.

Simple lang dahil alam kong pagoda ako ngayon dahil sa dami ng gagawin. Feeling ko nga mas mapa-pagod pa ako ngayon kaysa sa pag tuturo e.

Lumabas na ako at hinintay si Axel sa labas. I checked my wrist watch at 8:45 pa lang kaya nag hintay pa ako ng ilang minuto bago siya makarating.

"Hi, goodmorn-." Natigilan ako ng makita ang suot niya at sa tingin ko ay ganun rin siya.

He laugh awkwardly. "Nice outfit... i guess we're wearing the same one."

"O-oo nga."

Umupo na ako sa katabi niyang seat at hindi pa rin maalis sa isip ko na parehas kami ng suot.

He's also wearing a maong pants but his shirt is not a polo... plain white t-shirt lang.

We stayed quiet the whole ride until we arrived at the school. Una akong bumaba at sumunod naman siya.

Inilibot ko ang mata ko sa school at may mga tents na naka build sa field na para sa mga booths. Hinanap ko kung nasaan 'yung booth na para  sa amin.

Tent pa lang ang naka set up para kung sakaling umulan or mainit ay may bubong kami kahit papaano.

Buhat buhat ni Axel ang mga gamit na gagamitin namin pang set up para sa magiging booth namin.

Teach Me How To Love, Ma'am (Love Job Series #1) | ongoingWhere stories live. Discover now